Kabado si Kenneth hindi niya alam kung tama ba itong gagawin niya, alam niyang wala ng sense kung kakausapin pa niya si Miggy tungkol sa nakaraan pero gusto niyang marinig sa mismong bibig nito ang totoo sana naman this time mag salita na ito. Ilang araw na siyang hindi makatulog sa kakaisip. Mas okay pa sa kanya noon galit siya kay Miggy, bago ipikit ang mata iisipin niya ang guwapong mukha ni Miggy then isusumpa lang niya ito na sana hindi makatulog or kaya bangungutin or wag na itong magising. Ganun siya nabuhay sa loob ng maraming tao. Then all of a sudden malalaman nya ang totoo, nakakaloka lang mag-isip kaya gusto na niyang tapusin at tuldukan lahat for once. Masaya na siya ngayon sa piling ni Luke pero nakakulong pa rin siya sa nakaraan kaya hindi pa niya maibigay ang

