PABAGSAK siyang nahiga sa kanyang kama at pumikit ng mariin. Ramdam niya ang pagod at gutom pero wala na siyang lakas pang bumangon para kumuha ng pagkain sa kusina. Gusto na lamang niyang matulog pero hindi nakikisama ang kanyang humahapding sikmura. Kaya kahit ayaw niya ay bumangon siya at naglakad papuntang kusina. Binuksan niya ang refrigerator at tumambad sa kanya ang sari-saring pagkain. Puno iyon ng laman at hindi naman niya matandaan na nilagay niya ang mga iyon doon. Terence...of course it's him. Naalala niya, nag utos nga pala ito ng ibang tao na bilhan siya ng mga kailangan niya sa grocery store para hindi na siya lumabas pa at para na rin sa kanyang seguridad. Bumuntong-hininga siya at kumuha na lamang ng orange juice at slice bread. Pagkatapos niya iyong ubusin, pumunta siy

