MOIRA: KABADO akong bumaba ng taxi na sinakyan namin ni Mikmik sa biglaang pagpapauwi sa akin ni Nanay sa text message nito. Hindi naman sinabi kung bakit basta ang sabi ay umuwi na kami ni Mikmik dahil may importante kaming pag-uusapang pamilya. Pilit kong kinakalma ang puso kong sobrang bilis ng pagtibok! "Nay, Tay--" Natigilan ako pagpasok na makitang nasa sala na ang mga maleta namin at mga gamit na nakabalot. Nagtataka akong dahan-dahang lumapit kina Nanay, Tatay at Marlon na nandidito sa sala at. . . namumugto ang mga mata. "A-Ano pong nangyari?" takang tanong ko. Si Nanay ang unang tumayo na mahigpit kaming niyakap ni Mikmik at napahagulhol sa balikat kong ikinanigas ko. "Tama na 'yan, Mila. Nand'yan na ang nirentahan kong masasakyan natin pabalik ng probinsya." Napalingon

