Chapter 18

2601 Words
ISANG linggo pagkatapos makalabas ng ospital ang Papa ni Romeo ay bumalik na sa dati ang kondisyon nito na parang hindi man lang inatake sa puso. Kaya ang masayang-masayang Mama niya ay nagplano ng kasiyahan para sa mabilis na paggaling nito. His mother was known as a notorious event manager and she managed to plan all the fuss about the party within the day by bothering all the people she knew. Ngayong gabi rin ay idadaos ang pagdiriwang sa mansion nila at hindi siya makapaniwalang maraming nagpaunlak sa napakaiksing abiso na ibinigay ng Mama niya. Their garden was overwhelmed with visitors. Hinanap ng mga mata niya si Corazon pero hindi niya makita roon ang kasintahan. Nang tanungin niya ang mga katulong at si Sabel ay hindi rin napansin ng mga ito ang nobya niya. He decided to check on her in her room. He went upstairs and knock on her door but no one was responding. Nag-alala naman siya rito. Hinanap niya ang spare key para sa silid na iyon at binuksan ang kuwarto. Natagpuan niyang nakadapa sa kama ang babae. She was sound and asleep. She was a sleeping beauty in a silky night gown. Hindi niya mapigilang titigan ang mapuputi at makikinis nitong mga hita na nakaladlad sa harapan niya. He sat beside her on the bed and kissed her neck to the side of her ear. “Wake up sleepy head, the party has started,” he whispered. Hindi naman ito nagising agad kaya ilang beses pa niya itong nahalikan at sinikap gisingin gamit ang mga bulong niyang may pagnanasa. Nang magising ito ay nangunyapit sa leeg niya. Isinubsob niya ang mukha sa gilid nito, samyong-samyo niya ang mabangong buhok ni Corazon. “What time is it?” she asked. “Not midnight yet but we can… you know…” he whispered, chuckling. Mahinang tinampal nito ang balikat niya. “You’re such a tease.” “No, I’m not. But you are.” “Tse. Bumalik ka na sa baba at baka hinahanap ka na roon. Just let me stay here in my room. I don’t want to ruin your dad’s party with my presence.” Hinarap niya ito at kinintalan ng halik sa labi. “Sino namang may sabing masisira mo ang party ni Papa? Everyone’s technically invited, and it means you’re invited.” Bumangon siya at kinuha ang kahon na nakasalansan sa gilid ng kuwarto nito. Inilapag niya iyon sa kama. “I’ve seen it. It’s beautiful.” “Yes, and it will definitely look beautiful on you. So, get up now and dress up,” aniya at kinabig ang magkabilang kamay nito upang pabangunin ito. She obliged. “Sigurado ka bang okay lang na bumaba ako roon?” “Of course.” Muli niya itong kinintalan ng halik sa labi. “Sige na po, ito na po. Magbibihis na ako bago mo pa ako mapapak sa kakahalik mo,” nakatawa nang sabi nito at tuluyan nang bumangon. “I’ll wait for you downstairs, all right?” “Okay. See you.” Humabol pa siya ng halik bago tuluyang lumabas ng silid. Pakiramdam niya ay may magandang mangyayari ngayong gabi. HUMINGA ng malalim si Corazon bago tuluyang lumabas ng silid at bumaba ng hagdan. She’s still half-hearted in joining the crowd of the party intended for Señor Emilio’s recovery and prepared by his wife, Señora Rosenda. May kudlit pa rin ng pagkakakonsensya sa isip niya dahil kung hindi siya nagpatangay sa bugso ng damdamin at nakipagpambuno kay Sandra ay hindi sana aatakihin ang butihing ama ni Romeo. Pakiramdam niya ay mas mainam pang magkulong na lang siya sa silid niya hanggang sa matapos ang kasiyahan. Pero alam niyang hindi rin siya titigilan ng kasintahan. At isa pa’y, baka lumabas naman siyang walang respeto at hindi man lang nagpakita sa pagdiriwang ng paggaling ng papa nito. Nang tuluyan siyang makababa ng hagdan ay siya namang pagkakita sa kanya ni Rosenda. Malalaki ang hakbang na nilapitan siya nito. Pinasadahan nito ang buong kabuuan niya na halos magpailang sa kanya. She was wearing a velvet gown, making her pearl white skin to glow. Tinernuhan niya iyon ng silver jewelry at sa paa naman niya ay ang isang hindi kataasang sandal. Hinayaan niyang nakalugay ang buhok at nagpahid ng manipis na kolorete sa mukha. She might not be stunningly gorgeous but she knew she looked decent enough pero hindi iyon ang nakikita niya sa mapanghusgang mga mata ng matandang babae. “The nerve of you to show your face here. Have I invited you?” mahina ngunit gigil na gigil na sabi nito. Naniningkit ang mga mata at gumagalaw ang mga panga nito sa mukha sa intensidad ng panggagalaiti nito. She was frightened for a while but when she heard Romeo’s voice, her senses magically calmed down. Lumapit sa kanila ang lalaki at iniabot sa kanya ang kamay nito. Tinanggap naman niya iyon sa takot na baka bigla siyang bumuwal doon dahil sa panginginig ng mga tuhod niya. “We’ll go, Mama. See you around in the party,” paalam nito sa ina at inakay na siya papunta sa garden ng mansion kung saan idinadaos ang kasiyahan. Inuna nilang puntahan ang mesa kung nasaan ang ama nito at bumati sila roon. Ipinakilala rin siya ng ama ni Romeo sa ilang mga kaibigan nitong kasama roon. After that they moved to another table where Sabel was sitting as well. “My, my. You look stunning tonight, Corazon,” ani Sabel na nakipag-beso-beso sa kanya. “You are, too, Sabel,” ganting papuri niya. “How about me? No one’s gonna compliment my look tonight?” singit ni Romeo na nagpatawa sa iba pang mga taong malapit sa mesa nila. “Oh, you’re always marvelous, Romeo and that’s actually makes you look normal at all,” buska ni Sabel sa kaibigan. “I’ll still take that as a compliment, Sabel.” “Bahala ka, Romeo.” The table was filled with laughter again. Small talks continued over champagne and good old music. The ambiance was so wonderful. After a while they heard Rosenda’s voice, she’s standing on the make-shift stage. She started to give a speech and expressed her gratitude to all the visitors. She thanked God for her husband’s fast recovery and cheers for a better health for him. It was a heart-warming speech. Corazon seemed listening to a different woman. It felt surreal. “This celebration is not solely for my husband’s recovery,” patuloy ni Rosenda. “I would like to take this opportunity as well to share a very special announcement. A moment that will change our life forever. Let’s welcome, Sandra!” Itinaas nito ang wine glass na hawak at nilingon ang babaeng papaakyat sa entablado. Some guests gave them a round of applause, some raised their glasses, and others started to murmur with each other. While Corazon’s heart was alerted for an impending doom. Nakita niyang biglang tumayo si Romeo at malalaki at mabibilis ang mga hakbang papalapit sa itinayong make-shift stage. Bawat hakbang nito ay isang malakas na kabog sa dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari pero alam niyang hindi maganda ang kahahantungan niyon. “With me tonight, the very beautiful Sandra. I know all of you know her. She’s an amazing woman every man would hope to have in their life…” Pilit iniintindi ni Corazon ang sinasabi ng ina ni Romeo sa patuloy nitong pagsasalita. Subalit sa isang iglap na lang ay humina ang tinig nito at naputol ang tunog sa mikropono. Tumigil ito sa pagsasalita nang mapansing wala nang lumalabas na tunog mula sa hawak nitong mic. Mula sa likuran naman ng mga ito ay sumulpot si Romeo na may hawak na sariling microphone. “It seems that there’s some technical issues. Our deepest apologies, ladies and gentlemen. But no worries, let me take the spotlight to personally share this very special announcement. I know some of you would not only be surprised but most likely, will get shock---” Huminto ito nang mapuno nang tawanan ang paligid at muling nagsalita nang humupa iyon. “Though, there’s nothing to worry about as it is a delightful news. Huwag din kayong mag-alala sa kalagayan ng Papa ko dahil nabigyan ko na siya ng hint kung para saan ang balitang ito. Yup, look at him, he’s smiling and looking so young than ever.” Muling napuno ng tawanan ang garden ng mansion. Nang muling humupa iyon ay nagpatuloy si Romeo. This time he was serious. “This night will not be the last night that we’ll be together to enjoy the company of each other. Because tonight, I’m cordially inviting you all for another night of celebration. A night that will change my life forever, my engagement with the woman I love. The woman who showed me that hope is indeed eternal. The love of my life, Corazon del Jares! Join us as we create more memories together!” Masigabong palakpakan ang tumapos sa pananalita ni Romeo. Kasunod niyon ay naramdaman niya ang tingin ng mga tao sa kanya. Naramdaman niya rin ang yakap ni Sabel at binati siya. At naging sunod-sunod na ang mga pagbati sa paligid niya. Nang lapitan siya ng ama ni Romeo at akayin papuntang entablado ay nagpaunlak siya. Nang makarating doon ay wala na ang dalawang babae. Kung saan man nagpunta ang mga ito ay hindi niya alam. She was engulfed by happiness she wouldn’t want to destroy it by thinking other people. Sinalubong siya ni Romeo at siniil ng halik sa mga labi. Muling nagpalakpakan ang mga tao. “I’m sorry to put you on this situation but would you like to consider my proposal?” bulong nito. “S’yempre naman, bakit hindi? Mahal na mahal kita at wala na akong ibang mahihiling pa kundi ang makasama ka nang mas matagal pa. Masayang-masaya ako na nagkakaroon na ng katuparan ang mga pangarap ko na akala ko ay wala na.” “Mahal na mahal din kita. Ipinapangako kong aalagaan kita at sisiguraduhin kong mapapasaya kita sa bawat sandali ng buhay natin. Maraming salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na maramdaman kong kumpleto ako.” Niyakap nila ang isa’t-isa at muling nagsalo ang kanilang mga labi sa isang mainit at marubdob na halik. “YOU have us devastated with that announcement, son! You have ruined our family’s chance to start over after that cunning and scheming woman destroyed us. I have been exerting all my efforts to fix all the damages Corazon has caused us yet, you’re adding up to the destruction of our family. I don’t know what to do anymore.” His mom was half-crying, half-angry when she approached him. Romeo didn’t know what to do as well. “Mama, walang ginagawang masama si Corazon. Wala kaming ginagawang masama. Nakipaghiwalay ako kay Sandra dahil ayoko siyang lokohin dahil sa pagmamahal ko kay Corazon. Mahirap bang intindihin iyon?” “Oh, my son! That woman already got into your head. Noong unang beses ko pa lang makita ang babaeng iyon ay alam ko ng wala siyang magandang maidudulot sa atin. Look at you now, sinusuway mo at hindi pinapakinggan ang mga sinasabi ko sa ‘yo.” “Because you are trying to control me, Mama! Kayo ni Sandra! Kung hindi ko kayo napigilan ay baka kung ano na ang sinabi ninyo roon kanina.” “I’m only about to break the news that Sandra is pregnant with your child!” bulyaw nito sa kanya. Napipilan siya sa sinabi nito. Parang huminto ang mundo niya ng ilang segundo. Si Sandra? Buntis? Mabilis na nagkalkula ang isip niya. “That’s impossible! Where is she now? Sandra! Sandra!” tinalikuran niya ang ina at paulit-ulit na tinawag ang pangalan ng babae. Mabilis naman itong sumunod sa kanya. “You wouldn’t find her here. She’s so upset kanina kaya umuwi na siya.” Muli niyang hinarap ang ina. “Imposible ang sinasabi niya. She’s always on pills and we’re very careful dahil lagi niyang sinasabi na ayaw pa niyang magkaanak.” “She explained to me that sometimes she failed to take her pills. And I have her pregnancy confirmed by our family doctor so, we are hundred percent certain. After niyang manganak ay ipapa-DNA test din natin ang bata at pumayag siya dahil alam niyang magkakaroon ka ng doubt ngayon pang nakipaghiwalay ka na sa kanya dahil kay Corazon.” Hindi malaman ni Romeo ang tamang maramdaman. Magiging ama na siya pero magiging asawa rin sa hindi ina ng magiging anak niya. He was torn between two huge rocks. “You can only choose one, son. Your child or your woman.” He stared blankly to his mother then walked away after making his decision in his thoughts. THE day after Romeo announced their engagement, he asked her to move out and have their own home. Pumayag naman siya sa kagustuhan ng fiancé dahil sa tingin niya ay mas mainam iyon. Masyadong maliit ang mundo niya kung mananatili siya sa mansion ng mga ito. Nakakalungkot mang isipin na hindi niya na makakasama nang madalas sila Alexa at Sabel, maging ang mga katulong na napamahal na sa kanya ay iyon ang mas tamang gawin nila ni Romeo. Wala naman daw problema sa lalaki na malayo ito sa mga magulang dahil alam naman ng mga itong darating ang panahon na kailangan nilang bumukod. Maigi na raw iyon para makasanayan na nila. Corazon was genuinely happy to be in their own home. They got to personally decide the interior of the house and plan what other changes and improvements they wanted to have and make for the house. Ang sarap sa pakiramdam na sinisimulan na nilang pagplanuhan ang future nila at ng mga magiging anak nila. Nakaka-excite na nakakakaba. “Breakfast is ready!” anunsyo niya at tinungo sa silid si Romeo. Kasalukuyan itong naghahanda sa pagpasok sa trabaho. “I’ll join you in a minute,” sagot nito. Nilapitan niya ito at tinulungan itong ayusin ang kurbata nito. “There you go.” “Thank you.” “I want a kiss,” ungot niya rito at ngumuso. He smiled and awarded her with one deep and sloppy kiss. They chuckled after sharing each other’s lips. “Mukhang expert ka na sa pagluluto ng almusal. Sana everyday ganito.” “Tse. Tara na sa baba at lalamig na ang kape mo,” yakag niya rito at hinila na ito pababa. Dumulog sila sa hapag at pinagsilbihan niya ito. She only prepared simple breakfast food pero tiniyak niya na masarap ang lahat ng iyon at puno ng pagmamahal. “Kain ka na rin,” anito at nilagyan ng pagkain ang pinggan niya. “Aw, ang sweet. Thank you.” “You’re always welcome.” “Ano palang gusto mong dinner mamaya?” “Dinner agad ‘di pa tayo tapos sa breakfast? Papatabain mo yata ako nang husto, ah.” “Huwag kang mag-alala, sasabayan kitang tumaba,” natatawang sabi niya. Natawa rin ito. “Ikaw na siguro ang bahala, surprise me,” tugon nito mayamaya. Nagkaroon naman ng bombilya sa isip niya at nagkaroon ng magandang ideya para mamaya. “Okay, sige. Umuwi ka nang maaga, ha.” “Yes po, boss.” Nakangiting sumaludo pa ito sa kanya. “Sige na, ituloy mo na ‘yang pagkain mo at baka ma-late ka pa sa mga meeting mo.” Masagana silang nagsalo sa almusal at pagkatapos niyon ay hinatid na niya ito sa sasakyan nito. They kissed again and said their goodbyes. Hinintay niyang mawala sa paningin ang kotse nito bago siya bumalik sa loob ng bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD