Dalawang motor ang mabilis na bumabaybay sa kalsada. Ang isa, minamaneho ni Adam, angkas niya si Kenneth na punit-punit ang wedding gown. Ang isa naman, si Mikay ang driver, angkas si Miggy habang nakasunod ng tingin kila Adam. Hihipan ng hangin ang belo ni Kenneth, nagliliparan ang piraso ng gown na sira-sira. Nakayakap siya nang mahigpit kay Adam, nanginginig pero may halong excitement. Si Adam, seryoso ang mukha, parang action star sa pelikula na mabilis na pinaaarangkada ang motor habang palingon-lingon kay Mikay na nag hahand signal ang dalawa na hindi niya maintindihan. "Dahan-dahan lang wala naman yatang nahabol sa atin." sigaw ni Kenneth na itinaasa ang visor ng helmet pero agad din ibinaba dahil sa bilis ng takbo nila masakit sa mata ang hangin. "Sinong may sabi yun

