Marahan na tumikhim si Luke ng bungad sa crew lounge para lang sa mga FA at Piloto lang, sinuyod niya ng tingin ang buong vicinity pero wala ang babaeng hinahanap niya. 7 days siyang wala dahil Europe ang naging biyahe niya. Maraming FA ang nag-aayos ng uniforms, iba’y nagkakape. Kadarating lang niya galing sa flight. Suot pa niya ang pilot uniform at may dala pang bag si Amira na agad ang hinanap niya after niyang tawagan si Kenneth sandali pero hindi sila nakapag-usap ng matagal dahil naka duty ito. Pakiramdam niya nagloloko na siya dahil ibang babae ang laman ng utak niya mahigit isang linggo na, well technically nag loko na talaga siya sapol ng paki-alaman niya si Amira na hindi na niya napigilan. Noon pilit niya ipinapasok sa isipan niya na dala na lang pangangailangan kaya n

