Jamila Magkahawak kamay kami ni Kiko papasok ng bahay. Habang naglalakad kami ay panay ang paninitig niya sa akin. Amusement is visible in his eyes. Tila hindi pa nag si-sink in sa utak niya ang mga nangyayari. Kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin ay napapayuko siya at mahinang napapamura. Banayad na humahaplos ang kanyang hinlalaki sa aking kamay. Bigla na naman akong na konsensya nang maalala ang mga panahon na nagmamakaawa siya sa lola ko. May mga video at tirato si Caloy na pinasa sa akin noon. Bagamat putol putol ang kuha sa mga videos, at pati ang mga pictures ay halatang stolen lamang. Makikita mong sincere siya sa mga pinagsasabi niya, wala siyang pakialam kung pagtawanan man siya kung may ibang taong makakakuta sa kanya. The handsome Engineer Francis Cortez cried, kne

