Halos magulantang ang buong kabahayan ng lumabag ang pinto pabukas ng pumasok si Luke na nag liliyab sa galit ang mga mata. Habang ang inang si Clarissa at kapatid na si Lena kasama ng iba pang mga kapatid nila ay masaya pang nagf kukuwentuhan ng nangyari sa airport kung paano sinaktan ng mga ito si Amira na parang tuwang-tuwa pa ang mga ito na nasaktan at napahiya ng mga ito si Amira. "Kuya?" nakangiti pang bati ng ibang kapatid. "Ano mag reresign na ba sa trabaho ang babae—" napasigaw na napatigil sa sasabihin si Len ng biglang agawin ng kapatid ang baso ng softdrinks na iniinom at basta nalang ibinato sa pader at nabasag na ikinasigaw ng mga kapatid na babae. 6 silang magkakapatid na babae, 3 na ang may asawa at 2 pa ang nag-aaral sa kolehiyo. May isa

