Nasa gilid na sila ng airport parking lot malayo sa dalawang babae na kapamilya ni Luke. Humihingal pa si Amira, na napahawak pa rin sa pisngi at magulong buhok mula sa sabunot. Hinila siya ni Luke palayo sa ina at kapatid nito na kanina pa nag-iingay at nananakit sa kanya. Pagdating nila sa medyo tahimik na parte ng parking, huminto si Amira at humarap kay Luke. Namumula pa ang mukha niya, halata ang pagkalito at hiya. Sinubukan naman ni Luke na hawakan ang pisngi niya pero mabilis na umatras si Amira sabay bawi din ng kamay na hawak nito. Saka tumingin ng deretso kay Luke, "Seryoso ba ‘yon? Oh! joke time ba ‘yung nanay at kapatid mo? Kasi grabe sila kung makapagsalita, parang mga kontrabida sa kdrama. Nag-siping tayo? Kelan nangyari ‘yon? Sa panaginip? Grabe!" awang ang bibig na na

