Chapter 2

1172 Words
Nasa bahay si Caloy ngayon. Ngayong araw ilalabas ng PRC ang resulta ng nagdaang board exam. Sinadya naming hindi ipaalam sa aming pamilya na ngayong araw malalaman ang resulta ng nakaraang board exam. My chest keep on pounding while I'm scrolling. Nakaharap ako sa aking laptop. Samantalang si Caloy ay nasa tabi ko at nakaakbay sa akin. Napamura ako nang una kong makita ang pangalan ko sa mga nakapasa. "CORTES FRANCIS VILLA. Yeah I made it! I made it!" Sigaw ko. "Nakapasa– Aray bakit mo ako binatukan? G*g* ka!" Sigaw ko kaw Caloy naalog yata ang utak ko dahil sa lakas ng pag batok niya sa akin. "Makasigaw ka eh, nagdiriwang ka na paano naman ako hanapin mo muna yung pangalan ko bago ka mag sisigaw diyan. Umbagam kita Kiko gusto mo?" Saka ko lang naalala na hanapin din ang pangalan niya. Kaya tinuloy ko ang pag hawak sa mouse. "Bilisan mo naman pre. Pa suspense ka eh!" sigaw niya sa akin nahanap ko na kanina ang pangalan niya sinadya ko lang bilisan ang pag scroll para hindi niya makita. Pinagpapawisan na siya sa pag aakala na wala siyang pangalan sa mga nakapasa. "Sandali lang naman! Hindi ko mahanap ang pangalan mo Caloy baka hindi ka nakapasa." Sabi ko at pilit pina pormal ang aking mukha. Malutong na mura ang pinakawalan ni Caloy nang hindi niya makita ang pangalan niya. Binalik ko kung saan ko nakita ang pangalan niya kanina. "LORENZO CARLO HABLA!" basa ko sa pangalan niya. "Yes! We did it brother! We did it!" Sigaw ni Caloy dahil sa sobrang tuwa nang sa wakas ay nakita niya ang kanyang pangalan sa hanay ng mga nakapasa. He even kiss me on my cheek what the f*ck! After knowing the result, agad naming ibinalita sa aming mga magulang. Itong si Caloy nauna pang i post sa kanyang social media kaysa sabihin muna sa magulang niya. Nagkaroon ng kaunting salu-salo sa aming bahay. Pasasalamat dahil nakapasa ako sa exam. After our oath taking I immediately apply for work. I pass my resume in different companies of course kasama ang aking bestfriend na puro pag papa-cute ang ginagawa sa mga empleyado ng kumpanya na pinag papasahan namin ng resume. Luckily we are hired at GUERRERO CONSTRUCTION COMPANY. Muntik pa kaming mabulilyaso dahil sa kagagawan ni Caloy. Hindi pa man kami natatanggap ng tuluyan ay nakagawa na ng kahihiyan ang kaibigan ko. Panay kindat ang ungas sa babaeng nakasabay namin sa elevator. Inirapan lang siya ng babae at tuwid na tumayo habang nakatingin ng diretso sa harapan ng elevator. Siniko ko si Caloy at tinitigan ng may pagbabanta. "Umayos kang unggoy ka baka ako mismo ang kakaladkad sayo palabas pre. Ayus-ayusin mo ang galaw mo." mahinang bulong ko sa kanya sakto lamang na naririnig niya. Maganda ang babae, hindi katangkaran ngunit mestisa. Bilugan ang mukha niya at matangos ang ilong. Naka suot siya ng dress hanggang baba ng tuhod at naka coat ito ng kulay puti. Mukha siyang doktor. Kasabay pa namin ang babae palabas ng elevator. Papunta rin pala ito sa office of the CEO. Nakasimangot lang ang babae habang nakasunod kami ni Caloy sa kanya. "Good morning Ma'am Joy." bati sa kanya ng secretary of the CEO. "Good morning," ganting bati ng babaeng na kasabayan namin na nagngangalang Joy. "Nandito na ba si Kiel?" muliing tanong ng babae sa secretary. "Yes Ma'am, actually hinihintay po niya ang mga newly hired Engineers for their final interview." sagot ng sekretarya. Nag tatangka pa lang akong magsalita ay naunahan na ako ni Caloy. "Miss, kami po 'yon." sabat ni Caloy. Ewan ko ba sa tuwing nagsasalita ang kaibigan ko parang walang kasiguraduhan ang lahat. I feel like I'm always in danger. D*mn. Binalingan kami ng babaeng nagngangalang Joy. Hindi nagtagal ang titig niya sa akin. Parang ngumiti pa nga. Ngunit tila maasim ang sikmura niya pag tingin niya kay Caloy. "Follow me." saad ni Miss Joy at inunahan na kami sa paglalakad. "Pre, palo daw." nakangising bulong ni Caloy sa akin. "Caloy, shut the f*uck up! Kotang kota ka na sa araw na 'to. Please lang pre." sermon ko sa kanya at sumunod na ako kay Miss Joy. Napa kamot naman sa ulo si Caloy na sumunod sa akin. Hindi na kumatok si Miss Joy at agad binuksan ang pinto ng opisina ni Mr. Vince Kiel Guerrero. Tila nagulat naman ang CEO nang makita ang babae sa harapan niya. Ngumiti siya at lumapit sa babae. "Sweety, ang aga mo." saad niya at hinalikan ang babae sa pisngi. Yumapos naman ang babae sa kanyang bewang payakap sa kanya. "Sweety, they are looking for you. Your secretary says that they are your newly hired Engineers." "Yes I've been waiting for them." ngiting baling niya sa amin. "Good day gentlemen, may I know your names?" tanong ni Mr. Guerrero. Ako na ang unang nagsalita dahil ang kasama ko ay mukhang natulos na sa kanyang kinatatayuan. "Good morning sir I am Engineer Francis Cortes." pagpapakilala ko napatango naman ang CEO sa akin. Napasalin ang kanyang tingin kay Caloy na hindi pa rin makatingin ng diretso sa mga taong kaharap. Siniko ko siya kaya nagising yata ang kanyang diwa. "I-Im am E-engineer C-Carlo Lorenzo Sir." kanda utal na sagot ni Caloy. Muntik pa akong mapa bunghalit ng tawa dahil sa reaksyon ni Caloy ngayon. Napatango naman si Mr Guerrero bago nagsalita "Bakit ka nauutal Engineer Lorenzo, huwag kang matakot. By the way I am Vince Kiel Guerrero, and the lady beside me is Dr. Samantha Joy Guerrero my wife." nakangiting pagpapakilala ni Mr. Guerrero. Alangan akong napangiti at bumaling kay Caloy. Namumutla ang ungas at hindi makatingin ng diretso sa mga taong kaharap namin. "Bakit Engineer Lorenzo may masakit ba sayo? Just tell me I can check you. Mukhang namumutla ka?" nakangiting saad ni doc Joy. "W-wala po doktora, o-ok lang po ako." sagot ni Caloy habang nakayuko. "Sigurado ka? Baka may masakit sayo Engineer?" sabat naman ni Mr. Guerrero. "Ok lang po siya Sir baka nausog lang ho kanina Sir." Nagulat ako na'ng biglang natawa si Mr. Guerrero, at bumaling sa asawa niya. Nakanguso naman ang kanyang asawa. "Pasensya na kayo naglilihi kasi si Misis kaya baka nausog niya si Engineer Lorenzo." "Paano kasi kumindat kindat ang mata niya nakakainis." Nakangusong bulong ni Miss Joy. "What!? Kinindatan ka n'ya!?" Kunot Ang noo na tanong ni Mr. Guerrero. Lagot na mukhang nagselos pa yata. "Ah Sir, Mam, pasensya na po. Mannerism po kasi ni Caloy I mean ni Engineer Lorenzo ang pagkindat." Agap ko. Siniko ko naman ang kaibigan ko para segundahan ang sinabi ko. "Yes Sir." Sagot ni Caloy at binaling ang tingin kay Mrs. Guerrero "I'm sorry Ma'am for my act a while ago." Hinging paumanhin ni Caloy sa doktora. "Ok." Sagot naman ng doktora pero baka nguso pa diin. "Anyway you may start tomorrow, let's meet tomorrow morning here in my office may lakad kasi kami ni Misis so see you tomorrow gentlemen. You may go." Saad ng CEO. Nagpasalamat kami at agad na nilisan ang opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD