bc

Four-time Widow

book_age18+
1.1K
FOLLOW
8.4K
READ
age gap
opposites attract
CEO
comedy
sweet
bxg
city
sassy
widow/widower
like
intro-logo
Blurb

Apat na beses na biyuda si Bernice Gacho sa edad na 24. Malas siya kung ituring ng lipunan sa pagiging maaksaya sa asawa, Hinusgahan na siya at lahat ng ibang kaanak ng mga naging asawa. Nasaktan siya ng lubos nang namatay ang pinakalamahal niya si Calvin Contreras, ang pang-apat niyang asawa. Hindi na siya umaasa na may tatanggap sa isang kagaya niyang notoryus na biyuda.

Kaya nang lapitan siya ng tiyuhin ng asawa ay todo iwas siya.

Gerard Contreras. The Advertising magnate no one can resist. Lahat na yata ng uri ng babae ay natikman na niya. Pero, nang makita niya ang biyuda ng panaganay na pamangkin ay isinumpa niya sa sarili na kailangan niya iyong matikman.

Will his curiosity subside once he get to taste the 'goods' his nephew once enjoyed?

chap-preview
Free preview
Wdtnt1:Manuel
" Manuel, ang daya mo sabi mo magtotour pa tayo sa Batanes! Bakit mo ako iniwan mahal? Huhuhuhu," palahaw ni Bernice sa kabaong ng asawa. Niyakap ng kanyang impis na katawan ang mamahaling kabaong na yari sa kristal. Isang linggo pa lang buhat ng ikasal siya sa kanyang asawa. Medyo matanda na nga si Manuel kung tutuusin para kay Bernice. Sixty years old na ito samantalang disenuebe pa lang siya. Gayun paman hindi iyon naging hadlang para mahalin nila ang isa't isa. Sa mata ng nakararami ay isa siyang oportunista , manggagantso, mukhang pera. Iyan palagi ang nasasambit ng makakakita sa kanila. Ayaw na niyang patulan ang mga sasabihin ng nasa paligid pati na nga ang anak ng namatay na asawa. "Hoy, ikaw babae. Ang galing mo rin umarte ano? Pagkatapos mong kwartahan si Papa ay may gana ka pa talagang magpakita sa libing niya?" Si Maureen na nakataas ang kilay. Ang panganay na anak ni Manuel. "Nasa akin lahat ng karapatan dahil ako ang asawa. Anak ka lang. Kaya hintayin mo ang sasabihin ng abogado kung ang mamanahin mo kung iyan lang din naman ang pinagpuputok mo ng butse!" Umalis si Bernice na nagpupuyos ang kalooban. Kaagad siyang nagpahatid sa driver ng asawa sa kanilang bahay. Gusto niyang magpahinga matapos ang ilang araw na puyat dahil sa pag aasikaso ng labi ni Manuel. Binaybay ni Bernice ang daan papasok sa kanilang bahay. May nadaanan pa siyag mga kakilala na mga tambay. Ang grupo nina Dagul na uminom ng gin at may pulutan pang Adidas ng manok at isaw. Isa ang grupo nito ang mataas ang respeto sa kanilang pamilya kahit pulos mukhang ungas ang mga ito ay mababait naman. Tumango lang siya ng itinaas nito ang baso sa ere. Pagdating sa kanilang bahay ay kaagad siyang sinalubong ng kanyang ama na kumendeng kendeng pa. "Ang kawawa awa kong unica Hija. Huwag ka nang magsalita! Alam kong inaway ka ng bruha mong gurang na stepdaughter. Naku kung hindi lang talaga mabait si Manuel mo ay hindi ako pumayag na magpakasal kayo!" Niyakap ng amang si Bernardo ang anak. Si Bernice ay may kakaibang pamilya. Ang kanyang ina ay tibo na nagtratrabaho bilang isang mekaniko samantalang isang makeup artist at parlorista naman ang kanyang baklang ama. Bata pa lang ay nasanay na silang ginagawang sumsuman sa mga tsismisan ng kanilang barangay. Abnormal daw ang kanilang pamilya dahil sa kasarian ng mga magulang. Lahat iyon ay binalewala nila dahil lumaki silang kambal na ipinaintindi ang pagkatao ng mga magulang. Turo ng mga magulang nila na ang importante sa isang pamilya ay magmahalan at palaging nagpapatawad. Nakakatuwa dahil kahit malalaki na sila ng kanyang kambal na si Brendan ay malambing pa rin ang kanilang ama sa kanilang ina na parang pinaglihi yata sa sama ng loob. Isa itong bungangerang tibo na ubod ng selosa. Kahit binabae ang ama ay hindi pa rin kasi maiwasan na maraming nagkakagusto na mga customer na mayayaman. "Andyan ka na pala Honey ko pahalik." Kaagad na sinibasib ng halik ng ama ang inang si Bridgette. Gumanti naman ang ina. "Ew, mamaya baka magkaroon pa kami ng kapatid! Respeto naman sa nagluluksa!" Tumirik ang mata ni Bernice sa pagiging PDA ng magulang. Bata pa naman ang mga magulang kung tutuusin. Kwarenta pa lang ang nanay na si Bridgette at kwarenta y kwatro naman ang ama. Nagmano si Bernice sa ina kahit na may bahid pa ng grasa ang kamay. "Kaawaan ka ng Diyos anak. Kumusta naman ang lamay ni Manuel mo?" "Ayon, pumunta ang bruhang si Maureen at inaway ako. Ano pa ba ang maaasahan mo sa babaeng iyon Nay?" "Pag nakita kita na kayo ng abogado ni Manuel sampalin mo ng katotohanan para matauhan!" Nakataas ang kilay na sabi ng ina kay Bernice. "Iyan naman talaga ang plano ko Nay." "Hon, tara na sabay na tayong maligo."Namumungay ang mata ng ama ni Bernice. Gustong gusto naman ng ina na nagpadala na rin sa panlalandi ng kabiyak. Buti na lang talaga at soundproof ang kwarto ng mga ito at may sariling banyo pa. Kung hindi ay maeeskandalo sila ng kambal niyang si Brendan. Umakyat na din sa kanyang kwarto si Bernice kapagkuwan. Naligo siya ng maligamgam para ma relax ang patang pata na katawan. Gusto niyang magpahinga upang kahit sandali ay makalimutan ang mga suliranin. Ilang sandali pa ay bumalong ang luha ni Bernice. Napasinghot siya ng maalala ang asawang si Manuel. Kahit tawagin siya ng kung anu ano ng mga kaibigan at kakilala nito ay hindi iyon naging hadlang sa kanilang pag iibigan. Ipinaradamdam sa kanya ni Manuel kung paano mahalin ng tapat at buong ingat. Ibang iba sa ilang naging kasintahan noong teenager siya. Hindi naman sa salat siya sa pagmamahal sa pamilya kaya niya minahal si Manuel. Nag uumapaw pa nga ang pagmamahalan nilang mga Gacho. Biglang bumukas ang ang pintuan ng kanyang kwarto at iniluwa buhat doon ang kakambal na si Brendan. Nakasuot pa ito ng gown na kulay emerald green. Ngingiti sana ito ng mapansin nitong pasinghot singhot siya. "Ay little sister, bakit ka nag crayola? Sinong umaway sayo at ng kurutin natin ng nail cutter ang singit?" Niyakap ni Brendan ang kambal at hinaplos ang ulo atsaka hinalikan ang noo nito. Kahit binabae ay ayaw na ayaw niyang nakikita ng may umaapi sa kambal.. " Wala, naalala ko lang si Manuel." " Sister Makakalimutan mo din siya. Pagbaba mo ng luksa ay makakakita ka din ng ipapalit sa kanya. Yong bata, mayaman, mabait at malaki." " Ang bastos mo. Hindi naman ang malaki ang habol ko eh." "Ay malisyosa ka. Malaki ang pag ibig ang ibig kong sabihin. Lukring ka talaga!" Imbes na maiyak ay napatawa si Bernice sa mga banat ng kambal. "Magpahinga kana na sister. At ididisplay ko pa ng bago kong trophy. Puntahan ko muna si nanay at tatay." "Huwag mo muna silang istorbohin Brendan. Gumagawa sila ng kapatid natin." Napanganga naman si Brendan sa tinuran ni Bernice at sabay pa silang bumunghalit ng tawa. Lumabas na ng kwarto si Brendan at natulog na si Bernice pagkatapos manalangin. Ipinagdarasal niya na sana ay kahit papaano ay naging masaya sa piling niya si Manuel kahit sa napakaiksing pagsasama nila. Na sana ay magkita na sila ng natatanging babaeng inibig nito sa kabilang buhay. Ang unang asawa nito na si Ofelia.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook