Wftnt3: Gregorio

1087 Words
Wftnt3:Gregorio Four months later Para makalimutan ni Bernice ang naging malungkot na kinahinatnan ng relasyon nila ni Gordon ay palagi siyang sumasama sa kambal na si Brendan sa mga beauty pageant na sinalihan nito. Doon ay nakilala niya si Gregorio. Forty years old na ito at medyo may katabaan at medyo pandak pa. Ang tawag pa nga ng kambal dito ay si Mojacko. "Sis, kung ikukumpara mo si Greg kay Manuel mo ay mas gusto ko si Manuel mo kahit tanders na. Alam mo balibalitang bohemyo ang isang yan kahit mataba at pandak." "Grabe ka naman Kuya. Ang judgmental mo talaga! Atsaka kahit ganyan si Gorio ko mahal ko yan eh. Grabe ang sense of humor atsaka hindi naman ako minamanyak. Ibig sabihin seryoso siya sa akin. Dadalaw daw siya sa bahay." Nakangiting sabi ni Bernice sa kambal. " O sige para makilatis na pati nila nanay at tatay." Kinagabihan ay naging bisita ng mga Gacho si Gregorio. Tinanggap naman nila ito ng maayos ayon na rin sa kagustuhan ni Bernice. At dahil unang pagkakataon na bumisita sa mga Gacho ay nagdala pa ng mga regalo si Gregorio. Isang set ng mamahaling make up para sa amang si Bernardo at isang set ng tools para sa inang si Bridgette. Tuwang tuwa ang mga magulang ni Bernice na kahit matatawag na odd couple si Bernice at Gregorio ay marunong manuyo ang huli. Isang masarap na hapunan ang inihanda ni Bernice para sa nobyo. At nagulat pa ang mga magulang niya ng pormal na hingin ni Gregorio ang kamay ng nobya at sa harap mismo ng mga Gacho ay ngpropose si Gregorio. Maluha luha si Bernice sa ginawa ni Gregorio at tinanggap ang alok ng nobyo ng buong puso. Si Brendan ay nais tumutol sa gusto ni kambal ngunit nagbabala ang ama na pabayaan ang kapatid nito sa nais gawin sa buhay. Nang nakauwi na si Gregorio ay siya namang pag kompronta ni Brendan sa kakambal. "Lukring ka talaga sister. Yucks, desperada ka na talaga na ultimo si Mojacko pinatos mo na? Unbelievable!" "Ay grabe siya mapanghusga! Nahawa ka na yata sa mga tsismosa na pinapakialaman ang buhay ng ibang tao!" "Gaga ka talaga!" Binatukan ni Brendan ang kambal at napakamot ito sa ginawa ng kapatid. "Anong ibang tao ka diyan? Remember kuya mo ako at kakambal pa. Maka other people ka wagas ah. At sino pa ba mag a advice sa iyo? Syempre ako ang unang masasaktan pag may mananakit sa iyo." "Bakit naman ako masasaktan?" "Ay tanga! Hindi ka kasi nag imbestiga eh. Alam mo ba iyang si Mojacko…" "Gregorio kuya hindi Mojacko." "Eh sa kamukha niya si Mojacko eh. Itsura at boses pa lang. Alam mo kasi yan maraming tinakbuhan na bebot matapos tikman. Kayo ba ay nag boom boom boom na?" Kumikibot kibot ang nguso ni Brendan habang sinsermunan ang kakambal kaya natatawa si Bernice sa kapatid "Of course not!" Mahinang hinampas niya si Brendan at nagpatuloy. "Kahit dalawang beses na ako nabibiyuda ay naging maginoo naman si Manuel at Gordon sa akin. At gusto ko sa wedding night ko na ibinigay ang sarili ko" "Keep it that way sister promise para hindi ka magsisi." Nabaghan si Bernice sa sinabi ng kakambal. Umakyat siya sa ikalawang palapag upang kausapin ang mga magulang. Kumatok muna siya at kaagad namang pinagbuksan ng amang yamot na yamot ang mukha. " Ano sa atin nak? Istorbo ka naman sa loving loving namin ng Nanay mo. Kita mo oh gagawa na sana kami ng kapatid ninyo." "Ay grabe ka Tay! Sa lahat ng mga bakla ikaw ang pinaka mahilig sa kepyas." Kinurot ni Bernardo ang anak. "Aba, kaysa naman t**i ang kahiligan ko? Baka patayin ako ng nanay mong ubod ng selosa!" Nagulat ang ama ng may lumipad na unan at nasapol ang kanyang batok. "Nay naman eh!" Reklamo nito sa asawa. "Ay ano ba yan? May sadya sana ako pero wrong timing bukas na lang ng umaga at nang mabuo na ng tuluyan ang kapatid ko." Nakabusangot si Bernice na tiningnan ang nanay na nakahiga na at nakabalot lang ng kumot. Alam ni Bernice na naglalambutsingan ang mga magulang kaya siya na ang umintindi. Pero bilib siya sa mga magulang dahil napakalambing ng mga ito dinaig pa ng mga mag asawa na normal ang kasarian. Sa lahat ng mahahalagang okasyon ay may pa bulaklak ang tatay niya. Every 6th of the month ay may pa delivery ito ng flowers at chocolates sa talyer na pinatratrabahuan ng nanay niya. Hindi naman sila masasabi ng mahirap at hindi rin mayaman. Ang kinikita ng ama bilang parlorista ay sobra sobra na nga kung tutuusin. Malaki din ang kita ng ina bilang isang mekaniko at bilang taga customize ng mga sasakyan ng mga parokyano nito kung saan isa na rin ito sa may ari ng naturang talyer. Kaya nila bumili ng sariling bahay sa mga subdivision pero mas pinili ng mga magulang tumira kung saan sila una nagkakilala twenty two years ago. Pagkatapos ng tatlong buwan ay napagpasyahan ni Gregorio at Bernice na magpakasal. Sunset wedding ang naganap kung saan isang Pastor ang nagpatibay ng kanilang pag iisang dibdib. Sa Baguio nila naisip na ma Honeymoon. Isang linggo ang nakatakdang tour at pinaghandaan talaga ito ni Gregorio. Nang nasa Honeymoon suite na sila ay nagtataka si Bernice kung bakit balisa ang asawa. Ilang sandali pa ay bigla itong hinimatay at hawak hawak ang kaliwa ng dibdib. Dahil sa gulat ay nagpatawag kaagad si Bernice ng ambulansya. Si Gregorio ay naka boxer shorts lang samantalang naka itim na silk sleepwear siya na nakarating ng hospital. Dead on arrival si Gregorio at Natagpuan sa kanyang dugo na uminom pala ito ng s****l performance enhancement drug. Kaagad na inuwi ni Bernice ang bangkay ng asawa sa Quezon City. At doon sa kanyang burol ay isa isang nagsulputan ang mga babaeng nagsasabing buntis at si Gregorio ang ama.Hindi lang isa kundi tatlo. Tama nga ang sabi ng mga kakilala ni Kuya Brendan niya na maloko sa babae ang kumag na Gregorio. Sa galit ni Bernice sa yumao ng asawa ay hinayaan nito ang mga kapatid na ang umasikaso sa libing nito. Labis siyang nasaktan sa panlilinlang ng pangatlo ng asawa. Tama pala ang sapantaha ng pamilya na kahit ganoon ang kanyang itsura ay tsikboy pala ang mokong. Hindi na siya nag abalang magluksa sa taong nanakit lang sa kanyang damdamin. Buti na lang talaga at hindi siya bumigay sa pangmamanyak nito ilang linggo bago sila ikasal pag nagkataon pala ay nalahian siya ng babaerong bansot na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD