HABANG lulan ng sasakyan ay wala silang imikang dalawa ni Terence. Nakatanaw lamang siya sa labas ng bintana habang pinipisil ang kanyang namamawis na palad kahit nakabukas naman ang aircon ng sasakyan. Ganito pala ang pakiramdam na magkagusto sa isang lalaki na halos ilang dangkal lamang ang pagitan? Iyong tipong kabado ka at hindi mapakali sa kinauupuan dahil alam mong malapit lang ang distansiya nito sayo? "I don't want to see you being near with Samuel again." Basag nito sa nakabibinging katahimikan. "W-why not?" nagtataka niyang tanong. Napansin niyang humigpit ang hawak nito sa manibela habang seryoso ang mata habang nakatingin sa kalsada. Ngumisi ito ng mapakla sa tanong niya. "'Why'?" "Okay, let me be clear. I don't like men when it comes to the idea of having a relationship. I

