Pagkatapos ng mainit na sandali sa kusina ay kumain na sila. Panay subo ni Gerard ng pagkain sa babaeng mahal na niya. Hindi naman siya nahihiyang paulit-ulit na bigkasin iyon kay Bernice. Noong panahon na halos itatwa niya ang nararamdaman para sa dalaga ay nahirapan talaga siya. Noong una ayaw tanggapin ng utak niya ang ideya pero nagrerebelde ang puso niya. Kaya ngayon ay hayagan niyang ipapakita at ipaparamdam ang damdaming pinukaw nito sa una pa lang nilang pagkikita. Si Gerard na ang naghugas ng mga pinagkainan nila. Nagpaalam si Bernice na saglit na aakyat sa kanyang silid. Napangiti ang binata at may kalokohan na naman na naiisip. Kaya, dali-dali niyang tinapos ang paghuhugas ng pinggan. Sinarado niya ang buong kabahayan dahil nag-uumpisa ng dumilim sa labas. Lumalamig na ang simo

