Chapter 17

2276 Words
NANONOOD ng telebisyon sina Corazon, Alexa at ang mga katulong sa salas nang dumating si Sandra. Katulad pa rin ng dati ang gayak ng babae. Hapit na hapit dito ang suot na mini-dress at pulang-pula ang labi. Kumakalembang ang mga burloloy sa katawan at lumalagutok ang mataas na takong sa bawat hakbang. “Look, what we have here. All the trashes in the house. I thought, Mama Rosenda already disposed the rotting trash but you’re still here. Para ka palang tuko sa husay mong kumapit,” maaskad na sabi nito habang palapit sa kanila. Humarang ito sa TV at dinampot ang remote control. She turned off the television and comfortably sat on the sofa beside them. “Alam mo bang mas basura ang asal mo, Sandra? Hindi ka ba marunong rumespeto?” hindi nakapagpigil sa gigil na sabi niya. Kung handa siyang magpakakumbaba sa ina ni Romeo sa kabila ng trato nito sa kanya at makisalamuha dito ng civil ay hindi niya magagawa iyon kay Sandra. “What?! Are you kidding me?! Why would I respect you?!” Pinagtaasan siya nito ng kilay at pinagkrus ang mga hita. “Ano bang kailangan mo? Bakit ka nandito?” “Whoa, are you the boss now?” anitong umismid. “I can always visit here as much as I want to. I’m a family, Corazon. Hindi katulad mo na pinulot lang sa kung saan ni Romeo. Kaya ang katulad mo ay tama lang na makisalamuha sa mga katulong. I’m impressed that you finally found your place in this house. Isang mababang uri ng tao.” “You know that’s very insulting. You are not supposed to degrade people just because they are working with blue collar job. You may look sophisticated and speak eloquently but your manner is so upsetting you need to go back to kindergarten to learn the basic values.” Bigla itong tumayo at dinaluhong siya. Nahawakan nito ang buhok niya at inilapit nito ang mukha niya sa mukha nito, “Where did you get the gal to educate me? I will not be educated by someone like you. Do you hear---” bigla itong napalayo sa kanya. Nang masulyapan niya ang dahilan ay nakita niya si Alexa na hatak-hatak ang buhok ni Sandra. Akmang gagantihan nito ang bata nang sabay-sabay na humarang ang tatlong katulong. Nagbadya ang palad ni Sandra na sasampalin si Lili na siyang pinakamalapit dito nang damputin naman niya ang pitsel ng ice-cold juice at ibuhos sa ulo nito. “Serves you right for being so disrespectful,” aniya. Nang lingunin siya nito ay nanlilisik ang mga mata nito at nanginginig ang panga sa galit. Bago pa man siya nitong masugod muli ay hinawakan na ito ng tatlong katulong at iginupo. Hindi ito makakilos sa pinagsamang lakas ng tatlo. “Let me go!” paulit-ulit na sigaw nito. At ang tagpong iyon ang dinatnan ng mag-asawang Rojo na kararating lang sa salas ng mansion. Agad na binitiwan ng tatlo si Sandra. Mabilis namang tumakbo sa dalawang matanda ang nanlalagkit sa juice na babae at nagsumbong sa mga ito. “Mama, sinampal ako ni Corazon at binuhusan ng juice. Inutusan pa niya ang mga katulong na pagtulungan ako. Wala naman akong masamang ginagawa sa kanila. I just wanted to pay you a visit and was waiting silently but they just suddenly attacked me,” dagdag-bawas na sabi nito. It’s clear that Sandra was a pathological liar. Tila umusok naman agad bumbunan ng matandang babae at pinagsisigawan ang mga katulong. Pinagbantaan pa nito na sesesantihin ang mga ito. Napipi naman ang mga takot na takot na mga katulong at hindi nakapagsalita para ipaliwanag ang mga sarili. “Ikaw naman, Corazon anong karapatan mong bastusin si Sandra? You are abusing our kindness and how dare you use authority in this house, you’re not even a family unlike Sandra. Is it not enough that you ruined her relationship with my son? Where are you getting this so much hatred against her?” mabangis at lukot na lukot ang mukhang bulyaw sa kanya ng Señora. Sa mga nakalipas na mga araw ay naging tahimik ang mundo niya dahil tila si Rosenda na ang umiiwas sa kanya buhat nang ginawa nito sa kanya. Pinalitan din nito ng bagong iPhone ang nawawalang cellphone niya at muling humingi ng tawad habang nasa harap sila ng asawa nito. Pero ngayon ay bumalik na naman ang ugali nitong galit na galit sa kanya. Pinahinahon ito ng esposo pero ayaw nitong magpapigil at tuloy-tuloy ang pang-aakusa sa kanya kahit hindi pa nito pinapakinggan ang side niya. “Pakiusap, pakinggan po muna sana ninyo ako,” singit niya sa pagwawala ng Señora ngunit hindi ito nagpatinag at nagpatuloy sa pagbibitaw ng mga masasakit na salita sa kanila. “Ang kapal-kapal ng mukha mong babae ka!” nanlalaki at nanlilisik ang mga matang bulyaw nito sa pagmumukha niya at binigyan siya ng isang malakas na sampal. Natulig siya sa ginawa nito at sumadsad pabagsak ng sahig. Hindi niya malaman kung ano ang unang sasapuin, ang namanhid na pisngi ba o ang nangingirot na tuhod na tumama sa tiles. Susugurin pa sana siya nito nang hawakan ito ng esposo at pigilang makalapit muli sa kanya. Gigil na gigil na nagpupumiglas ito. “Tama na, Rosenda. Stop acting like a barbaric woman. Let’s listen to both parties, first.” “Listen? And then what? Be swayed by her lies, again? I’m not doing that anymore, Emilio.” “Calm down, and get your senses back. Ano bang nangyayari sa ‘yo at galit na galit ka?” “Sino ba ang hindi magagalit sa paninira ng babaeng ‘yan sa pamilya natin? Kaya bitiwan mo ako at kakaladkarin ko palabas ng pamamahay ko ang inggratang ‘yan!” Nagpupumiglas muli ang matandang babae na makawala ngunit hindi ito hinayaan ng esposo. “Please, stop this madness. Please, plea---” Hindi na natapos ng matandang lalaki ang pakiusap sa esposa nang bigla nitong masakmal ng palad ang sariling dibdib at mapaluhod. Malinaw na gumuhit ang kirot sa mukha nito na sumindak sa kanilang mga nakapaligid. “Emilio, what’s happening?” si Rosenda na napuno ng pag-aalala na tila biglang itinapon ang matinding galit na nararamdaman kanina lamang. “Emilio? Emilio?! My goodness, call an ambulance!” sindak na sigaw nito. Si Sandra ang mabilis na nakakuha ng cellphone nito at tumawag ng tulong. Ngunit hindi na nila hinintay na dumating pa ang tinawagan nito at inalarma ang driver at guwardiya para maihatid ang Señor sa pinakamalapit na ospital. Nang makarating sa isang private hospital ay pinasok agad ito sa ER. They were left in the hospital alley praying for his safety. CORAZON was awakened by soft, lingering kisses on her neck down to her breasts. She was startled but when she recognized the lips touching her skin and the familiar smell in the air, her heart jumped with happiness. Bumangon agad siya at ginantihan ng mga halik ang buong mukha ni Romeo at mahigpit itong niyakap. For the past days na nasa Singapore ito ay tanging sa video call lang niya nakakausap ang lalaki. Salamat at napalitan agad ang nawawala niyang iPhone kaya kahit papaano ay naibsan ang pangungulila niya rito sa tulong niyon. Sa tulong din ng virtual communication nalaman ng lalaki ang mga nangyari sa nakalipas na mga araw na wala ito sa Pilipinas. Nang mabalitaan nito ang nangyari sa ama ay umuwi agad ito. Si Sabel naman ang umalis ng bansa para maging proxy nito sa hindi pa tapos na business convention na pinuntahan nito. She felt so ashamed for welcoming home with a lot of problems. “How are you, babe? Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa ‘yo?” sunod-sunod na tanong nito sa pagitan ng mga halik. “I’m okay but your dad, I don’t know if…” “He’s fine, don’t worry. Sa ospital ako dumiretso paglapag ko ng eroplano at stable na ang lagay ni Papa. Hopefully, he recovers fast.” Nakahinga siya nang maluwag mula sa sinabi nito. “I’m sorry, I didn’t mean to cause so much trouble.” “I know it’s not your fault. Nakausap ko na ang mga katulong at nalaman ko sa kanila ang buong pangyayari. I even talked with Alexa and I know she wouldn’t lie to me. She’s a good kid and an intelligent one. Kaya alam kong wala kang kasalanan sa mga nangyari. Ako nga ang dapat na humingi sa ‘yo ng pasensiya sa ginawang pagtrato sa iyo ni Mama habang wala ako rito. I feel so bad but I just couldn’t do anything to ensure na magiging maayos ang trato niya sa ‘yo. I just couldn’t force her, I’m so useless.” “Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi ko naman inaasahang matatanggap agad ng Mama mo. Alam kong kailangan pa niya ng maraming panahon at handa akong maghintay hanggang sa kaya na niyang tanggapin kung ano ang mayroon tayo.” “Pero hindi ko kayang makita kang nasasaktan niya at tratuhin ka ng ganoon. So, I decided for us to leave for now. Do you think that would work for us?” Wala siyang maisagot sa tanong nito. Halo-halong emosyon ang nadarama niya. Handa si Romeo na bumukod sila sa mga magulang nito para maiwasan ang mga gulo na pwede pang maulit. Nasa dibdib niya na umayon sa suhestiyon nito pero naroon din ang pangamba na mas lalong magalit ang Mama nito kung ganoon ang gagawin nila. “I just thought of it. I didn’t mean to shock you. Sa tingin ko lang na ito ang pinakamabuting gawin sa sitwasyon natin ngayon.” “Sa tingin ko nga na mas makakabuti kung umalis ako rito sa mansion pero hindi kaya mas lalong magalit ang Mama mo kung sasama ka rin sa akin? Pakiramdam ko ay iniisip niyang inaagaw kita mula sa kanila.” “No worries, I’ll talk to her regarding our move out,” he said, stretching a sweet smile and cuddle her warmly. “Are you hungry?” he then asked, changing the subject. “Not really. Ikaw ba, kumain ka na ba? Gusto mo bang ipagluto kita?” “I actually prepared a big breakfast. Care to join me?” “Absolutely,” tugon niya at napatili nang bigla na lamang siyang buhatin ni Romeo mula sa kama. Buhat-buhat siya na bumaba sila pakomedor at parang reynang pinagsilbihan nito. It brightened her mood and felt secured again. “All right, let’s enjoy the food!” “I’M really sorry, honey. It’s not my intension to cause any trouble. I just wanted to visit you, hoping to change your mind and re-consider our relationship. I still love you even though you hurt me and I miss you so much,” ani Sandra sa kanya nang lapitan siya nito sa bench at maupo sa tabi niya habang hinihintay na ma-release ang Papa niya sa araw na iyon. Mugto ang mga mata nito at walang bahid ng make-up ang mukha. She looked different today. Sadness was creeping her face. “And you didn’t intend to lie as well? To come up with your stupid story to make Corazon bad in the eyes of my parents?” he said, soothing himself not to get angry with her. “I’m really sorry about that, too. I know my mistake and I own it. And yes, gusto kong makita ng mga magulang mo na masamang babae si Corazon. Na hindi siya karapat-dapat para sa ‘yo. Na may iba siyang motibo sa kung ano man ang pinagsasabi niya sa ‘yo o sa kung ano man ang ginagawa niya ngayon. I did that because I hate her very much for taking you away from me. But it’s never my intension to harm anyone, lalo na ang Papa mo. Again, I’m really sorry. I hope you can find in your heart to forgive me.” “Hindi ako Diyos para hinid magpatawad, Sandra. But I hope you understand that you need to stay away from us. That we will never be the same again. That your hatred towards Corazon isn’t just.” “I wouldn’t say that I understand. At gusto kong malaman mo na masakit sa akin na sa bibig ng iba ko pa nalaman ang totoong dahilan ng pakikipaghiwalay mo. Gusto ko ring sabihin na nababaliw ka na para paniwalaan lahat ng sinasabi niya. Pero kung totoo man ang lahat ng iyon, I only hope the best for you and I promise not to meddle anymore. But as long as na wala pang pruweba ang babaeng iyon sa mga binuo niyang kuwento ay hindi ko maipapangakong lalayo ako. I hope you understand, Romeo,” she said with her eyes misty but furious. Her voice was shaking but he could clearly hear the conviction in it. “Patawad kung hindi ko agad nasabi sa ‘yo ang mga dahilan ko. Masyadong komplikado na hindi ko rin maipaliwanag ng maayos kahit sa sarili ko. Pero unti-unting nagkakalinaw ang mga bagay sa akin. Kapag sigurado ko na ang lahat sana ay bigyan mo ako ng pagkakataon na makapagpaliwanag ng maayos sa ‘yo,” tugon niya, sa mga mata ay makikita ang paghingi ng malalim na pang-unawa mula sa dating nobya. Sandra stood up and looked at him intently. “I’ll wait for that day, honey. Hopefully, natauhan ka na sa mga kabaliwan na ginagawa mo ngayon.” Tinalikuran siya nito at naglakad palayo. Pinagmasdan lamang niya ang paglayo ng babae hanggang sa tawagin na siya ng nurse upang makausap tungkol sa release paper ng Papa niya. Inasikaso na niya iyon at naghanda silang umuwi pabalik ng mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD