What? Love mo si Kuya Joshua? Singit ng batang Lexus na nuon ay nasa loob na rin pala ng silid.
Oo bakit, papakasalan ko siya paglaki ko. Kumpyansang sagot ng batang Lyza.
Akala ko pa naman ikaw ang magiging wife ko.
Ha, bakit ako? Di ba si Michelle ang crush mo?
Dati yon pero ikaw kasi lagi kang nabango eh. Sabi ni Lexus.
Nako mga batang ito, mga bata pa kayo para pag-usapan yan. Saway ni tatay.
Lolo dito na po ba sila titira? Tanong ni Lexus.
Oo apo. Sagot ng don.
Yehey yehey... sigaw at talon ng dalawang bata.
Bakit ang iingay nyo? Tanong ni Alexis ang ama ni Lexus.
Kasi papa dito na po titira sina Lyza.
Ah nasabi nyo na po pala pa. Sagot ni Lexus. Mainam nga yon Armando, Maria kasi ang layo nyo sa halip na magpapahinga ka na babyahe ka pa. Nakangiting sabi ni Alexis.
Tito, ito pong mga medal ko.
Wow ang dami ah. Very good ka. Anong gusto mong gift?
May gift po ako?
Oo ba. Sama nyo na lang po kami sa bayan pag nagdeliver po kayo. Magtitinda po kami ni Lexus.
Ok sige pag wala kayong pasok.
Yehey... Sabi mo po yan tito ha.
Magmeryenda muna tayo. Singit ng lola Alicia.
Darating po ba ang mga kuya bukas? Tanong ni Tito Alexis.
Oo kasi bukas ay pag-uusapan na natin ng mga kuya mo ang expansion at malamang maging busy tayo sa mga susunod na araw. Kawawa naman itong apo ko kung nasa bukid mamalagi.
Yumakap si Lyza sa binti ng matandang don at niyakap din naman sya nito. Totoong lolo at lola ang turing niya sa mga ito dahil wala naman siyang kinagisnang mga ninuno dahil si nanay at taga Bicol at ni minsan ay hinde pa kami nauwi dun. Si tatay naman ay wala ng mga magulang at ang mga Natividad na din ang itinuturing nitong mga magulang.
Kinabukasan ay maagang umalis si Nanay kasama si manang Ibyang sa bayan para sa mga gagamitin sa putahing lulutuin sa tanghalian. Si Mang Paeng ang kasama, isa sa mga driver ng pamilya.
Sa panahong ito ay wala pang 50 years old ang don at donya. Bata pa sila kung tutuusin dahil wala pa din namang 30 si Tito Ariel, siguro 29 pa lang kasi si Josh ay 9 matanda lang sakin ng 3 taon. Si tita Jana ang kanyang asawa at si Janica na nuon ay 7 years old naman.
Si Tito Arthur ay nasa 27 at mayroong tatlong anak, dalawang lalaki at isang babae na Sina Albert, Robert at Bridgette. Si Tita Lea naman ang kanyang asawa.
Nasa 25 naman si tito Alexis, ang mga anak ay sina Lexus na kaedad ni Lyza at ang kapatid nitong si Alexander ay tatlong taon. Si Tita Gina naman ang kanyang asawa.
Maagang nagsipag-asawa ang magkakapatid. Ganoon daw kasi nung araw, kapag nkagraduate na sa kolehiyo at nagsisipag-asawa na. Yung ngang iba high school pa lang. Ang tatlong anak ng mga Natividad ay puro professional at sadyang matatalino, maaring dahil mga bata pa lang sila ay nahubog na ng ama sa negosyo.
Silang tatlo ang katulong ng ama sa pagpapatakbo ng hacienda at ng kumpanya.
Bago mag alas dose ay tapos na ang mga inay sa pagluluto at di rin nagtagal ay dumating na sila Joshua, Josh kung tawagin namin.
Ako naman ay alas onse pa lang ay nakaligo na. Maganda ang kwartong ibinigay sa amin, may sariling banyo sa loob, malapit sa kusina.
Inip na inip ako sa pagdating ng aking crush.
Kuya Josh, sigaw ni Lexus.
Halos kasabay lang din dumating sina Tito Arthur.
Kuya Albert... Sigaw naman ni Alexander.
Masayang masaya ang mga bata na nagyayakapan dahil hinde naman halos sila nagkikita.
Si Josh ang panganay na apo sa edad na 9.
Kasunod si
Albert 8
Jana 7
Lexus 6
Lyza 6
Robert 6
Bridgette 4
Alexander 3
Si tito Arthur ay malapit sa kabayanan ang bahay dahil dun madalas dinadala ang supply ng mga kinakatay na hayop.
Nasan si Lyza, kulang tayo? Tanong ni Josh.
Si Lyza naman ay nakatago sa isang sulok at nagmamasid dahil alam naman nyang hinde sya tunay na kapamilya ng mga ito.
Tito Armando, nasaan po si Lyza, tanong ni Josh.
Nandyan lang kanina at hinihintay nga kayong dumating.
Ah nasan napo kaya?
Baka tintulungan ang nanay nya sa kusina. Sagot ng Itay.
Sa nadinig ay nagmamadali syang tumakbo sa likod at pinuntahan ang ina.
Lyza, were here, bakit wala ka sa labas? Tanong ni Josh.
Ah kasi tinutulungan ko si Nanay.
Naku anak dun ka na at baka pawisan ka pa rito. Pagtataboy ng ina.
Mga bata magpicture muna tayo at baka pawisan na kayo kakalaro.
Nagset up ang tita Lea, asawa ni Tito Arthur ng mga upuan sa harap ng bahay para sa picture taking.
Nasa gitna ang dalawang matanda at katabi ng mga anak ang kanilang asawa at mga apo. Pagkakuha ng dalawang shot ay ipinatawag ang Nanay at Tatay sa labas kasama ako para sa picture. Para kaming isang buong masayang pamilya.
Sumunod ay ang mga apo naman.
Wait lang, kulang tayo, bakit wala si Lyza, tanong ni Josh.
Oo nga sang-ayon ng iba.
Apo halika dito, nakangiting tawag ni Lola Alicia. Kandong nito si Bridgette at kandong naman ng don si Alexander.
Halika apo tumabi ka dito sakin.
Tinabihan naman sya ni Josh at inakbayan kasama si Jana.
Si Lexus naman ay nasa kabilang bahagi at matamang nakatingin sa pagkaka akbay ni Josh.
Mga bata dito lahat tumingin sabi ng taga kuha ng litrato. Lexus dito ka muna tumingin.
Pagkapicture ay sabay sabay na silang kumain.
Lyza, upo ka na dito yaya ni Josh.
Ok sige. Jana halika tabi na tayo. Aya nya kaso lang ay naunahan na ito ni Lexus na umupo naman sa kaliwang side nya at si Josh ay sa kanan ni Lyza.
Sige dito na lang ako sa tabi ni Kuya kasi nauna na si Lexus eh.
Pagkatapos kumain ay nagsimula na ang takbuhan at halos sa panahong iyon ay hinde umaalis si Josh sa kanyang tabi.
Every summer ay ganito ang sitwasyon sa mansion. Masaya, magulo, maingay ngunit hinde nagrereklamo ang matatanda dahil sadyang mahilig sila sa bata.
Josh, thanks ha, kasi lagi mo ko sinesave sa laro eh. Sabi ni Lyza.
Ano ka ba okey lang yon, ikaw pa eh love kita.
Sa murang isip ay dito na nagsimulang tumibok ang batang puso ni Lyza para kay Josh.