Chapter 1
Kiko
"Mag jowa! mag jowa!" sigaw ng grupo ng mga batang kalalakihan sa labas ng eskwelahan. Tinutukso nila kami ng kaibigan kong si Caloy. Tumigil sa paglalakad si Caloy at masamang tiningnan ang grupo ng mga batang nagsisigawan.
"Sino ang mag jowa pinagsasabi nyo ha!?" sigaw ni Caloy sa mga kapwa batang di hamak na mas malaki at mas matangkad sa amin
"Caloy huwag mo na lang silang pansinin mga wala lang magawa ang mga iyan. Umuwi na tayo." Sita ko sa kaibigan ko. Kung paghahambingin ang aming mga katawan mas malaki ang katawan ni Caloy kumpara kay sa akin. At the age of ten ay malaking bulas si Caloy kumpara sa akin na patpatin kung tawagin.
"Hoy! Sino ang tinatawag n'yong mag jowa ha!?" Sigaw ni Caloy sa isang bata. Animo isang maton sa kanto na naghahamon ng away. Pinapatunog pa nito ang kanyang mga daliri sa kamay na may halong pangigigil.
"Kayo ng kaibigan mo mukha kayong mag jowa. Sino ba sa inyo ang serena?" tanong ng isang bata na kasing laki ni Caloy. Nagtatawanan silang lahat at pati si Caloy ay naki tawa.
Parang baliw lang. Minsan nagtataka ako kung kanino nagmana itong kaibigan ko dahil pareho namang matino ang mga magulang niya. Siguro ay naalog lang ang utak ng ipanganak.
"Wala sa amin ang serena pero shokoy meron at dito ay ikaw 'yon." Panunukso ni Caloy. Binelatan niya ang batang kaharap ay kumembot kembot kaya nag tawanan ang mga bata na nakapalibot sa amin. Ako ay tahimik lang na nanonood sa tabi. Kinuwelyuhan ng isang bata si Caloy. At inundayan ng suntok. Nakita kong dehado na ang kaibigan ko dahil dalawang bata ang nasa harap n'ya at pinagtutulungan siya kaya no choice ako kundi tulungan si Caloy.
Natigil lamang kami sa pakikipag suntukan ng marinig ang pito ng gwardya ng eskwelahan.
Dineretso kami ng guard sa guidance office. Ipapatawag ang aming mga magulang at kakausapin ng principal kinabukasan.
Ilan lamang 'yan sa mga gulong kinasasangkutan naming magkaibigan kapag tinutukso kami ng kapwa bata.
Noong una ay inis na inis si Caloy kapag tinutukso kami. Ngunit nang lumaon ay hinayaan na lang namin. Takot din namin sa banta ng aming mga magulang na hindi na kami papasukin sa eskwelahan kapag nakipag away pa ulit kami.
Mula pagkabata ay naging magkaibigang matalik na kami ni Caloy. Nakatira kami sa isang barangay. Magkakilala na kami mula pa noong kindergarten kaya naging kaibigan ko siya.
Pareho kaming panganay, may dalawa akong kapatid at pawang mga babae. Samantalang si Caloy ay dalawa lang silang magkapatid. Ang nakababata niyang kapatid na si Carlene ay kaedaran ng bunso kong kapatid na si Kristine.
Pareho kami ni Caloy na galing sa simple at payak na pamumuhay. Ang aming mga magulang ay parehong magsasaka.
Marami ang nagtataka kung bakit kami magkasundo ni Caloy. Salungat kasi ang ugali namin. Ako ay hindi mahilig makipag barkada sa totoo lang. I always focus on my studies. Dahil ang main goal ko talaga ay makapagtapos at maiahon ang buhay namin at matulungan ang mga magulang ko sa pagpapaaral ng mga naka babata ko pang kapatid. My sister Dein is on her third year taking up bachelor of science in criminology while our youngest sister Kristine is on her first year taking up nursing. Malaki laking pera pa Ang kaakilanga in nila para sa kanilang pag aaral. Napapasama lang ako minsan sa mga palaro gaya ng basketball kapag namimilit si Caloy. Lalo na kapag kapistahan sa aming bayan. Tahimik akong tao at sapat na sa akin ang magbasa ng libro sa tabi.
Si Caloy naman ay palabiro. Palatawa at maingay. Minsan dahil sa labis na pagiging patawa at kwela ay nakokornihan na ako sa kanya. Ugali pa niya minsan ang pumatol sa mga nang aaway sa kanya kahit hindi niya kaya ang kalaban niya kaya ang ending pareho kaming bugbog dahil hindi ko naman matiis na makita siyang nasasaktan.
Kapag pinagsasabihan naman si Caloy ay nakikinig naman. He is willing to correct the wrong doings he did. He is willing to hear my rants, advice and he even obey me. Kaya kami nagkakasundo. Mabait si Caloy at may kaseryosohan din naman talagang taglay si Caloy. Matalino din kaso minsan ay inuuna ang katamaran lalo na kung may katagpo siyang bagong babae.
Pati sa pagpili ng kurso ay naki gaya sa akin. I took up civil engineering. Minsan niloko ko siya.
"May gusto ka talaga sa akin 'no?" Panunukso ko sa kanya?
"Yuck Kiko paano mo nasabi? Mahiya ka naman." Saad niya na parang nandidiri.
"Kasi pati kurso ko ginaya mo. Siguraduhin mo lang Caloy na papasa ka. Itatakwil talaga kitang ungas ka."
"Doncha wary pre, I can handle this "
"Kita mo pati English mo tabingi, umayon sa utak mo."
"Kaya nga ako sasama sayo sa university eh para kapag hindi ko alam yung lesson e may Kiko to the rescue." Kumindat kindat na saad siya.
"I'll take up nursing then if that is the case." biro ko sa kanya.
"Kiko naman, alam mo namang allergic ako sa karayom e. Maawa ka naman." Lukot ang mukha na pagmamakaawa niya sa akin. Kaya hindi ko na napigilan ang matawa. Ang laking bulas niya kasi ay takot na takot siya sa karayom. Lakas ipam blackmail Kay Caloy ang karayom. May phobia daw ito sa sa karayom dahil labas masok si Caloy sa ospital noong bata siya dahil sakitin siya noon ayon sa kanyang ina na si Aling Lucia. Nagdaan ang maraming taon. Sa awa ng Diyos ay nakapag tapos kami ni Caloy ng kolehiyo. Mahirap. Mahirap dahil marami kaming dapat pag aralan ngunit nakaya ko naman. Ang pinansyal na pangangailangan sa aking pag aaral ay muntik ng hindi mairaos ng aking mga magulang. Kahit pa sabihin na scholar ako ay kailangan ko pa ring magbayad ng bahay na tinutuluyan pati pagkain noong nag aaral ako H
hanggang sa mag ojt ako. Malayo Kasi sa aming bahay ang University.
Then our graduation came. I got teary eyed when I received my diploma. I graduated as magna cumlaude. Kakaibang saya ang hatid sa akin ng pagtatapos ko lalong-lalo na sa mga magulang ko.
Napalitan ng tawanan ang iyakan nang si Caloy naman ang umakyat sa entablado. Ang pangit lang kasi ng itsura ng ungas habang sisinghot singhot siya paakyat ng stage. Para siyang matatae at nanginginig pa ang labi habang inaabot ang kanyang diploma.
Caloy really did his best to finish his studies. There were times that he almost lost his hope but I did the best I could to motivate him to finish his course.
It is not the final yet. We need to review again for the coming licensure examination for engineers.