Kiko's POV Napuno ng asaran ang mesa nila Caloy. Nakisali na rin sa asaran si Erwin kaya lalo lamang naging maingay ang paligid. Kasabay ng makulimlim ngunit maalinsangan na panahon. May mga bisitang mas pinili ang magkwentuhan sa ilalim ng puno dahil mas presko ang hangin. May mga ilang bisita rin ang nag iinuman na. Napatingin ako sa gawi kung saan ang mesa ng mga magulang ko. Masaya silang nakikipag kwentuhan sa Lola ni Jamila kasama ang Mommy niya. Umupo si Mrs. Beltran sa tabi ni Inay. Habang si Jamila ay abala sa pakikipag usap sa Daddy niya. Nakahilig siya sa balikat ng Daddy niya at halatang naglalambing ito. "Kailan ba kasi matatapos ang training niya?" Pukaw ni Caloy sa akin kaya napalingon ako sa kanya. "Atat naman ito? Kung makapag demand ka akala mo naman girlfriend mo n

