MOIRA:
MAAGA pa lang ay pumasok na ako ng trabaho dahil ayo'ko ng ma-late muli. Tama na ang minsang nakaligtas akong na-late ako pero swerteng late din ang boss ko.
Pag-upo ko pa lang sa swivel chair ko dito sa table kong katapat ng pinto ng opisina ni boss arrogant ay tumunog na ang intercom ko.
"Ms De Guzman, prepared my coffee."
Namilog ang mga mata kong nandidito na ito ng ganto kaaga! Taranta akong tumayo at kumatok muna ng pinto nito bago pinihit ang doorknob at pumasok. Tumuloy na ako ng pantry nito at napasapo ng noo na maalalang hindi ko nga pala alam kung anong uri ng kape ang gusto nito.
"Bahala na."
Nagtimpla ako ng caramel coffee at maingat dinala sa kinaroroonan nito. As usual, nakabusangot at salubong na naman ang mga kilay nitong naka-focus sa mga papeles na binabasa. Tss. Hindi ba nangangawit ang mga kilay niyang lagi na lang salubong?
"Good morning, Sir. Kape niyo po."
Maingat kong inilapag sa harap nito ang kapeng gawa ko at piping nagdarasal na magustuhan nito. Napapikit ako ng isang mata nang damputin na nito iyon at tinikman na . . . ibinuga!
Napapitlag at napaatras ako nang samaan ako nito ng tingin at halos magdugtong na ang pagkakasalubong ng mga kilay!
"Kape ba ang tawag mo dito!?" bulyaw nito.
Pabalang nitong itinulak ang mug kaya tumapon ang laman at naibuhos sa mga papeles na nasa lamesa nito.
"s**t!" napatayo itong nagpahid ng tissue sa kamay nitong nabasa konti ng kape.
"What are you waiting for?! Clean up this mess!!" singhal pa nito.
Taranta kong dinampot ang mga nabasang papeles at pinunasan ang glass table nito. Nagpamewang pa ito na masama ang tingin sa akin eh siya naman itong nagdabog at tinabig ang baso kaya natapon ang kape! Parang bata! Bwiset na tukmol.
"Sorry po, Sir." Paumanhin ko na lamang at isinilid sa trashbin nito ang mga papeles.
Naupo na itong muli na napapahilot ng sentido. Ano bang problema nito at kay aga-agang nagsusungit? Kaloka. Dinaig niya pa ang binabaeng problemadong hindi nireregla.
"Black coffee, no sugar." Saad nitong kaagad kong ikinatango at yuko.
Muli akong nagtungo ng pantry nito at iginawa ng black coffee niya. Napakaarte. Lawayan ko kaya ang kape nito.
"Here, Sir."
Malapad ang ngiting ginawad ko para mahawaan ito ng positive vibes ko na ikinataas lang ng kilay kaya napalis ang ngiti ko. Muli nitong tinikman ang ginawa ko at . . . pabalang ibinagsak muli ang mug sa lamesa kaya natapon ang halos kalahati noon.
"What kind of coffee is this, huh?! Damn! Kape lang, hindi mo matimpla ng maayos?! Nasaan ang utak mo!?"
Napapikit ako sa muling bulyaw nito na napatayo pa at hampas ng mesa!
"Sorry po, ulitin ko na lang po, Sir." Aniko na muling nilinis ang table nito bago dinala ang baso sa lababo at ginawan muli ng black coffee nito.
Pikit ang mata ko ng muli nitong tinikman ang gawa ko.
"Fvck! Ang pait ng timpla mo!" bulyaw nitong muli at tinabig ang basong muling natapon.
Napatikom ako ng bibig at hindi na sumagot pa. Muli kong nilinis ang lamesa at gumawang muli pero inabot na ako ng isang oras na pabalik-balik na ginagawan ito ng kape na hindi naman nito nagugustuhan!
Natambakan na ako ng mga basong huhugasan ay 'di pa rin nito nagugustuhan ang gawa ko. Ano bang gusto nitong lasa ng kape niya eh black coffee at no sugar ang gusto?!
Napipikon na ako sa kaartehan nito na padabog pa naman at mukhang sinasadyang pahirapan akong kay aga-aga!
"Enough! You're useless!" singhal pa nitong akmang igagawan kong muli ng kape sa ika 30 times na hindi pa rin nagugustuhan!
Napatungo akong nagtungo ng kitchen at naghugas ng mga basong nagamit ko. Napailing na lamang ako habang naghuhugas. Tahimik akong lumabas na hindi na ito muling binalingan.
Napahilamos ako ng palad sa mukha. Ang bigat ng dibdib kong nakarinig ng masasakit na salita mula dito. Si Sir Andrei na nakasanayan ko ay ni minsan hindi ako minura non o pinagtaasan ng boses sa loob ng dalawang taon kong pagtatrabaho sa kanya.
Sana hindi na lang niya ako nilipat sa antipatikong Akhiro Montereal na 'to! Bwiset siya! Ako pa ang walang utak at walang kwenta eh siya itong pagkaarte-arte sa pinagawang kape. Nagngingitngit talaga ang loob ko sa tukmol na 'yon. Ang sarap kalmutin ang lintek!
MAGTATANGHALIAN na ng muling tumunog ang intercom na ikinaangat ng mukha ko mula sa pagkakasubsob sa harapan ng computer ko.
"Ms De Guzman, prepared our lunch for two."
Napaismid na lamang akong tumayo at pinanggigilang sinuntok-suntok ng mahihina ang intercom na iniisip na mukha ng pesteng Akhiro na 'yon.
"May araw ka rin sa akin tukmol ka!" inis kong saad at dinampot na sa wallet ko ang black card na bigay nito.
Pagka-order ko ng lunch box nitong pangdalawahang tao ay mabilis din akong bumalik ng opisina. Gutom na rin ako at mag-aalasdose na. Nakaligtaan ko tuloy magmeryenda sa dami ng trabaho kong ipinaulit nitong pina-print sa akin ang mga pinass kong report at mga proposal ng mga bagong investors nito na tinapunan niya ng kape. Ang sarap niyang tirisin. Nakakagigil.
Napahinga akong malalim sa pagkakahingal ko bago kumatok na muna ako ng tatlong beses sa pinto nito.
"Come-in."
Pinihit ko na ang pinto at nabungarang may magandang dilag itong kasa-kasama sa kanyang mesa na nakadekwatro pa.
Napakaganda niya at kapareho ng amo kong chinita din ito at kulay abo ang mga mata. Para lang siyang buhay na barbie doll lalo na't unat ang mahaba at nakalugay nitong buhok na kulay blonde at napakagalante ng baby pink nitong sleeveless dress na hapit sa slim at balingkinitang katawan. Labas ang mahaba at makinis nitong mga hita at maging ang malulusog nitong cleavage na lalong ikinalakas ng datingan niya.
Tumuloy na ako ng kitchen at inihain ang tanghalian nila. Tumayo na rin ang mga itong magkayakap pang nagtungo ditong ikinayuko ko sa gilid at naghihintay ng utos ng boss kong tukmol.
"Akhie, can't you hang-out with us tonight?" malambing tanong nito kay boss tukmol na ipinaghila pa siya ng silya.
Aba't may tinatago din palang sweetness ang tukmol. Napatango-tango akong napapaismid na lamang sa hangin.
"I'm sorry, sweetie. I can't. Marami akong trabaho," malambing sagot nitong ikinataas ng kilay ko.
"Marunong naman pa lang palambingin ang tono pero binubulya-bulyawan akong akala mo nama'y napakalaki ng atraso ko," sa isip-isip ko.
Pinaglagyan niya pa ito sa plato ng kanin at ulam, tsk. Hindi halatang may sungay ang tukmol!
"Puro ka na lang trabaho, look oh. Isang linggo lang kami ni Sofi dito," reklamo pa ng dalagang girlfriend siguro nito.
"Sige na, hmm . . . I'll fetch you at 6 pm here, huh?" paglalambing pa nito.
"Fine. Kung 'di lang kita mahal eh."
Para namang kinurot ang puso ko sa narinig at nakumpirmang girlfriend nito ang kasama. Mukha ngang mahal na mahal niya ang babaeng supistikadang 'to at hindi nagsusungit kundi. . . napakalambing niya na panay din ang ngiti at asikaso, tsk.
Ang sarap sanang ibisto sa girlfriend niya na bait-baitan lang siya dahil ang totoo ay arogante ito at mainitin ang ulong panay ang bulyaw sa amin. Makabawi-bawi manlang ako sa pagsusungit nito at pagpapahirap sa akin lintek na 'to!
'Di bale na nga. Malalaman din ng babaeng kaharap nito ang totoong ugali nito at malamang ay tatakbuhan ito sa sama ng ugali.
Matapos nilang kumain ay inalalayan pa niya itong nagtungo ng sala at pinagtimpla ako ng tsaa nila. Nakayakap naman ito sa tagiliran nito na hinahayaan lang ng tukmol kong boss. Nakaakbay din naman ito sa dalaga na hinahaplos-haplos sa ulo. Ang sweet at perfect couple nilang pagmasdan.
"Where's Di?" anito na napakalas na ng yakap sa tukmol na nagawa pang ngisian ako.
Ano na naman bang problema nito? 'Di pa ako palabasin eh nag-aalboroto na ang mga bituka kong kanina pa walang ginigiling!
"She resigned. She's getting married next month. So, I let her go and besides. . . she's already pregnant. I have no choice but to find someone who can replace her position," sagot nito sa malambing tonong ikinaismid ko.
"Hmm. . . I see, so? She's your new secretary?" usisa pa nitong ikinatango-tango ni boss tukmol.
'Di ko mapigilang pamulaan ng gawaran ako nito ng mapanuring tingin mula sa black stilleto ko, maroon pencil skirt at black 3fort blouse ko hanggang sa nakapusod pataas ng bunbunan kong buhok at may ilang hihiblang nakatabing sa kabilang gilid ng kilay ko.
"Nice. She's cute, huh?" komento nito na binalingan ang katabing ngingisi-ngisi lang sa akin.
"Yeah, like a pet."
Namilog ang mga mata kong sinamaan ito ng tingin na tinaasan lang ako ng kilay at nilingon ang kasamang masama din ang tingin sa kanya.
Inirapan niya naman ang boss kong tukmol na nangingiti lang at mariing humalik sa noo nitong ikina-iwas tingin ko. Parang muling kinurot ang puso kong makitang hinalikan niya ito sa noo.
"Ang bad nito, kainis ka," malambing asik ng girlfriend nitong muling yumakap sa kanyang inakbayan din niya.
"I'm just telling what's on my mind, sweetie." Saad pa nito.
"What are you waiting for, ms De Guzman? Go back to work," maawtoridad nitong utos na ikinatalima ko at napayuko bilang pamamaalam.
"Yes, Sir!" hilaw ang ngiting ginawad dito.
"Bye, sweetheart." Nakangiting pamamaalam ng girlfriend nito sa aking ikinangiti at tango ko.
"Bye, Ma'am."
"Tss ako ang boss pero 'di manlang nagpaalam. Ibang klase," dinig ko pang saad ni boss tukmol na ikinahagikhik ng kasama.
Patamad akong napaupo ng pwesto ko. Nawalan na tuloy ako ng ganang mananghalian sa napag-alamang may girlfriend na ito.
Bakit ba ako apektado? Nahalikan ko lang siya noon dahil sa pera at dare. Nakatabi ko siya ng hubot-hubad kami na walang nangyari dahil hindi niya raw ako type, tsk. Napanguso akong inabala na lamang ang sarili sa trabaho ko. Magmeryenda na lamang ako maya-maya kapag kumalam na ang sikmura kong tinatamad na ring magreklamong wala ng ginigiling.
Kahit natutulala ako sa harapan ng computer ko ay pinilit kong magtrabaho. Mahirap ng magkamali na naman ako dahil paniguradong pag-iinitan na naman ako ng tukmol na 'yon. Halata namang nananadyang pahirapan ako. Bwisit siya. Pasalamat siya at sobrang gwapo niya. Kahit doon manlang ay bawing-bawi na siya sa ka-arogantehan.