"BAGAY ba 'tong bag sa kulay ng suot ko?" tanong ni Josie habang panay ang rampa sa harap ng salamin. Kasalukuyan silang naghahanda para sa party kasama si Josie. "Mas bagay yung pula," aniya habang nakangiti. Pumitik sa ere si Josie. "Sabi ko na eh. Yung pula din ang mas bet ko," natatawa nitong saad. Siya naman ay abala pa sa pag a-apply ng makeup. Mabuti na lang ay medyo maaga sila nag-ayos dahil natagalan silang dalawa sa kakapili kung anong susuotin. "Excited na 'ko sa party mamaya. Sana doon ko na mahanap ang aking 'the one'. Baka may mga single na mayaman doon," kinikilig nitong sabi na may kasama pang pagpadyak ng mga paa. Tumawa lamang si Safirah sa sinabi ng kaibigan. Hindi naman niya ito pwedeng pigilan dahil anim na buwan naman na itong single. "Kung makatawa naman 'to.

