"BAKIT tulala ka na naman diyan? At tsaka pansin ko kanina pa bagsak iyang mukha mo. May nangyari ba sayo sa trabaho mo?" tanong ni Josie sa kanya. Nilingon niya ito tsaka marahang umiling. "Wala naman problema sa trabaho." "Eh ano nga?" pangungulit nito. Nagbuga siya ng hangin at muling tumingin sa labas ng bintana. Hindi niya alintana ang lamig ng simoy ng hangin. Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. "Nagkita kami ni Jerry," seryoso niyang saad. "Jerry? Sinong Jerry?" naguguluhan nitong tanong. Isang mapait na ngiti ang namutawi sa mga labi ni Safirah. "Kapatid ko sa ama." Nanlaki ang mga mata nito. "Yung demonyo mong kapatid na nilagay ka sa panganib?" Marahan siyang tumango at bumuga ng hangin. "Bakit kayo nagkita? Anong nangyari? Sinaktan ka ba niya? Pina

