Chapter 2

2134 Words
“I’VE waited you for so long in Shangri-la!” exasperated na sabi ng bagong dating at kumuha ng tissue sa pouch. Pinunasan nito ang pawis sa noo at sa ibabaw ng ilong. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng babae. Halos wala na itong itago sa suot-suot na damit. Red tube iyon na backless at aabot lamang hanggang sa ilalim ng pang-upo. Hapit na hapit iyon sa katawan nito na dahilan upang bumakat ang magandang hubog ng katawan. Halos iluwa na rin ng damit nito ang nag-uumpugang mga dibdib. Ang mukha nito ay may makapal na kolorete. Ang labi ay tila kumapal din sa malabis na paggamit ng lipstick. Punong-puno rin ito ng mga alahas sa katawan pawang makulay at kumikinang. Nilagpasan siya ni Romeo at dinaluhan ang bagong dating. Romeo kissed the woman on her cheeks. Mukhang hindi naging sapat iyon sa babae at hinuli ang pisngi ni Romeo saka sinibasib ito ng halik sa mga labi. Parang kinuyom ang puso niya sa nasaksihan. Romeo moved away. “I’m sorry, Sandra. May bisita akong dumating. Si Corazon. Remember the woman I mentioned you last week, the one that I helped?” paliwanag ng lalaki at bumaling sa kinatatayuan niya. “That woman again!” sigaw nito at dumapo sa kanya ang matalim na tingin nito. “Na-late ka rin ng dating sa date natin noong nakaraan dahil sa kanya, ah,” puno ng pagtatampong saad nito. Tumiim-baga ito at muling humarap sa lalaki. “Just tell me if that woman is pestering you, Romeo. Who the hell this b***h think she was!?” Possesive na nangunyapit sa batok ng lalaki. Gusto sana niyang sagutin ang babae dahil hindi niya nagustuhan ang pagkakatukoy nito sa kanya. Subalit naunahan na siya ni Romeo na magsalita. Pinalampas na lamang niya iyon. “Be nice to visitor, Sandra. I have already explained it to you, she’s nothing to do with me. I just helped her. I can’t leave her to die when I saw her. Don’t you trust your boyfriend?” Boyfriend? Magkasintahan ang dalawa? “Of course, I trust you. But I can’t trust her, baka sinasamantala lang niya ang kabaitan mo.” “No, please don’t think anything against Corazon. She needs our help.” “Okay. I’m sorry, babe. I was jealous.” “Huwag ka na sanang maging selosa masyado sa susunod, babe.” Hinagkan nito ang nobya pagkatapos ay binalingan siya. “Pasensya na, Corazon,” anito sa kanya at si Sabel naman ang binalingan. “Ikaw na ang bahala dito, Sabel,” bilin nito. “Yes, Romeo,” mabilis na sagot naman ni Sabel na mukhang ngayon lang nahimasmasan sa mga nakita kanina. “C’mon, babe. Let’s go to heaven,” makahulugang saad ni Sandra at ubod ng init na hinalikang muli ang mga labi ni Romeo. Marahil ay gustong ipakita ng babae na ito lamang ang nagmamay-ari sa lalaki. “Tara na,” asiwa na sabi ng lalaki at hinatak palayo ang babae. Umabrisete ang babae sa nobyo saka siya muling tinapunan ng masamang tingin. Naglakad na palabas ang dalawa habang siya ay naiwang nakatayo pa rin doon, hinahatid ang mga ito ng tingin palayo. Gumuhit muli ang kahungkagan sa kanyang sistema. “Mabuti pa, Corazon ay magpahinga ka muna,” basag ni Sabel sa pananahimik niya. “Mabuti pa nga siguro, Sabel,” pagsang-ayon niya. “Matilda, paki imis na lang ang mga bubog at ang pagkain,” utos nito sa isang katulong at sinamahan siya sa kanyang magiging silid. BANAYAD ang pagkakaupo ni Romeo sa kama. Nasa tabi niya si Sandra na ngayon ay mahimbing na natutulog. They had s*x. Si Sandra lamang ang tanging babae na tumagal sa kanya ng halos isang taon. Hindi ito masyadong mapaghanap katulad ng ibang babaeng nakasama na niya. Women always asked more than what he could provide. They wanted to tie him into marriage. Hindi  ganoon si Sandra. Ang problema lang sa babae ay ang pagiging selosa nito na tolerable naman. Sa mga oras na kagaya nito ay pinupunuan ni Sandra ang pangangailangan niya bilang isang lalaki. Pero sa tuwina ay parang laging may kulang. May hinahanap siyang kung ano na kahit kailan ay hindi pa niya natatagpuan sa kahit na sinong babae na nakasama niya sa kama. Then, she remembered Corazon. Her cold blue eyes and smooth night sky colored hair. Her lips and beautiful face. Her soft skin against his hard body when they hugged each other. Noong una niya itong makita sa kaawa-awa nitong kondisyon ay parang sinaksak ang puso niya. Gusto niyang hanapin ang gumawa niyon sa babae o mahanap man lang ang driver na iniwan na lamang ito basta at bugbugin ang mga iyon. Pakiramdam niya ay pananagutan niya ang nangyari dito kaya kailangan niyang gumawa ng paraan. Itinakbo niya agad ito sa pinakamalapit na ospital. Labis-labis ang pag-aalala niya para rito ng mga sandaling iyon. Mabuti na lamang at gumaling na ito kahit papaano. Kinapa ng daliri niya ang mga labi. Ang halik na pinagsaluhan nila ni Corazon ay parang ang kulang na bahagi ng kanyang pagkatao. Tila pinunan niyon ang espasyo sa kanyang puso na kay tagal niyang hinanap sa loob ng napakaraming taon. Ang totoo niyan ay nanghinayang siya nang magkalas ang kanilang mga labi. Warm soothed in his body just a mere recollection of it. Parang dumampi na noon ang mga labi nito sa kanya sapagkat napakapamilyar ng damdaming inihatid nito sa puso niya. Pakiwari niya ay ito lamang ang kayang makapagdulot niyon sa kanya. Ano ba itong iniisip niya? Marahil ay nakatagpo lamang siya ng diversion sa katauhan ni Corazon. At gusto niyang subukan ang kainosentihan ng mga bughaw nitong mga mata. Those blue eyes were telling him mysteries that were so hard to fathom because it was shrouded by many emotions. Emotions that he wanted to share with her. Masyado yatang malalim ang pagnanais niyang nadarama. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha at nasapo ang ulo. Sinulyapan niya si Sandra sa tabi niya. Ito ang kailangan niya. Dapat ay makontento na siya rito. Hindi na dapat siya maghanap at sumubok pa ng mga bagay na magbibigay komplikasyon sa buhay niya. Sandra must be enough. She was intelligent, beautiful, sexy and hot. She was a hustler in bed, too. She was the perfect partner. Pero. Nasapo niyang muli ang ulo. Sumagi na naman si Corazon sa isipan niya. Kahit na anong gawin niyang pagtataboy ay hindi ito mawala-wala. Kanina rin habang nagniniig sila ni Sandra ay pumupuslit ito sa kanyang isipan. Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang mayroon sa babae upang makapagdulot ito sa kanya ng mga ganitong pakiramdam? Hinagod niya ang sentido. Hinanap niya sa utak ang babae. Hinalukay niya ang kailaliman ng kanyang memorya ngunit walang Corazon na natagpuan doon. Hindi niya ito maalala sa mga nakaraan niya. Kahit na kapirasong bahagi nito ay hindi naging parte ng ala-ala niya. Isa itong estranghera sa balintataw niya ngunit sa puso niya ay may pamilyaridad para dito. Hindi kaya... Paano kung... Nagiging palaisipan na sa kanya si Corazon. He was puzzled over what he felt for her. Ngayon lamang siya muling nangulila sa mga ala-ala niyang matagal nang nilimot. Ngayon lamang simula nang magtagpo silang dalawa. Wala siyang naaalala sa naging buhay niya mula noong labinlimang-taong gulang siya hanggang sa kanyang ika-dalawampu’t-dalawang taon. Pitong taon ng buhay niya ang nananatiling blangko. Ang tanging alam lamang niya ay may dumukot sa kanya sa school nila noong fifteen years old siya at nang magising ay twenty-two years old na siya, nakaratay sa ospital. The doctors said that he was in a selective amnesia. And those memories he had lost has a low chance to be remembered again. Mas makabubuti pa nga raw na huwag na niyang balikan pa ang mga ala-alang iyon dahil baka traumatic ang kanyang mga naging experience kaya mas pinili ng utak niyang kalimutan na rin iyon. Sa loob ng anim na taon ay ganoon nga ang ginawa niya. He started a new life away from the lost seven years of his life. But today, because of Corazon he would like to remember those memories again. And how he wished that she was a part of those lost memories.   TUTOK na tutok sa telebisyon si Corazon habang pinakikinggan ang balita. May kung anong kaba ang bumundol sa kanyang dibdib. May pilit na sumisiksik sa kanyang isip pero hindi tuluyang makapasok. Bahagyang kumalma ang damdamin niya sa sumunod na sinabi ng reporter. “...Samantala, isinusulong na ang takdang araw ng ceasefire sa pagitan ng mga rebelde at sundalo. Inaasahang pangmatagalang ceasefire ang mabubuo upang tuluyang wakasan ang kaguluhan sa Mindanao...” Maya-maya ay napansin niya ang paglapit ng isang matandang babae na marangya ang gayak. Umismid ito at nasa anyo na tila naghihintay na may sabihin siya. Nang hindi siya magsalita ay binalingan nito si Alexa, ang pamangkin ni Sabel na nakaupo sa tabi niya. “Who is she, Alexa?” tanong ng matandang babae sa bata. Nagyuko lamang ito ng ulo at hindi nag-abalang tumugon. Sasagutin na sana niya ang tanong nito ngunit bigla na lamang itong sumigaw at binulyawan si Alexa. “I’m talking to you, Alexa! Can’t you hear me!? God, all the people here are insane!” mataas at iritado nitong sabi. Binuksan nito ang pamaypay. Siya namang dumating si Sabel buhat sa kusina. “Magandang gabi po, Señora y Señor!” pagbati nito sa dalawang matanda. Kakapasok lamang ng lalaki kaya ngayon lamang ito napansin ni Corazon. “Sabel, who is this?” Isinara ng matandang babae ang pamaypay nito at itinuro siya gamit iyon. “Mag-aalaga ba na naman tayo ng baliw?” dugtong pa nitong nakaarko ang kilay. “Santisisima, Rosenda! Mag-ingat ka sa pananalita mo!” inis na sawata rito ng matandang lalaki. “Bakit hindi ba totoo, Emilio!? Hindi man lang nagkusang magpakilala. Walang modo at ito namang is Alex ay hindi ko pa nariringgan ng salita!” “Pasensya na po, Señora. Siya po si Corazon. Tinulungan po siya ni Romeo matapos maaksidente. Nawalan po siya ng memorya at walang natirang gamit sa kanya. Pansamantala po ay dito raw muna siya titira sabi ng anak ninyo,” litanya ni Sabel. Hindi man lang nagbago ang masungit na anyo ng matanda. “May amnesia!? Siya bang totoo, Sabel? Naku’y kung ganoon ay magpahanda ka na ng hapunan nang makakain ang ating bisita at itong mahal kong asawa ay nagugutom na rin,” masimpatyang sabi ng matandang lalaki na siyang ama pala ni Romeo. “Totoo po, Señor. Kalalabas lang po namin ng ospital. Maayos-ayos na po ang lagay niya,” tugon ni Sabel. “Matilda, pakihanda na ang hapag,” baling nito sa katulong pagkakuwan. Sa pagkakataong iyon lamang siya tumayo, disoriented siya kanina mula sa narinig na balita. “Pasensya na po sa kagaspangan ng ugali ko. Medyo tuliro po ako kanina. Hayaan po ninyong ipakilala ko ang sarili ko. Ako po si Corazon. Sana po ay hindi ako makaabala sa inyo.” “You won’t disturb us as long as you don’t loiter your self around and do monkey business at our back,” magaspang na huling sabi ng ina ni Romeo at iniwan sila sa salas. Napailing-iling na lamang si Emilio. “Pagpasensyahan mo na ang aking asawa, Corazon. Tayo na sa hapag-kainan at masamang pinaghihintay ang pagkain,” magiliw na sabi nito at iginiya sila ni Alexa patungong dining area. Sumunod sa kanila si Sabel sa pagdulog sa mesa. “Huwag ka sanang mahihiya hanggang nandito ka sa amin, Corazon. Mi casa es su casa. Kumain ka ng marami para lumakas ka kaagad. Pati ikaw, Alexa. Damihan ang kain,” ani Emilio na siyang naglagay pa ng pagkain sa pinggan nila. Matipid na ngiti lamang ang naisagot nila. Tamang-tamang susubo siya ng pagkain nang marinig ang tinig na tila pamilyar na pamilyar sa kanya. A sweet baritone voice, singing lullaby to her ears. She craved for a bed and pillow. Parang gusto na lamang niyang mahimbing at iwan ang masasarap na pagkaing nakahanda sa mesa. Biglang sumakit ang ulo niya ngunit pinigil niyang mapadaing. “Hello, Mama and Papa! You came home earlier than what I expected. How was the vacation? Didn’t you enjoy it?” bungad ni Romeo at humalik sa mga magulang. Hindi niya mapigilan ang mapatitig sa guwapong mukha nito. Just his mere presence made her heart ran violently. Hindi niya magawang alisin ang mga matang nakatuon dito kahit utusan niya ang sarili. Napatingin din ito sa kanya. It was a stare. Their eyes locked. Then a smile formed on his lips. Ipinanalangin niyang manatili silang ganoon hanggang sa tumigil ang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD