Chrylei Criox’s Pov Tingin ko ay matapos ang nangyari kanina ay wala nang magtatangkang manakit sa akin sa araw na ito kaya naman muli akong naglakad papunta sa research facility. Nasa training ground naman ang lahat ng estudyante kaya siguradong ligtas ang paligid. “Nabalitaan ko ang nangyari sa labas kanina.” ani Decia nang salubungin ako pagpasok ko palang ng facility. “It looks like it is getting started.” Kumunot ang aking noo sa narinig. “Anong ibig mong sabihin?” Tinitigan niya ako pagkuwa’y umiling. “Huwag mo na munang isipin iyon. I will explain it if I already confirm it.” Tumango na lamang ako. “Anyway, ano ba ang plano mong gawin sa mga oras na ito?” tanong niya. “Ahm, gusto ko sanang makita ang ilang documents tungkol sa Kiseki University.”

