Episode 10- Athena

1309 Words
"Anong gagawin natin? hindi ako puwedeng ma-kick out sa school Drex, graduating na tayo." wika ng isang lalaki na umiiyak na sa pakiki-usap kay Drex na parang walang paki-alam na nag bibilliard lang. "Hindi naman tayo makikick out, ano ba yang iniiyak mo. Kailangan lang natin mag drop-out!" galit na sagot ng isa. "Pero anong sasabihin ko sa parents ko kapag nag drop out ako kung kelan graduating na tayo." "Puwede ba tumahimik ka na! Wala nag papaalis sa atin sa school." sigaw ni Drex na tiningnan ang mga kabarkada. "Hindi na lang tayo parte ng faction ng school, yun lang yun kaya tigilan mo kadramahan mo. Mabubuhay tayo ng normal sa school as long as may pera tayong pang tuition at may mga katungkulan ang magulang natin." "Hindi yun e! Tiyak na pag-iinitan tayo ng Prestige hanggang tayo na ang kusang mag drop-out!" tumawa naman si Drex. "Mahina ka pala, kung di mo sila kaya edi mag drop-out ka na nga." angil ni Drex. "Wala kang kuwenta." galit na angil ng isa kay Drex. "Anong sabi mo?" agad naman na umawat ang ibang kabarkada nila ng akmang susugurin ni Drex ang isa. "Hay! Ang iingay n'yo naman?" bungad ng isang babae na parang si Harley Quinn na girlfriend ni Joker ang make-up pati kulay ng buhok at pagkakatali. Parang ginagaya talaga nito at may dala pa talagang baseball bat at bag na inihagis sa ibabaw ng billiard table. "At sino ka naman at paano ka nakapasok dito? This is private—" Pinukpok ng babae ang hawak na bat sa palad niya. Once. Twice saka ngumisi na tiningnan sila isa-isa na parang nakakaloko. "Sino sa inyo si Drex?" Walang sumagot tahimik ang buong grupo na nagkatinginan na parang nag tatanungan pa kung kilala ba ng mga ito ang babaeng bagong dating na akala mo kung sino. Maganda, sexy, maputi, maayos ang ayos ng buhok, may pulang lipstick pa at may maliit na itim na puso sa pisngi ng cheeckbone nito. Pero sa kabila ng ganda nito hindi mo mapipigilan na makaramdam ng takot, meron itong aura na parang kailangang katakutan. "Sabi ko… SINO! SA! INYO! SI! DREX!" mariin at mapanganib na isa-isang usal ni Athena. "A-Ako—bakit?" medyo nanginginig na boses ni Drex pero trying-hard magtapang na deretsong nakatingin sa dalaga. Mga nag atras ang mga ito ng mula sa bag kumuha si Athena ng baseball ball at walang sabi-sabing itinira gamit ang baseball bat na ikinasigaw ng mga itong nag takbuhan at umilag. "Tsk! Sayang naman bakit kayo umilig, hindi ko naman kayo patatamaan, OA n'yo naman." "Tanga ka ba! Sino ka!" Sigaw ni Drex habang dinu-duro siya. "Okay, Drex. Game tayo," ani Athena, na inabot ang isang bola ng billiard habang inihahagis sa isang kamay at sinasalo din ang solid green na bola habang nasa isang balikat ang baseball bat. "Magkwento ka. Like… anong meron sa utak mo at sinaktan mo ang kapatid ko?" tanong ni Athena nagkatinginan naman ang mga ito. "A-ano bang sinasabi mo—" natigilan sa sasabihin si Drex at muling napasigaw ang mga ito na parang hindi mga lalaki na nag siksikan. Ibinaon ni Athena ang bat sa mesa—nag-crack ang surface. Nagtalsikan ang mga bola, kung simple lang itong babae at mahina ang grip hindi mag ka-crack basta-basta ang mesa. Malinaw lang na buto ang mababali sa mga ito kapag lumaban. "Masama ang pandinig ko pag umaga," singhal ni Athena saka ngumisi na parang nakakaloko na tumingin sa mga ito habang ibinalik sa balikat ang baseball bat. "Wanna try that again?" tanong ni Athena na muling inihagis-hagis ang hawak na bola. "Kapatid ka ni Kenneth?" "Ding! Ding! Ding! May tama ka!" parang baliw na wika ni Athena. "Hindi ko siya sinaktan! Akala lang namin... —" Pasinghap naman si Drex na umawang ang bibig na sa bilis ng pang-yayari hindi na dila naka-iwas at napatingin na lang sa likuran. Hinagis ni Athena ang billiard ball sa wall, malapit sa tainga ng isang barkada at sa sobrang lakas nahukay ang pader na semento at nasira ang bola ng billiard. "Tingin mo okay lang sa akin ‘yung ‘akala lang namin’?!" bulyaw niya na ni Athena. "Na pumutok ang noo ng kapatid ko and I’m just gonna sip my coffee and say, ‘oh well, boys will be boys’?" Yung isang tropa ni Drex, nanginginig na. "Siya ang unang nang headbutt sa akin, hindi ko kasalanan na—." muling napasigaw ang mga ito ng gamitin ni Athena ang baseball bat para tiragin ang cue ball na muling tumama sa pader. Nayupi ang bat na dala ni Athena pero agad na muling kumuha ng bola si Athena sa bag na dala at muling itinira at tumama iyon sa hita ni Drex. "AARRGH!" sigaw pa ni Drex na bumagsak sa sahig na sumisigaw sa sakit na sapo-sapo ang hita. "Rule number one." Lumapit si Athena, inch by inch, habang pinapaikot ang bat sa kamay niya. "Never. EVER. Lay a hand on a girl. Lalo na kung mas matalino pa siya sa buong lahi n’yo." ani Athena na hinila sa damit si Drex na isinandal sa pader na nanlilisik ang mata. "Tumawag kayo ng pulis bilis!" Sigaw pa ni Drex pero bago pa maka dukot ang mga ito ng cellphone isa-isang hinampas ni Athena ng bat ang mga ito sa sikmura pero hindi naman ganun kalakas sapat na para mahirapan ang mga itong huminga sa sandaling oras. "Papatawag ka ng pulis? Go ahead! Pulis?" sigaw pa ni Athena na tumatawa pero huminto sa pag tawa at malamig na tumingin kay Drex. "Honey. Pulis are too kind." wikani Athena sabay taas ng bat at inilagay sa balikat ni Drex. "Kung tutuusin kayo pa dapat ang dapat kong ipapulis at press chareges pero I'm not gonna do it, I’m here to press bones." Biglang may isa nag lakas ng loob na hampasin siya ng taco sa ulo ng bahagyang ikinayuko ni Athena at nabali ang taco. Awang naman ang bibig ng lahat habang nakatingin sa lalaking humampas sa ulo niya. Takot na takot naman napatakbo ito pero mabilis na nakuha ni Athena ang bola na dilaw ng billiard gamit ang paa lang niya sabay walang ano-ano na binato sa lalaking tumatakbo na sapol sa ulo at bumagsak sa sahig na walang malay. Sa pag-aakala ni Drex na nawala siya sa focus mabilis nitong nahila ang bat pero kulang ang lakas nito para maagaw nito ang bat kaya tinawanan lang ni Athena at napikon ng pinag bibira ang mga ito na sinubukan pang lumaban at iligtas ang mga sarili. Lahat nagtakbuhan, nagsisigaw. May isa pang umihi na sa pantalon—literally sa sobrang takot. Hindi man lang napagod si Athena ng bumagsak ang 7 lalaki na pare-parehas ng umuungol sa sakit. Tumingin ulit si Athena kay Drex, lumuhod siya sa tabi nito at inilapit ang mukha sa mukha nito close. After niyang hilahin ang damit nito para itaas ng bahagya. "Tell your daddy I said hi. And if I hear one more whisper about Kenneth from your stupid mouths…" She smiled sweetly. "I’ll use your balls as next week’s billiard set." ani Athena sabay tayo at kinuha ang bag at muling isinukbit sa isang balikat. "Wala kayong kuwentang kalaro, hay! Masyado na talaga akong malakas sa mundo ng mga tao. Ang boring? Asan kaya si Pekto, mapitik naman sa itlog." bulong pa ni Athena na nagsimula ng humakbang paalis habang sumisipol na nilingon pa ang mga lalaking naka gulong pa din sa sahig. Napatingin naman siya sa rilo ng makita na may natawag sa kanya si Dean na ikinataas ng sulok ng labi niya sabay cancel ng call at tuluyan ng umalis. Pero nasa sasakyan na siya ng muling tumawag ulit si Dean na sinagot na niya para wag na itong mangulit. "Asan ka?" "Sa puso mo." sagot na lang niya rito sabay ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD