1 year later... Malapad ang ngiti ni Kenneth habang papasok sa tower, back to work na ulit siya after mag pahinga. Nag decide siya na to take a break muna after niyang takasan ang sarili niyang kasal. Umiwas muna sila sa issue at sa mga judgemental na mga tao sa paligid nila. Noong una siya ang masama sa love story nila ni Luke, pero ng lumaki na ang tiyan ni Amira at nalaman ng lahat na si Luke ang ama. Nabaling ang atensyon ng lahat kay Amira t Luke na inisip ng lahat na kaya siya umalis sa kasal dahil sa buntis na ang bestfriend niyang si Amira. Lalo na ng lumantad na ang dalawa habang siya ay nanatiling tahimik ang love life. Hindi na sila nag abalang mag paliwanag at ayusin ang paniniwala ng lahat dahil normal na sa mga Pilipino ang pagiging judgemental at wala siyang kailang

