Paalis na ang bus at puno na, kasabay ng mahabang byahe ay ang paggunita ni Lyza sa kanyang pinagmulan.
Ako si Annaliza Fernandez, o mas kilala sa tawag na Lyza ay lehitimong mamamayan ng Natividad. 23 years old, ulila sa mga magulang na namatay nuong ako ay sampung taong gulang pa lamang. Anak nina Armando at Maria Fernandez.
Naiwan ako sa pangangalaga ni Lola Alicia dahil ang Nanay ay kinukuhang taga luto ng pamilya kaya pinatira na kami sa mansion. Si tatay naman ay kanang kamay ni Don Martin.
Anak halika ka na lilinisan na kita at parating na siguro ang iyong ama, sa mansyon na tayo matutulog, dahil bukas ay may salo salo ang pamilya at pinakiusapan nila ang ama mo na papuntahin tayo dahil ako ang magluluto duon.
Nanay, ako na lang po, kaya ko na kasi malaki na po ako.
Naku talaga ba anak. Malaki na ang baby ko.
Nanay di na po ako baby, mag 7 years old na ako. Grade 1 napo ako sa pasukan.
Ay oo nga pala.
Sige po maghahanda na po ako. Nakangiting sagot ni Lyza sa ina.
Sige anak at ako na ang maghahanda ng mga damit na ating babaunin.
Kumuha na ako ng twalya at nagsimula ng maligo, ang lamig ng tubig kaya nagmadali lang ako, isa pa ay parang dumating na ang tatay. Ang nanay naman ay magbibihis na lang dahil nakaligo na kanina.
Anak, dalian mo at baka lamigin ka at sipunin. Sabi ng Itay.
Tatay, tawag ko dito sabay mano at yakap. San po tayo sasakay?
Mahal, bakit hinayaan mo maligo mag-isa ang bata baka madulas sa banyo. Tanong ni Mang Armando sa asawang si Maria.
Malaki na po ako tay, kaya ko napo pati ang magbihis mag-isa..
Naku nagdadalaga na yata ang prinsesa ko. Nagsabon ka bang mabuti baka mamaya amoy pawis ka pa din. Biro ng ama.
Panigurado ko na naglinis yang mabuti kasi ay darating sina Joshua bukas. Dugtong ng ina.
Anak kahit hinde ka na magpaganda, papansinin ka ng kaibigan mong yon dahil likas kang maganda.
Si nanay at tatay naman nang-aasar.
Alam naman naming crush mo yon. Pero anak bata ka pa ha, magtapos ka muna ng pag-aaral. Payo ng ama.
Ay oo nga pala po, yung medal ko.
Nakakunot ang mag-asawa habang pinagmamasdan ang nag-iisang anak.
Ipapakita ko po ito sa lola Alicia at lolo Martin kasi po nangako silang bibigyan ako ng reward kapag nahonor ako.
Sya nga ba anak?
Opo tay tsaka ipagmamayabang ko din ito kay Janica. Dalawa kami ni Lexus na meron nito alam kong ipapakita nya yun kay Joshua at Janica kaya dadalin ko din po ito. Mahabang paliwanag ng batang Lyza.
Bakasyon na kasi at ang magkapatid na Josh ay siguradong sa hacienda ng pamilya magbabakasyon dahil ganon naman taon taon.
Sakay ng owner type jeep ay bumiyahe na kami papunta sa mansyon ng mga Natividad. Ang tatay kasi ay magaling magmaneho. Minsan ay siya din ang nagluluwas ng ibang produkto sa lungsod kapag hinde kumasya sa truck na pangdeliver.
Oh Maria, dumating na pala kayo? Bati ni Donya Alicia sa amin.
Lola, tumatakbong lapit ko sa matanda.
Naku ang apo kong maganda nandito na. May sorpresa kami sayo.
Ako din po lola, nasan po ang lolo?
Oh iha nandito na ang lolo.
Ayan, kumpleto na, may surpresa po ako... Masayang sabi ni Lyza sa matatanda.
Sya nga ba apo? Tanong ni Dona Alicia.
Opo ito oh, sabay labas ng kanyang mga medalya. Tatlong medalya po kasi ang nakuha ko.
Wow apo ang dami, masayang bati ni Lola Alicia.
Si Lexus din po madami din. Nakadalawa po siya.
Si Lexus ay apo ng Natividad, anak ng tito Alexis na kaeskwela at kaibigan ko.
Kaya nga may supresa kami sayo! Singit ng abuela.
Talaga po ano po yon? Excited na tanong ng bata.
Naku anak, wag mo kaya muna sila kulitin at baka gusto nilang magpahinga. Sabi ng nanay.
Maria, wag mo kami intindihin at masayang masaya kami pag nandito ang batang ito. Saway naman ng Donya.
Lola tara na po at hinde pinansin ang sinabi ng ina dahil sa excitement.
Halika na nga ipakita na natin. Aya ng don sa esposa.
Pikit ka muna apo at aalalayan ka namin. Halika kayo Maria, Armando. Tawag nito sa mga magulang nya.
Sige sige po.
Open your eyes! Sabi ng lolo.
Wow may doll po ako? Ang laki, ang ganda. Thank you po lola, lolo, I love you po.
Naku ang apo naming maganda, your welcome. Mahal ka din namin ng lola mo. Sabi ni Don Martin.
Masayang masaya ako sa manikang nakapatong sa kama.
Nagustuhan mo ba ang kwarto iha?.
Opo lola ang laki ng kama.
Talaga nagustuhan mo?
Mabuti naman kasi dito na kayo sa titira ng mga nanay mo. Sabi ng Don.
Po? Nagtatakang tanong ko.
Ano po yon Don Manuel? Sabi ng kanyang tatay.
Aba at nabibingi ka na pala Armando. Hinde mo ba nadinig ang sinabi ko?
Ang ibig ko po sabihin bakit po?
Ano bang bakit eh parang anak na kita? Ang layo ng bahay ninyo at walang kasama ang mag-ina mo kapag minsan ay ginagabi tayo sa daan at sa mga panahong hinde ka makakauwi.
Yehey... Masayang palakpak ko.
Naku Dona Alicia, salamat po. Wag po kayong mag-alala at tutulong ako dito sa bahay.
Naku Maria ikaw na lang ang cook dito at papasahurin kita.
Naku wag na po.
Ano bang wag na eh mahirap magluto. Nakangiting sagot ni Dona Alicia.
Isa pa makakasabay na ang maganda kong apo sa pagpasok ni Lexus at di na sila magalalakad ng malayo.
Eh lola sanay naman po ako maglakad kasi exercise ko po yon. Tsaka kahit po pagod ako masipag ako mag-aral.
Ay talaga naman nga kaya gustong gustong kitang bata ka. Paglaki mo isa na lang sa mga apo ko ang pakasalan mo ha parang maging tunay kitang apo.
Opo papakasalan ko po si Josh. Gusto po sa kanya ako magpapakasal paglaki ko. Excited na sabi ni Lyza na ikinagulat ng lahat lalo na ng mag-asawang Natividad.