Bahagyang nag unat ng likod si Kenneth, konting oras na lang tapos na ulit ang shift niya at makakatulog na ulit siya sa malambot niyang kama. Usual night duty siya at malapit ng matapos ang duty niya, maganda ang sikat ng araw kanina kaya tiyak mainit nanaman buong maghapon. Isang tahimik na tipikal na umaga sa Manila Tower, ang tanging maririnig ay ang steady na ingay ng mga radyo at tik-tik ng keyboards. Sa monitor muling nag focus si Kenneth habang iniintay na matapos ang shift niya, sunod-sunod na nag-a-update ang flight data. Routine landing day wala dapat kakaiba. "Routine landing walang drama. Wala lang sanang biglang sorpresa, uwing-uwi na ako." bulong ng katabing ATC na ikinangiti pa ni Kenneth at gustong sabihin na same here. Sa gilid, si Radar tech na salubong ang kila

