Nakaupo si Amira sa sulok na mesa, nakayuko, halatang pagod at emotionally drain, pinilit lang siya ni Miggy na lumabas pero wala talaga siya sa mood. Ayaw na din sana siyang iwan ni Kenneth at mag leleave sa trabaho pero hindi siya pumayag nag panggap na lang siya okay at nangako siya na mamaya pag-uwi nito sasabihin na niya rito ang problema niya. Napaangat siya ng tingin ng dumating si Miggy, dala ang isang tray na may laman na kape at slice ng cake na bigla nakaramdam siya ng gutom. Kagabi pa rin siya hindi kumakain kaya naman kinuha na lang niya ang isang tinidor at tinusok ang cake saka kinain. "Hindi bagay sa'yo ang nakasimangot?" ani Miggy. "Ikakasal na si Kenneth, balak mo pa rin siyang habulin?" tanong ni Amira habang nakain ng cake at dun nakatingin. "May dahila

