Matapos sabihin ni Sandy na bumalik ang kaniyang kapatid ay agad itong nagpunta sa lumang bahay para isangguni ito kay Amar. Eksakto namang nakasabay niya si Glyza papasok ng bakuran ng lumang bahay at doon sinabi niya rin ang tungkol sa pagbabalik ni Aaron at sa nangyari sa kaniya sa mansyon. Hindi naman makapaniwala si Glyza sa kaniyang nalaman. Nagtataka ito kung paano ito nabuhay at kung ano ang kailangan ng kampon ni Sitan sa kaniya kung totoo man na nasa ilalim ito ng itim na kapangyarihan at kung totoo man ito ay kailangan ding mag handa ni Glyza dahil maaaring may iba itong kasama. Pinayuhan niya si Teman na isama siya o ‘di kaya’y si Amar at Amanikable upang masiguro ang kaniyang kaligtasan. “Kailangan isama mo ang isa sa’min” sabi ni Glyza habang sila ay nasa bakuran at hinihinta

