Kiko's Pov Alas kwatro na ng hapon, nagsimula na akong magligpit ng mga gamit sa table ko. I was about to leave the office when my phone rang. Dinukot ko ito mula sa aking bulsaam at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nakangiti pa ako sa pag-aasam na si Jamila ang tumawag ngunit agad napawi nang makitang si Caloy ang tumatawag. Ilang araw kaming hindi nagkakasama ni Caloy dahil nilipat siya sa ibang project. Nakatutok ako ngayon sa mansyon ni Mr. Delos Santos. Pinapadali niya ang paggawa dito, ayon kay sir Ace malapit nang dumating ang babaeng pag aalayan niya ng mansyon. “Yes Caloy napatawag ka?” “Kiks, ‘di ka pa ba uuwi?” sa halip ay balik tanong niya. “Pauwi na, palabas na ako ng building. Bakit?” tanong ko ulit at nagsimula nang maglakad papunta sa elevator. “Nag aya mag inuman

