Lyza's POV ------
Mahigit isang oras ang inubos ni Lyza sa pag-eempake hinde dahil sa dami ng kanyang dadalin kundi sa kakaiyak. Kahit paano ay patuloy na umaasang babalik ang asawa at pipigilan siya pero alam niyang hinde mangyayari yon at posibleng sinundan nito ang babae nya para aluin dahil sa ginawa niyang pananakit dito kanina.
Hinde naman niya ito gustong saktan. Hinde nga ba? Tanong nya sa sarili dahil kanina pa siya nagtitimpi dito at gusto nyang ingudngod ang mukha nito sa buong subdivision. Kung di nga lang siya buntis at malamang na hinde siya magpapaawat kay Josh. Inalala lang din nyang baka gumanti ito at tamaan ang kanyang tiyan at maapektuhan ang batang nasa sinapupunan.
Alas dos ng hapon ng dumating ang grab na ibinook nya na maghahatid sa kanya sa istasyon ng Five Star bus sa Cubao.
Wala naman siyang uuwian kundi sa Guimba, Nueva Ecija sa Natividad kung saan sya nagmula.
Halos kalahating oras din ang inabot ng byahe pa Cubao. Sakto at may papaalis ng bus pagdating nya.
Miss para sa senior po ang harapan. Sabi ng kundoktor.
Ah kuya buntis po ako, hinde po ako pwedeng maupo sa likod dahil matagtag po. Pwede po ba ako dito sa may gawing unahan?
Ah sir, baka po pwedeng palipat po sa likod kasi buntis po ang uupo. Pakiusap ng kundoktor sa lalaking nakaupo sa pangalawang hilera.
Ah sige miss dito ka na, sayang akala ko dalaga ka pa ang ganda mo pa naman. Komento ng pasaherong lumipat.
Ngumiti na lang sya sa sinabi ng lalaki at nagpasalamat sa pagbibigay ng upuan.
Ma'am ibaba ko nalang itong maleta mo. Ang laki kasi hinde ito pwede dito at baka makasagabal sa mga sasakay. Sa compartment ko na lang ilalagay ha.
Sige po kuya.
Malaki kasi ang maletang dala nya at may kasama pang isang travelling bag na pwede naman nyang kandungin.
Mula sa bus station ay nasa limang oras nalang naman ang byahe dahil sa SCTEX, lalabas sila sa bayan ng La Paz sa tarlac papuntang Guimba.
Pinili nya ring magsuot ng pajama, maluwag na shirt, rubber shoes at jacket dahil baka malamig dun pagdating niya dahil siguradong hahapunin na siya sa byahe at kung matrapik trapik pa ay malamang gabihin na siya.
San po kayo?
Ah sa Natividad ako kuya.
Natividad? Gagabihin ka na papasok dun sana inagahan mo dahil baka wala kang abutang byahe ng jeep pero meron namang iilang tricycle na pumapasok dun. Swertihan nga lang.
Eh biglaan kasi ang uwi ko dun Kuya.
Sakaling gabihin ka, dun ka muna maghintay sa babaan ng bus dun, mayroon ng malapit na Inn don. Or tawagan mo ang susundo sayo.
Salamat po kuya. Sabi ni Lyza pagkaabot ng bayad sa kundoktor.
Ang bayan kasi ng Natividad ay hinde madaling puntahan dahil ito ay tagong lupain malapit sa bundok. Pangkaraniwan ang habal habal at may oras ang byahe ang jeep. Nuong araw ay hinde uso ang tricycle sa lugar. Ngunit hinde masasabing mahirap ang mga tao dun. Sagana ito sa pagkain kaya naman halos ang mga tao dun ay hinde ngpupunta ng kapitolyo para mamili. Maraming gulay sa paligid at madaming mga alagang hayop na pwedeng katayin at iulam.
Ang Natividad ay mayroong dalawang daang at limampung (250) ekatarya, ang dalawang daan (200) ektarya ng lupa ay nanatili sa pamilya nila Josh na binubuo ng taniman ng palay, mais, iba’t ibang gulay at prutas tulad ng monggo, sitaw, talong, okra, kalabasa, pakwan, melon at marami pang iba, Mayron ding ilog na sagana sa tulya at isda, batis na napakalinis, kapirasong bahagi ng bundok, may mga lugar kung saan may mga alagang hayop tulad ng baka, kambing, baboy, kalabaw, ilang kabayo, tupa, mga manok at may fishpond dn na sagana sa ani ng tilapia, bangus, hito, burasi at hipon. Ang natitirang limapung (50) ektarya ay pag-aari ng mga manggagawa na pinamahagi ng Don.
Ang buhay doon ay tahimik, payapa at sagana. Mayroon ding isandang (100) pamilya na nangangasiwa ng buong lugar. Nakapagpatayo na din ang mga Natividad ng elementary school ngunit sa high school at college ay kinakailangan ng bumiyahe sa kabayanan.
Ang Natividad ay galing sa ninuno ng Pamilya Natividad na ngayon ay pinapamunuan nina Don Martin Natividad at Donya Alicia Narividad. Ayon sa kwento madami din daw kastilang nanirahan sa Guimba nung araw kaya ang mag-asawa ay may lahing Kastila, mga mestizo at mestiza, matatangos ang ilong at makikinis ang kutis na namumula kapag natamaan ng sikat ng araw.
Biniyayaan sila ng tatlong supling na lalaki, sina Ariel, Arthur at Alexis. Si papa Ariel ang panganay at ama ni Josh. Pinamamahalaan nya ang business sa Manila, kung saan dinadala ang mga handicraft na gawa sa nayon ganon din ang mga agricultural products na iniluluwas sa lungsod, binebenta locally at iniimport sa ibang bansa.
Si Tito Arthur naman ang pangalawa na nangangasiwa sa mga produkto mula sa mga alagang hayop sa probinsya.
At si Tito Alexis naman ang nangangasiwa sa mga produktong may kinalaman sa halaman at puno kasama ang mga gulay na kailangang iluwas na ititinda sa merkado.
Walang nagrereklamo sa pamumuno ng pamilya dahil lahat naman sila ay marunong makipag kapwa tao.
Mahal na mahal sila ng mga tao kaya ng mamatay si Don Martin ay halos lahat ay umiiyak at nanghihinayang sa kanyang pagkawala. Inatake kasi ito marahil na din sa araw araw na pagod at puyat sa pag-aasikaso ng buong negosyo dalawang taon na ang nakakaraan.
Natatandaan kong umuwi kami nuon at halos dalawang araw ako umiiyak dahil hinde ko man lang ito nakausap bago mamatay. Sobrang bait nito sakin at di man lang ako nakapagpasalamat. Ni minsan ay hinde ako itinuring nitong iba lalo ng maulila ako. Katabi ko pa sila matulog dahil sa pangungulila ko.
Mahal na mahal ko ang matatandang Natividad na tumayong magulang ng mawala ang Inay at Itay.
Alam kong labis na malulungkot ang lola sa aking pagdating dahil alam kong alam nya ang dahilan ng aking biglaan pagdating. Ngunit hinde pa nya pwedeng malamang buntis ako at maghihiwalay na kami ni Josh dahil sasama ang loob nito. Ayaw nyang mangyari yon dahil mahal na mahal nya ang abuela.