Flashback 9- Sister

1456 Words
Napangiwi si Kenneth habang nilalagyan ng ointment ang sugat sa kilay niya, naipatahi na yun ng mama niya kahapon at napag kurot na din si Adam dahil literal niya itong itinuro kung bakit pumutok ang kilay niya. Hindi na nila sinabi ang totoong nangyari dahil tiyak malaking gulo lang sa school at pag mumulan pa ng kumosyon. And worse baka i-transfer pa sila sa ibang school kung kelan kalagitnaan na. Ayaw niyang lumipat ng school kahit iyon din ang utos ni Juan Miguel, si Adam na lang ang magtransfer tutal dahil lang naman dito kaya nagulo ang buhay niya. Napaka babaero pasalamat ito at hindi pa niya sinusumbong sa parents nila. Hindi tuloy siya makakapasok sa school ngayon dahil na mamaga ang isang mata niya. Napalingon sa pinto si Kenneth ng marinig ang katok kaya sumigaw naman siya na bukas yan sa pag-aakalang katulong ang nakatakot pero nagulat siya ng makita ang Ate Noah niya sa reflection sa salamin. Nabawi na ng parents nila ang Ate nilang nawala sa loob halos 2 dekadang mahigit at ngayon paminsan-minsan na kakasama na nila ito pero syempre naroon pa rin ang pagkailang dahil hindi naman nila kilala ang isa't-isa. Bukod dun nalaman din nila ang nakakatakot nitong background, pinalaki itong killer at meron anger management issue ayon sa naririnig nila sa usapan ng parents nila. Hindi daw kayang kontrolin ang galit nito kapag na sobrahan, dumanas ito ng mental torture at physical abuse. Wala itong manners at ma attitude din. Palamura at walang galang kung makipag-usap, kaya naki-usap sa kanila ang parents nila na intindihin na lang muna ang Ate Noah nila also known as Athena. "Kenneth." "Ate Noah!" halos pabulong na tugon niya na napayuko na humarap rito. Her voice was calm but Kenneth could already feel the storm behind it. "Asan ang fudrabells mo? I mean natin." tanong nito sabay tingin sa rilo na nag salubong pa ang kilay. "Hindi ka pumasok," tanong ni Athena arms crossed, brows drawn tight. "Lumabas kanina Ate kasama nila Tito Damon at Tito Saitan." sagot niya habang nanatiling naka yuko. "Bakit di ka pumasok?" tanong pa rin ni Athena habang papasok sa loob ng kuwarto niya na ikinangiwi niya. "May migraine lang, ate. Tsaka—" naputol ang sasabihin ni Kenneth ng itaas ni Athena ang baba niya at makita nito ang hitsura niya. Athena’s eyes narrowed then, slowly, her gaze moved upward at tinitingnan ang buong mukha ni Kenneth. Saka tumigil sa kilay ni Kenneth sa sugat saka pamamaga ng mata. "What. The hell. Is that." isa-isang kataga na galit na tanong ni Athena. Napalunok naman si Kennetha na umatras saka alanganin na ngumiti sa kapatid. "It’s nothing, Ate. Tumama lang ako sa pinto ng locker—" "Tumama ka sa locker?" Athena repeated slowly. "With that angle? Kenneth," nakataas pa ang kilay na tanong ni Athena, sa dami na niyang sugat at pasa na napag daanan hindi na siya maloloko ng isang minor. "Who did that to you, drop a name?" utos niya sa kapatid. "Ate…" "Who. Did. This?" Her voice was colder now. The tone she used when she wanted to kill someone. "It’s fine now, Ate." giit pa ni Kenneth. "No, it’s not. You’re not fine. You’re bruised, you’re lying to my face, and I’m this close—" she held up two fingers na pinakita pa kay Kenneth na naalarma. "To storming your school with a loaded gun." "Ate." "I need a name Kenneth Marie, am I right?" tanong pa ni Athena. "I can’t tell you," she whispered. "It’s already over. Hayaan na lang natin." "Alam mo kaya maraming kriminal sa mundo dahil sa mga mahihina ang loob na tulad n'yo. Hindi mababawasan ang masama hayop sa mundo kung meron tulad n'yo." inis na komento ni Athena. "Where’s your phone?" she asked kasabay ng paglahad ng kamay. "Why?" "I’m calling the principal." "No—Ate please. Please don’t do that." "Then I’ll go myself." ani Athena sabay talikod na mabilis naman na humabol si Kenneth na sakto naman palabas ang ina nilang bihis na bihis din. "Noah anak." kanina lang nakasimangot ng ina pero ng makita ang Ate niya ang bilis nag shift ng aura ng ina at mabilis na lumapit at niyakap ang ate niya. "Bakit di mo sinabi na uuwi ka, kumain ka na ba? Halika mag breakfast ka muna." "Where are you going? PTA meeting?" tanong ni Athena. "Ito kasing kapatid mo, look at her?" itinaas pa ang mukha ni Kenneth parang inang nag susumbong. "Hindi ako na niniwala na nauntog lang siya sa hitsura ng sugat na yan. Itinulak daw kasi siya ni Adam kaya nauntog siya." "Nang itulak ka ba ni Pekto naka bukas ang pinto ng locker mo?" tanong ni Athena. "Pekto?" sabay pang tanong ni Barbie at Kenneth. "Si Adam." sagot ni Athena. "Anak bakit naman pekto, ang ganda ng pangalan ng kapatid mo." ani Barbie. "Nakapasok na ba kayo sa kuwarto ng unico hijo n'yo?" tanong ni Athena, umiling naman si Barbie. "Pumasok kayo ng makita n'yo, puro p*ke ng babae ang naka poster sa kuwarto ni Pekto. Kaya bagay po sa kanya ang pangalan Pekto mukhang p*ke to." natawa naman si Kenneth habang si Barbie naman ay napangiwi. "Wag na kayong pumunta sa school, ako na pong bahala." "Huh! Naku wag na." nag-aalalang usal ni Barbie. "Huwag kayong mag-alala, motherhood. Hindi ko naman papat*yin wala ako sa mood ngayon, bigyan ko lang ng gulpi de gulat." ani Athena na humiwalay na sa dalawa at hindi na lumingon pa kahit tinatawag ng ina nila. "Mommy pigilan mo si Ate." "Hindi naman siguro gagawa ng gulo ang Ate mo dun." "Mommy." ungot ni Kenneth. "Mabait ang Ate mo, magtiwala lang tayo sa kanya." wika pa ni Barbie. - - - - - Athena Brichmore remove her helmet ng ipark ang motor sa parking ng sosyal at malinis na university. Halatang pang mayaman at amoy mayaman din ang simoy ng hangin. Ibang-iba sa mag exclusive private school, dressed in her sharp black denim ripped jeans and a beige blouse, motorcycles boots, her signature leather bodybag. Agad naman siyang pinapasok ng guard ng mag-iwan ng isang pekeng ID. She looked like she was about to assasinate a professor—not visit a school, Lagdameo ang pekeng ID na ginamit niya dahil habang papunta siya sa school nakapag search na agad siya na Lagdameo ang founder ng school na yun. The guards didn’t even stop her. They recognized her because of the ID she present. She went straight to the admin building, then to the student affairs office. And just as she was about to knock—she heard something. "Grabe! Ang lakas ng loob ni Drex kantiin si Kenneth. Ang tibay ng mukha buti nga sa kanya ang yabang-yabang kasi niya." "Pero infairness palaban din pala ang Kenneth na yun na tatahi-tahimik lang pero nagawa niyang headbuttin ang Drex na yun. Tiyak mag dodrop out yun ngayon." "Ang tanong eh, pumayag kaya ang ama ni Drex diba share holder ang ama nun dito sa school." "Wala siyang magagawa, I heard nag order na si Miggy." hindi na kumatok si Athena at basta na lang binuksan ang pinto na ikinagulat ng grupong nag-uusap-usap. "Excuse me? Saan ko makikita ang Drex na pinag-uusapan n'yo." nagkatinginan naman ang mga ito. "Hindi po namin alam." "Sigurado ba kayo?" tanong ni Athena. "Hindi pa po kasi namin siya nakikita ngayon araw na pumasok." natatakot na sagot naman ng isa. "Baka hindi na din po pumasok." "Ganun ba? Address na lang alam n'yo ba?" hindi sumangot ang mga ito na halatang ayaw sabihin. Nag labas naman ng wallet si Athena at nag labas ng 100 pesos sabay patong sa mesa. "Para saan po yan Ate?" "Sabihin n'yo lang sa akin ang adress sa inyo na yan?" malakas naman ang tawanan ang mga babae. "Ate, kulang pa yan pang bili ng burger sa cafeteria. "huh! napakamahal naman ng burger sa cafeteria n'yo. Sa amin kasi 50 lang buy 1 take 1 na." muling nagtawanan ang mga babae pero napahinto ng baril ang ilabas ni Athena na ipinatong sa mesa habang kunwari nag hahanap ng pera sa bag. "Wala na pala akong pera paano kaya iyo, kailangan ko ng adress ni Drex. "Ito po address ni Drex." mabilis na isang sticky note ang hawak ng isang babae na sinusulatan ng address ng lalaking hinahanap niya. "Wow complete address pa talaga. " ani Athena na itinago na ang baril sa bag. "Kunin ko na tong 100 ko wala palang maibibili dito sa school n'yo. Ipang gagasolina ko na lang, maraming salamat mga girls. Ako nga pala si Noah Brichmore a.k.a Athena, sister ni Kenneth. Ang grim reaper ng mga demonyo." kindat pa ni Athena sabay talikod at hindi na lumingon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD