Kiko’s POV ”Ate sandali!” sigaw ni Dein. Patakbo siyang lumabas ng gate para habulin si Jamila. Umalis na rin si Shane. Kung sino man ang sumundo sa kanya ay wala akong pakialam. Humakbang ako para sana samahan si Dein na habulin rin si Jamila ngunit mahigpit na hinawakan ni Caloy ang braso ko upang pigilan ako sa paghakbang. Binalingan ko siya at tinitigan ng may pagtataka. “Hayop ka!” galit niyang sigaw at inundayan ako ng suntok sa panga. Agad akong natumba at nakasubsob dahil hindi ko na paghandaan ang pagsugod niya sa akin. "Walang hiya ka! Tinuring kitang kapatid pero trinaydor mo ako!" sigaw niya. Pinilit kong bumangon ngunit hindi ko nagawa dahil tinadyakan niya ako sa aking likod dahilan upang madapa ulit ako sa bermuda grass. "Gago ka! Ang sabi ko kaibiganin mo para sa akin p

