"This house is a gift. Matagal na natengga ang pagpapatayo nito because of some personal issues. Now that Ace Delos Santos is ready to reconstruct it, I want you to supervise the operation. My brother in law wants it to be done as soon as possible. So please gentlemen, ladies do your best and make him satisfied." Mr. Guerrero said.
"Yes Sir." we answered in unison.
Unang araw namin sa trabaho ngayon. We are gathered here together in the conference room. With the team for the briefing for our first project.
Isa-isa kaming pinakilala sa mga makakasama namin sa proyektong iyon. Aside from the architects, may isa pa kaming kasamang engineer. She is Shane. An engineer. She keeps on staring at me. Tila hinaplos pa niya ang aking palad ng nakipag kamay siya sa akin. Sabay kindat sa akin what the f!
Lihim kong pinanood kung ganun din ang gagawin niya kay Caloy but she just wave her hand and say "Hi" to him. Tinitigan pa ako ni Caloy ng may pagtataka. Nagkibit balikat na lamang ako. Hindi ko na pinansin si Shane kahit nararamdaman ko ang mainit niyang titig sa akin. Nag focused ako sa mga paalala at instruction ng mga nakakataas sa akin. Napansin ko ang pananahimik ni Caloy tutok na tutok siya sa mga taong nagsasalita sa harapan namin.
Una naming proyekto ay isang bahay. It is not just a house. Based on the plan it is a mansion. A gift. Well, sa kanilang mga mayayaman hindi imposible sa kanila ang mga ganoong bagay.
The location is in the City. Kailangan naming bumiyahe dahil malayo dito ang location ng bahay. May barracks kaming titirhan doon. Mr Guerrero also offered his condo. Ayon sa mga kasama namin may mga nakalaang bahay at condo kaming tutuluyan malapit sa mga projects namin sa iba't ibang panig ng bansa. Knowing the Guerrero's ang delos Santos' sa lawak ba naman ng mga ari arian at negosyo nila.
"Napaka swerte naman ng babaeng pakakasalan ni Mr. Delos Santos." saad ni Caloy na ikina lingon k sa kanya. "Lahat talaga gagawin ng isang tao mapasaya lang ang kanyang minamahal." dagdag pa niya. I agree. Lahat ng imposible gagawing possible ng isang taong nagmamahal. May mga tao pa kaya ngayon na kuntento na sa simpleng bagay tulad ko? Paano kung yung babaeng para sa akin ay maghanap ng mga bagay na hindi ko kayang ibigay?
Naglalakad kami papunta sa cafeteria ng kumpanya. Maliit lang ang gusaling ito dahil branch lang ito ng Guerrero Construction Company. The main company was in the City.
"Biro mo p're, surprised gift niya mansyon. Sobrang special ng babae. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ang bahay. Iba talaga ang nagagawa ng pera." litanya niya.
"Caloy, it is a surprise, hindi pa alam ng babae na para sa kanya ang bahay. May tendency na tanggihan niya yon. Ikaw na rin ang nagsabi na special siya. Bawat tao may iba't ibang katangian at satisfaction."
"Mansyon? tatangi ka pa ba?" tanong niya.
"May mga babae pa naman ngayon na marunong makuntento kahit sa simpleng bagay lang." saad ko.
"Ganun ba ang mga tipo mo p're?" tanong ulit ni Caloy.
"Oo, hindi naman ako naghahanap ng babaeng perpekto." sagot ko.
"So, ano nga ang tipo mo?" pangungulit n'ya pa.
Napa kunot ang noo ko. "Bakit mo naman tinatanong? Huwag mong sabihing ipag tutulakan mo na naman ako sa mga kilala mo? Para sabihin ko sayo Caloy I don't have time for that."
"Ang dami mo na namang sinabi sagutin mo na lang 'yung tanong ko pare."
"Syempre yung simple lang. Simple manamit, marunong makuntento, matinong babae, mabait, magalang at saka 'yung hindi walwal."
Nakahawak si Caloy sa kanyang baba at napatango tango. "In short dalagang Pilipina ganun?"
"Exactly." sagot ko.
"Good." saad ni Caloy habang naka ngiti.
Tiningnan ko siya ng may pagtataka. "Anong good?"
"Nothing. Let's go. I'm hungry, man." sabi nya sabay yaya sa akin papasok ng cafeteria. Napamaang ako habang nakatitig sa likod ni Caloy papalayo sa akin.
"Anong nakain ng ungas na 'yon? He is speaking english fluently? What happened? Mayroon ba akong hindi alam? O nausog na naman ang unggoy na ito?" bulong ko sa sarili habang sumusunod kay Caloy. Nauna na siyang nag order ng makakain namin.Pagbalik niya ay tinanong ko siya.
"Pare anong kinain ninyo kanina sa almusal?" tanong ko.
kunot ang noo niya akong tinitigan bago sinagot ang tanong ko. " Fried rice, ham and sausage with dried fish dip with vinegar and garlic." maarte niyang sabi with American accent. Kaya hindi ko mapigilan ang sariling mapa bunghalit ng tawa.
"What's funny?" iritang tanong niya kaya mas lalo akong natawa. Nang kumalma na saka ako muling nagsalita. Nakatitig pa rin siya sa akin ng may pagtataka. Kasalukuyang inilalapag ng serbidora ang mga in-order ni Caloy na pagkain namin.
"Bukas mag papaluto ako kay inay ng ham, sausage, sinangag at daing, isasawsaw ko sa suka na may bawang. 'Di ba iyon ang ulam n'yo kanina?" tanong ko habang naka ngiti.
"So? Anong connect doon ng pag tawa mo?" kunot pa rin ang noong tanong ni Caloy.
"Kai simula kaninang umaga napapansin ko panay english ka ngayon. Nausog ka na naman ba?"
Ang kaninang lukot na mukha ni Caloy ay na palitan ng ngisi at excitement. "Nag pra-practice lang p're, malay mo one of this days makapunta ako sa America e 'di hindi ako mawawala diba?" paliwanag niya.
"Mag a-abroad ka?" takang tanong ko.
"Maybe, pero pwede naman mag tour muna diba?"
"Hindi ka pa nga sumasahod pa to-tour na iniisip mong ungas ka. Mag ipon ka muna." sita ko sa kanya.
"Don't you worry my dear friend I'll be working on that." mayabang na sagot niya. Naninibago talaga ako kay Caloy ano na naman kaya ang tumatakbo sa isip ng unggoy na ito. I'm hoping it would not lead to disaster.
"Ok, to see is to believe." saad ko at nagsimula ng kumain.
"Alam mo pare lakas maka pogi points kapag ikaw ang nag salita ng english. Bakit ako mukhang trying hard sa pandinig." reklamo niya.
"I don't know, maybe that's the effect of being lazy when you are still studying." paliwanag ko.
"Hindi rin, may mga matalino naman na hindi pala english eh." katwiran niya.
"Tulad ni?" tanong ko habang kumakain.
"Tulad ko." walang abog niyang sabi. Muntik na akong mapabuga dahil sa sagot niya. Ito ang gusto ko kay Caloy. Napaka confident niya. Huwag lang ma sobrahan.
"Sagutin mo ako ng totoo Caloy. Bakit panay english ka ngayon?" tanong ko at diretsong natingin sa mga mata niya.
Nag iwas siya ng tingin at binigyan ng atensyon ang pagkain. "Wala. Masama ba kung gusto kong matuto?" sagot niya. halatang mayroon siyang tinatago. Magaling naman talaga si Caloy. Mukha lang kasi siyang hindi seryoso kapag nagsasalita siya ng english. Mas lamang kasi ang itsura niyang nagbibiro kaysa sa seryoso.