Kiko's Pov Kanina pa tahimik si Dein. Kung may tinanong ang Inay sa kanya ay sumasagot naman pero halatang tipid at pilit. Mula kaninang dumating siya galing sa opisina ng doktor ko ay para siyang lutang. Malimit ko siyang mahuling nakatitig sa akin. Parang nangungusap ang mga mata at tila may gusto siyang sabihin ngunit pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili. Tinanong pa siya ni Inay kung kumusta ang mga resulta ng lab test ko, ang sagot naman niya ay ok lang at normal ang lahat ng resulta. Bagay na hindi ako kumbinsido dahil sa reaksyon niya. Pilit man niyang itago ito ngunit napag hahalataan siya. Maya-maya pa ay tumayo siya at hinarap ang inay. "Nay, tutal po ay maaga pa naman, pwede bang dumito muna kayo ni nay Lucia? May pupuntahan lang po ako. Bibili na rin po ako ng pagkain

