Parang inaantok pa si Kenneth ng humalik kay Luke ng sunduin siya nito sa condo niya. Dahil may usapan silang kakain ng lunch together. Ayaw na sana ni Luke na ituloy at pinatutulog na lang siya nito at tatabihan na lang daw siya agad siyang tumangi at sinabi na hindi puwede dahil baka iba ang maganap, mahirap na. Dinaan na lang niya iyon sa biro at mukha naman naniwala si Luke kaya natuloy silang umalis. At s'yempre sa favorite nilang resto sila kumain malapit sa airport kung saan matatanaw nila ang runway ng paliparan. Mainit ang sikat ng araw pero may malamig na hangin mula sa open terrace ng restaurant sa rooftop deck na paborito nilang spot ng restaurant. Mula kasi rito sa puwesto nila, kita ang mga eroplano na isa-isang lumalapag sa runway. Kenneth stirred her iced tea

