"Grabe pa exit mo kahapon? Ano nagkakalumpuhan na ba kayo?" tanong ni Amira habang nag lalakad sa labas nila para bumili ng pancit canton sa tindahan dahil wala pa siya sa mood na ipag grocery ang ina niya. Daig pa niya ang tatakbong kapitana dahil panay ang tango at kaway niya sa mga tambay sa kanila sa labasan na tinatawag siya para tumagay. "Pasaway ka! Hindi ko, ang ganda dito sa enchanted ville grabe." wika ni Kenneth na ikinuwento kung saan siya dinala at sa isang malaking eroplano sila nag s-stay na nasa loob mismo ng enchanted ville. "Pabili po!" usal pa ni Amira sa tindahan. "Babye muna maya na tayo mag-usap, nasa labas lang ako." "Sige na." aniya saka itinago ang phone sa bulsa. "Manang canton nga po yung chilimansi yung malaki." "Uy! Ami

