Sa kaharian ni Sitan ay nakaupo ito sa kaniyang mataas na tronong gawa sa bato sa kasama ang kaniyang apat na disipilo na sina Kulam, Gawa, Silat at Hukloban na nasa kaniyang gilid. Tulala ito at tila malalim ang iniisip kung paano niya mapapag bagsak ang mga alagad ni Bathala upang maisakatuparan ang kanilang plano. “Papuhin niyo rito ang itim na babaylan” utos ni Sitan sa isa sa kaniyang mga disipolo na si Silat. Agad itong sumunod at umalis upang ipatawag ang itim na babaylan. Maya maya ay pumasok sa silid trono ang dalawang halimaw na nakilala kaagad ni Sitan, ito ay mga alagad ng Ulilang Kaluluwa na naglakad rin kasunod ng dalawang halimaw at patungo ito sa kaniyang direksyon at pag dating ng mga ito sa kaniyang harapan ay agad silang yumuko bilang pag bibigay galang sa kanilang pangi

