Chrylei Criox’s Pov “Anong ginawa nila sayo para gawin mo ang lahat ng iyon sa kanila?” Hindi ko maintindihan. Hindi ba’t pare-pareho silang parte ng Thirteen Royal Families? Sila ang namamahala sa buong Attila. Sila ang nangunguna upang manatiling maayos at payapa ang aming mundo pero bakit ganito ang kanilang sitwasyon? Una ko itong naramdaman nang pumasok ako ng palasyo. Ramdam ko ang tensyon at kawalan ng tiwala nila sa isa’t-isa. Dumagdag pa ang lamig ng pakikitungo ng mga nasa holy class noong unang araw na dumating ako dito. Nito na lamang muli naging maayos at maaliwalas ang kanilang tungo sa isa’t-isa. Ngunit heto naman si Honari na kabilang din sa ika-12th royal family na pilit gumagawa ng lamat sa samahan ng holy class at pilit silang pinapaalis sa es

