Chapter 1

2104 Words
SHE was in pain. Kinapa ng kanyang kaliwang kamay ang tagiliran, may makapal na benda roon na siyang pinagmumulan ng kirot. Pakiwari niya ay napakalalim na sugat ang nakaukit sa kanyang balat sa parteng iyon. Nananakit din ang kanyang sentido ngunit hindi magawa ng kanyang kanang kamay na abutin iyon upang haplusin. Ilang beses pa niyang sinubukan pero hindi rin siya nagtagumpay sa bandang huli. Mukhang may bali siya sa braso sapagkat may kirot din iyon. Sinubukan na lamang niyang imulat ang mga mata. Paunti-unti ay nagawa niya rin iyon sa wakas. Ngunit naisara rin niya iyong muli nang masilaw ng liwanag. Sinanay niya muna ang mga mata sa liwanag at makailang beses na kumukurap-kurap bago tuluyang naibukas ang mga talukap. Puting dingding ang sumalubong sa kanya. The place seemed very familiar to her. Ang ambience ng silid ay may hatid na kahungkagan sa kanyang dibdib. Anong ginagawa niya rito? Bakit nasa ospital na naman siya? Pinilit niyang panumbalikin ang bawat pangyayari sa kanyang isipan ngunit wala siyang mahagilap sa utak. Blangko lamang iyon. Kumirot lalo ang ulo niya sa malabis na pag-iisip. “Nurse! Nurse! Gising na po ang pasyente!” sigaw ng babaeng tila naalimpungatan mula sa mahimbing na pagtulog. Mukha itong anghel sa sobrang amo ng mukha. Ang inosenteng expresyon ng mukha nito ay hindi magkandatuto sa harap ng kausap na aparato. Nang makarinig ng tugon mula sa kabilang linya ay ibinaba na nito iyon at binalingan siya. “Huwag ka munang kumilos. Hindi mo pa kaya,” nag-aalalang pigil nito sa kanya ng akmang pupuwesto siya ng upo. “Sino ka? Anong ginagawa ko rito? Bakit nasa ospital ako? Wala akong maalala...” tulirong tanong niya subalit hindi na iyon nasagot pa ng babaeng kausap sapagkat bumukas ang pinto at iniluwa mula roon ang tatlong babaeng pawang mga nakaputi. Mabilis siyang sinuri ng pinakamatanda sa mga ito, na siyang doktor sa hinuha niya. “What do you feel? Can you move?” “I feel pain but yes I can move, slowly,” sagot niya, nakatitig lamang sa mga mata nito. “We still need to thoroughly check and examine your progress. We may need to run additional CT scan and x-rays so that we can further ensure your wellness and your health’s good condition.” “Uhm, doc...” singit ng babae sa usapan. “Nabanggit po niyang wala siyang maalala...” imporma nito sa doktor. Sinang-ayunan naman niya iyon sa pamamagitan ng marahang pagtango. “It’s normal considering what happened,” malungkot na komento nito. “Don’t  worry, she will soon remember things. Her last CT scan and x-rays results were good. As much as possible, mental impulses should be prevented until her natural resilience comes back,” nakangiting dugtong nito at hinaplos ang buhok niya. Nagbilin pa ito ng ilang mahahalagang bagay bago sila iniwan. “Anong pangalan mo? Ano bang nangyari sa akin?” tanong niyang muli sa babae. Pinilit niya muling makaupo. Umagapay naman ito sa kanya hanggang sa maisandig niya ang likod sa backrest ng kama. “You can call me, Sabel. Ikaw? Naaalala mo ba ang pangalan mo?” “Hindi. I can’t remember my name. I don’t remember anything,” nanghihinang saad niya. Pinigil niya ang sariling mag-isip na naman dahil mas lalong sumasakit ang ulo niya. “Siya nga pala, naalala kong may panyong nakasiksik sa bulsa ng pantalon mo. May nakaburdang pangalan doon. Iyon lang ang tanging gamit na nakita namin sa iyo maliban sa sing-sing na suot mo,” pahayag nito at mula sa isang paper bag ay inilabas nito ang panyo. Siya naman ay kinapa ang sing-sing sa daliri. Corazon. Iyon ang nakaburda sa panyo. “Corazon,” usal niya. Ninamnam ang napakapamilyar na pangalan na iyon sa kanyang isip. Nag-echo ang mga pagtawag sa ala-ala ng kanyang panaginip. “Yes, yes. I guess, I’m Corazon. I may not remember perfectly but I am sure. Naalala kong sa panaginip ko ay tinawag nila ako sa ganitong pangalan.” “Siguro nga, ikaw talaga si Corazon. Siya nga pala, iyong nangyari sa ‘yo. Iyong amo ko talaga ang nakakita sa ‘yo sa kalsada. Sa isang nabanggang taxi. Hindi na namin nakita ang driver ng taxi pero sinusubukan na ng mga police na ma-locate ang driver. Hindi namin malaman kung bakit iniwan ka na lang niyang mag-isa pagkatapos ninyong maaksidente.” “Hindi ko maalala ang sinasabi mo. Ilang araw na ba akong nandito?” “Isang linggo kang tulog...” “Isang linggo!” bulalas niya na hindi na hindi makapaniwala. Iyon na marahil ang pinakamahaba niyang pagtulog sa buong buhay niya. “Matagal kang nakatulog kaya matagal ka ring hindi nakakain kaya kumain ka muna. Mayroon akong inorder na soup dito. Susubuan na lang kita.” Iyon nga ang ginawa ni Sabel. Napilitan na rin siyang kumain kahit nahihiya siya. “I’m full but feel so tired,” sabi niya matapos maubos ang sopas. “But please, I don’t want to sleep again,” she added in frustration. “Mahiga ka na lang muna siguro. Baka pagkatapos ng ilang tests sa ‘yo ay pwede ka ng makalabas ng ospital,”  nakangiting sabi nito habang nagliligpit ng pinagkainan. “Hindi ko alam kung saan ako pupunta at anong gagawin ko pagkatapos nito.” “Huwag kang mag-alala. Pwede ka namang tumuloy muna sa mansion. Iyon din ang sabi ng amo ko.” “Salamat nga pala. Napakalaking tulong nito sa akin. Napakabuti ninyo ng amo mo.” “Naku, si Romeo talaga ang dapat mong pasalamatan kapag nagkita kayo.” “Romeo?” takang sabi niya. May kung ano sa pangalan nito ang bumagabag sa kanya. “Oo, pangalan ng amo ko. O, siya. Magpahinga ka muna at kakausapin ko lang ang doktor mo Kung may kailangan ka, pindutin mo lang ‘yang button sa ding-ding,” anito at lumabas na. Malalim na napabuntong hininga siya.   MATAPOS ideklara ng doktor na maayos na ang kanyang kalagayan at maaari na siyang makalabas ng ospital ay isinama na siya ni Sabel sa pag-uwi nito. Ang sabi sa kanya ng babae ay assistant daw ito ng amo nito at doon din tumutuloy sa mansion kasama ang pamangkin nito. Kaya magkakasama pa rin sila habang nandoon siya. Hindi naman na niya inalala pa ang bills dahil binayaran na daw iyon ng amo nito. Nahihiya man ay wala siyang pagpipilian kundi tanggapin ang kabaitan ng mga ito. “Basting, pakipasok na lang ang mga gamit namin,” ani Sabel sa lalaking kasama ng driver ng van na sumundo sa kanila. “Sige po, Ma’am Sabel,” tugon naman ng lalaki at mabilis na sumunod sa kanila papasok bitbit ang mga gamit nila. Sinalubong ito ng ilang katulong na umalalay kung saan dadalhin ang mga gamit. “Come, Corazon. Huwag kang mahiya. Mabait si Romeo kaso medyo chic-boy lang ang isang iyon,” nakangiting sabi ni Sabel. Nang lubusang makapasok sa loob ng mansion ay lubha ang naramdaman niyang pagkamangha sa istilo ng bahay. Napakarangya ng kabuuan niyon. Ang interior ay classical ang dating pati ang mga muwebles pero ang mga appliances katulad ng malaking T.V. at mga stereos ay pawang nahahalinhan ng modernasisasyon. Somehow, she felt that she wasn’t a stranger in that house. She felt that she belonged there, that she was back home again. “Ma’am Sabel, pababa na po si Señorito Romeo,” anang kasambahay na ibinaba ang isang tray sa may lamang juice at sliced cakes sa mesita. Niyakag siya ni Sabel na maupo sa sofa. Sumunod naman siya rito. “I don’t know what to say to him, Sabel. Parang sobra-sobra na yatang dito pa ako makikitira. Sana makaalala na ako agad sa lalong madaling panahon.” “Huwag kang masyadong mag-alala, Corazon. A simple thank you would be okay. Mas makakasama sa ‘yo kung mag-aalala ka ng mag-aalala. Tandaan mo ang bilin ng doktor, huwag pilitin ang sarili at umiwas sa stress.” Simpleng ngiti ang itinugon niya sa babae at muling itinuon ang pansin sa kagandahan ng mansion. Malalakas na yabag ang pumigil sa kanyang suyurin ng tingin ang kariktang nakikita. Parang ang mga yabag na iyon at ang t***k ng puso niya ay iisa ng ritmo. It felt unusual. Napalingon siya sa kanyang likuran nang tumigil ang tunog ng mga yapak na bumababa sa hagdan. The world stopped for a moment, like there was a time warp bound them together. Parang silang dalawa lamang ng taong kaharap ang nabubuhay sa daigdig ng mga sandaling iyon. Her heart beat went erratic and suddenly, skipped a beat. Nanikip ang pagdaloy ng hangin sa kanyang hininga. At nang muling pumintig iyon ay marahas siyang napatayo. “Cariño...” she cooed. Ito ang lalaki sa kanyang panaginip na may buhok na kawangis ng isang kupido, na may mga matang kasing ning-ning ng mga bituin sa gabing madilim. Ang lalaki na marahil ang may pinakanakapanghahalinang mukha na nasilayan niya. “Cariño...” pagtawag niyang muli at hindi sinasadyang mabitiwan ang basong may lamang juice. Ang tunog ng pagbagsak niyon sa sahig ang naging hudyat niya upang takbuhin ang lalaki sa kinatatayuan nito. At first, it felt running in a slow motion then she jumped into lightspeed. Nang maabot niya ang lalaki ay mahigpit niya itong niyakap at isinubsob ang mukha sa malapad at matikas nitong dibdib. Sabay na umagos ang mga kristal na tubig sa kanyang mga mata. She felt sheltered in this man’s arms. Finally, she was back home. Marahan nitong hinaplos-haplos ang kanyang likod at ang hibla ng kanyang mga buhok. Ang pagdaigti ng palad nito ay may kakaibang init na hatid sa kanya. Pinapatay ng init na iyon ang kahungkagan nanahan sa kanyang sistema. At sa kung saang parte ng isip niya ay ninais niyang mahagkan sa labi ng lalaki. Itinaas niya ang luhaang mukha at sinalubong ang mga mata nito. Dala na rin marahil ng mga bugso ng iba’t-ibang damdamin ay natangay siya at hinagkan ito. Mainit ang tagpong iyon na kumumpleto sa alab niyang nadadama. She was like a Phoenix who risen from its own ashes after she found her flame. This man made her live again. “Nice way to say thank you, miss. I really do love the kiss but I don’t accept payments for my help.” Puno ng pagkamangha ang anyo nito. Sumilay ang magkabilang malalim na biloy sa pisngi at mas naging prominente ang hiwa sa baba nang gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. Umikot muli ang mundo at naiwan siyang nakatayo roon. Biglang dumagsa ang pagtataka at pagkalito sa isipan niya. Napuno siyang muli ng ibayong lungkot at pangungulila. Ano itong nararamdaman niya? Bakit niya ginawa ang mapangahas na aksyon na iyon sa lalaki? Napakagulo ng kanyang isip. Mukhang nagsasalabat ang mga ugat sa kanyang utak. Hindi siya makaapuhap ng sasabihin upang pagtakpan ang nagawa. “Hey, miss? Are you all right? How are you feeling? Mabuti pa siguro ay magpahinga ka na muna at mukhang napagod ka sa biyahe,” pukaw nito na siyang nagpanumbalik sa kanyang huwisyo. “I’m fine. Hindi mo ba ako kilala? I saw you in my dreams. You’re calling my name and you called me... love... And you ask me to come with you,” saad niya, kinakapos ng paghinga. Ngayon lamang din bumuhos ang pagkapahiya sa kanyang damdamin, nag-init ang kanyang mga pisngi. Pagak na tumawa lamang ang lalaki. “I guess, it’s because I was the last one you saw before you passed out. I don’t even know your name so how can I possibly called out your name? But anyway, it doesn’t matter. It’s just a dream. Ano nga pala ang pangalan mo? Nakalimutan kong itanong kay Sabel at hindi rin niya nabanggit sa akin,” nakangiti pa ring pahayag nito. “Corazon... Corazon ang pangalan ko, ayon sa aking pagkakaalala.” “Napakagandang pangalan. Bagay na bagay sa kagandahan mo.” “Sigurado ka bang hindi mo ako kilala?” tanong niya, hindi mapalagay ang damdamin. “No. I’m sure we’ve never met before because if I have met you already I will never forget you and let you go,” he said, stretching the smile on his handsome face. “Romeo!” tili ng isang babae. Napalingon sila sa direksyon nito. Maaskad na lumapit ito sa kanila at pinagtaasan siya ng kilay saka bumaling sa lalaking tinawag nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD