
Kiko and Caloy have been best friends since they were still in pre school. Mula pagkabata ay hindi na sila mapaghiwalay. Pareho din sila ng kursong tinapos sa kolehiyo. They were both engineer.
Magkaibigang tunay ngunit magkaiba ang ugali. Si Kiko ay tahimik seryoso sa lahat ng bagay. Pinag iisipan muna ang lahat ng pwedeng mangyari bago magdesisyon, at higit sa lahat gwapo. Samantalang si Caloy ay palabiro, maingay at napaka kalog. Gwapo rin naman siya ngunit mas angat ang karisma ni Kiko. Kaya marami ang nagtataka kung bakit nagkakasundo ang dalawa. Walang lamangan at sapawan sa isa’t isa.
Ngunit ang kanilang pagkakaibigan ay masusubok at magkakaroon ng pader sa kanilang pagitan dahil sa isang babae.
She is Jamila, a pure Filipina who was raised by her parents in the United States. Nakita ni Caloy ang picture ni Jamila na naka post sa isang dating app. Gumawa ng ibang Account si Caloy at ginamit ang picture ni Kiko. They were chat mates, hanggang sa ligawan ni Caloy si Jamila.
Jamila is interested to know more about Kiko, which is Caloy in real life.
Pinakiusapan ni Caloy si Kiko na makipag kita kay Jamila. Ang pagkikita nila ay nasundan ng madalas hanggang sa nahulog sila sa isa’t isa.
Paano niya pagtatapat kay Caloy na mahal na niya si Jamila kung ito ang magiging mitsa ng pagkakaibigan nila?
Paano niya ipapaliwanag kay Jamila na si Caloy ang tunay niyang manliligaw at hindi siya?
Hanggang si Caloy na mismo ang nagparaya. Alam din naman niya na mahal na mahal ni Kiko si Jamila at ganun din ang dalaga.

