AKHIRO: PALAKAD-LAKAD akong napapahimas ng baba habang hinihintay ang report ni Dos na pinsan ko. Siya lang naman ang ginulo ko na pinaki-usapang hanapin ang kutonglupa kong nagtago. "Fvck!!" Halos madapa ako nang takbuhin ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa ko na tumunog ito. Parang lalabas ang puso ko sa ribcage nito ng mag-appear sa screen ang picture at pangalan ni Dos na siyang caller! "Hello, Dos?!" "Tiaong, Quezon, Province, Kuya." Bungad agad nito na ang tinutukoy ay ang kinaroroonan nila Moi! Nangilid ang luha ko at parang nabunutan ng tinik na ngayo'y alam ko na ang kinaroroonan ng mag-ina ko at pamilya nito. Bahala na. Magtatapat ako sa kanila at handang harapin ano man ang iparusa nila sa akin. Susuyuin ko silang pamilya hanggang mapatawad nila ako at matanggap mu

