Episode 60- Confrontation

1617 Words

Patulak na binitawan ni Luke si Miggy ng hilahin ito sa fire exit, ngumisi lang naman si Miggy na inayos ang damit na nagusot. Nagpalingon-lingon muna si Luke sa paligid na inalam kung may tao ba sa fire exit ng mapagtanto na walang tao at tahimik ang paligid, agad na muling hinarap ni Luke si Miggy na prenteng nakasandal lang sa pader habang nakatingin sa kanya. "Guwapo ka rin naman pero tingin ko mas guwapo ako kung ako ang mag susuot ng uniform na yan." ani Miggy na tiningnan si Luke mula paa hanggang ulo sabay ngisi. Muli naman na dinakot ni Luke ang damit ni Miggy na hindi manlang natinag sa pagkakasandal sa pader. "Anong meron sa inyo ni Amira?" galit na tanong ni Luke. "Pilot ka diba? So, kelan ka pa naging taga media para mag tanong ng ganyan." "Sumagot ka nalang!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD