PINIHIT niya ang doorknob at tinulak iyon pabukas. Iginala niya ang kanyang mga mata pagpasok niya sa pinto. Kahit gaano iyon kaganda ay pakiramdam niya ay hindi tama na dito siya manatili. Mas gugustuhin niyang kumuha na lamang ng maliit na kwarto pero alam niyang hindi siya pagbibigyan ni Terence. Isa pa sa iniisip niya ay kung anong pwedeng maging epekto niyon sa relasyon nito kay Zara. Ayaw niya ng gulo hangga't maaari. Kahit pa wala namang namamagitan sa kanila ni Terence ay alam niyang hindi maiiwasan na magkaroon ng problema sa pagitan nila ng kasintahan nito. "I'll call someone to change the lock on the door and I'll put more security cameras," ani Terence sa kanyang likuran. Medyo nagulat siya dahil hindi niya man lang namalayan ang pagpasok nito. Humarap siya rito. "Terence. I

