Chapter 7 Golf

2740 Words
AKHIRO: NANGINGITI kong pinagmamasdan sa monitor ng cctv ko si Moira na nagkakandahaba ang nguso habang nakatutok sa screen ng monitor nito. Sinadya kong pahirapan ito kaninang umaga sa ginawa nitong kape kahit ang totoo ay masarap naman talaga ang gawa niya at nagustuhan ko. Pero gusto kong subukan ang temper nito kung makakatagal ba ito sa akin. Kaya bawat basong gawa nito ay isang lunok lang ang pagtikim ko at umaasang hindi ko nagustuhan. Pabalang kong ibinabagsak ang baso kaya natatapon ang laman sa lamesa. Tahimik at paulit-ulit lang naman nitong nililinis ang mesa ko. Wala naman akong nakitang pagkairita dito kundi natataranta pa nga ito sa harapan ko na hindi ko nagugustuhan ang timpla nitong kape. Mas masarap pa nga ang gawa nito sa nakasanayan kong timpla ni Divina for f*****g ten years! Siya namang biglang sulpot ng kambal ko mula Paris. Si Danica, dahil doon nakabase ang mga ito bilang mga fashion designer ng mga brand clothing namin doon na magkatulong nilang pinalago ni Sofia. Ang pinsan din namin. Pero dahil kambal ang mga ama namin na identical twins din ay para na kaming triplets na tatlo kung titignan. Kita ang kabiglaan sa magandang mukha ni Moi na makitang may magandang dilag akong kasama dito. Dumaan kasi si Danica sa private elevator ko kung saan konektado na dito sa opisina ko kaya hindi nakita ni Moi ang pagpasok nito. Maging ang paglalambingan naming magkapatid ay 'di nakaligtas sa paningin kong napapaismid ito at napapaikot ng mga mata. Ang cute niya. 'Di halatang naiiritang may kalambingan ako. . . hmmm. Siguro ay iniisip niyang girlfriend ko ang kasama ko at 'di nahalata ang pagkakahawig namin kaya panay ang ismid nito sa paglalambing ko kay Danica. LUMABAS ako ng opisina nang makitang alastres na pero 'di pa rin ito kumakain. Ang tibay naman ng sikmura niya. Ni hindi ko nakitang nagmeryenda ito kaninang umaga at nananghalian. Pero heto at anong oras na ay nakababad pa rin siya sa trabaho. Ginagalingan naman masyado. Nagpapa-impress ba siya sa akin? Tsk. Napaangat ito ng mukha at kaagad tumayo nang palabas na ako. Na-guilty naman akong kita ang pagod at pananamlay sa mga mata nito. "Follow me," malamig kong saad na ikinaalarma nito at napasunod muling pumasok ng office ko. Nagpamulsa ako at ito na ang nag-press sa button ng elevator. Tahimik lang akong pinapakiramdam ito na napakatahimik din. Bumaba kami ng ground floor at pinagbuksan pa ako ng pinto at siya na rin ang nagpresentang magmaneho. Nakabusangot lang naman akong nakadekwatrong nakaupo dito sa likod na panakanaka niyang sinusulyapan sa rear view mirror. "Ahm, Sir?" pagtawag nito na tinaasan ko ng kilay. "Saan po tayo?" alanganing tanong nito. Napahinga ako ng malalim. Saan nga ba kami pupunta? Napangisi ako sa isip-isip na maalalang hindi pa ito kumakain. "Taguig. At EDZEL restaurant," walang emosyong sagot kong ikinatango at pilit na ngiti nitong inirapan ko lang. "Ang sungit. . . arte nito akala mo naman kung sinong gwapo," bubulong-bulong saad nito. "What did you say?" kunotnoong tanong ko na ikinangiwi nito at napakamot sa ulo. "Ang sabi ko, Sir. Mas gwapo po kayo kapag nakangiti. Hindi 'yang naka-pokerface kayong salubong ang mga kilay. Dumadami tuloy ang wrinkles niyo sa noo," saad nito na napapahagikhik. Namilog ang mga mata kong napahilot ng noo ko sa sinaad nito. Napabungisngis naman ito na naiiling kaya sinamaan ko ng tingin. "Watch your words, ms De Guzman. I am your boss, baka gusto mong paglakarin kita," pananakot kong ikinanguso nitong pinakibot-kibot pa. Ang cute niya lang sa tuwing nagpo-pout itong parang bata. Kung sabagay bata pa naman siya sa edad na bente, fvck! Ten years din pala ang age gap namin! Teka. . .? Ano naman kung mas matanda ako ng sampung taon dito? Secretary ko lang siya. Empleyado! TAHIMIK akong pinagbuksan pa nito ng pinto. Hindi ko ito pinansin at nagpatiuna nang pumasok sa restaurant ni Mama Liezel. Ang Lola naming pabebe at ayaw patawag ng Lola dahil hindi raw siya ganon katanda para tawaging Lola. Kung sabagay, kahit nasa 70's na sila ni Papa Cedric ay 'di mahahalata sa kanilang tindig at mukha. Para ngang nasa 40's lang sila at mapagkakamalhang mong magkakapatid lang sila nila sa Daddy na nasa 50's na rin. "Good afternoon, Sir Akhiro, Ma'am." Magalang bati ng mga guard na tinanguhan ko lang at tumuloy na sa loob kung saan ang pinakasulok. Marami-rami pa ring costumer dito. Kung sabagay. . . mabenta naman talaga ang mga restaurant namin na talagang dinadagsa dahil magagaling na international chef ba naman ang mga cooker namin dito. "Good afternoon, Sir Akhiro, Ma'am," Salubong ng manager ditong may malapad na ngiting iginawad sa amin ni Moi. Iginiya kami nito sa sulok kung saan walang masyadong tao ng 'di ako mapansin. Kilala kami sa publiko kaya lahat ng kilos namin ay naire-report. Kung kaya't todo ingat din kami para sa reputasyon ng kumpanya at imaheng iniingatan namin. "Thank you." Napataas kilay ako nang ipaghila pa nito si Moi ng silya na halatang nagpapa-cute. At itong Moi namang ito, mukhang gustong-gusto naman, tsk! Inabutan din niya kami ng menu at sa gilid talaga ni Moi ito tumayo na nangungititap ang mga matang nakatitig kay secretary ko. Sinadya kong um-order ng marami na ikinamilog pa ng mga mata Moira at bakas ang kagulatan dito. "S-Sir, ang dami naman. Kaya niyo po bang ubusin?" bulong nito pagkaalis ng manager. "Bakit, sinabi ko bang ako lang ang kakain?" Napalinga-linga naman ito bago bumaling sa akin na bahagyang inilapit ang mukha. "Pero pina-dine-in niyo, Sir." "So?" taas kilay kong tanong at pinipigilang mapangiti sa nakikitang pagkabahala nito. "Kaya niyo po bang ubusin 'yon? Nagsasayang kayo ng pagkaing kay mamahal ng presyo. Alam mo bang maraming bata sa kalye ang nagugutom at natitiis magkalkal sa basurahan ng mga itinapon ng pagkain? Kahit panis at marumi ay pikitmata nilang kinakain dahil sa tindi ng gutom nila. Tapos ikaw. . . magsasayang ka ng pagkain. porke't bilyonaryo ka," may tonong panenermon nito. Napahimas ako ng baba at napaisip sa magandang punto nito. Napairap pa itong napailing na sa labas bumaling ng paningin. Lihim naman akong nangingiti na nakamata dito. Ni hindi ko siya makitaan ng paghanga sa akin, fvck. Hindi ba siya nagugwapuhan sa akin? Pangit ba ako sa paningin niya? Pagkadating ng mga order namin at halos mapuno ang lamesang akupado namin sa dami ng order ko. "Kumain ka na nga," aniko at pasimpleng tinitikman ang mga order namin. Napapailing lang naman itong nagsimulang kumain. Hindi naman ito 'yong tipong napakaarte kung humawak ng kubyertos. Kahit nga sa pagsubo at nguya ay wala manlang itong kaarte-arte para i-impress ako, tsk. Napakagana niyang kumain na 'di alintana kung tataba siya sa dami ng kinakain niya. "Are you done?" aniko ng uminom na ito ng juice na halatang busog na busog. "Yes, Sir, burhpt." Napatakip ito ng bibig na napadighay ng malakas. Mahina akong natawang napailing ng pamulaan itong kitang nahihiya. "Let's go," aniko na tumayo na. "Paano 'tong mga 'to?" turo pa nito sa mga left over naming halos hindi nagalaw ang karamihan. "Sayang naman, Sir. Ipa-take out na lang natin," suhestyon pa nito na tinawag ang manager sa gilid. "What? No way!" alma kong siniringan ako nito. Napatikom ako ng bibig na masama ang tingin nito sa aking akala mo'y ako ang empleyado nito, fvck! "Manahimik ka." Napakurap-kurap ako sa may tonong pagmamaldita nito na tinaasan pa ako ng kilay. Mahina akong natawang napailing na lamang. "Hi, pakibalot naman sa stiro ang mga 'yan, please? With fork ang spoon, huh?" malambing pagkausap pa nito sa manager na matamis ngumiti at tumango sa kanya. "Yes, Ma'am. Just a minute," anito na inabot na ang black card kong binigay ni Moi. Nagpamulsa akong napasandal sa gilid ng lamesa at naiiling na lamang dito. Napapairap pa sa akin. 'Di na lang magpasalamat na inilibre ko ng tanghalian. Nagawa pang ipa-take-out ang tira namin, damn. Nakakahiya. Ako? Magpapabalot ng left over? Fvck! Ang sarap tirisin ng kutong-lupa na 'to. "Thank you, Ma'am, Sir. Come again po," ani ng manager matapos iabot sa akin ang black card ko. Iniabot naman nito ang mga left over namin na nakalagay sa paper bag na tinanggap ni Moi. Nagkangitian pa na parang mga timang. Tsk. Napasunod ako dito nang wala manlang pag-aayang lumabas ng restaurant at inilapag sa katabing front seat ang mga paper bags. Hindi pa ako pinagbuksan ng pinto. Fvck. Anong klaseng empleyado ito? Bakit parang siya naman ang boss sa aming dalawa? "Saan po next punta niyo, Sir?" anito ng binuhay na ang engine. "Back to office," walang emosyong sagot ko. "Sandali lang, Sir. May dadaanan lang tayo," hirit pa nito na matamis akong nginitian sa rear view mirror na inirapan ko lang at ibinaling sa bintana ang paningin. "Suplado," bubulong-bulong saad nito na nagmaneho na. Tahimik lang naman ako ng mapansing sa ibang direksyon ito sumuot. Hanggang sa inihinto nito sa isang cathedral ang kotse kung saan maraming batang kay dudungis na naglalaro. Ang iba'y nangangalkal sa. . . basuhan? Napalunok akong napaayos ng upo nang bumaba na ito at umikot sa kabilang pinto ng kotse para kunin ang mga paper bags. Matamang ko lang pinagmasdan ito. Kitang tinawag niya ang mga bata at isa-isang inabutan ng pagkaing nakasilid sa stiro. Napalunok ako at nakaramdam ng konsensya na makitang napapatalon pa sa tuwa ang mga batang inabutan nitong pinangilidan ng luha. Pinaghahaplos pa nito ang mga iyon sa ulo na may matamis na ngiti sa mga labi at kinawayan ang mga ito bago bumalik ng kotse. Pinaandar din nitong muli ang kotse at bumalik na kami ng office. Natahimik ako. Kaya naman pala may laman ang sinaad nito sa akin na may halong sermon. Na nagsasayang ako ng mamahaling pagkain without knowing na maraming bata sa lansangan ang halos mamatay na sa gutom. "Coffee," malamig kong utos pagdating namin ng opisina. Nagtungo naman ito ng pantry na tahimik ginawan ako ng kape. Naupo na ako ng swivel chair ko at binalingang muli ang mga pipirmahan kong papeles. "Here, Sir." Maingat nitong inilapag sa harap ko ang umuusok pang kape. "Anything, Sir?" "Just sit there," sagot kong sa papeles nakatuon ang mga mata. Naupo naman ito sa kaharap kong silya at ramdam ang mga mata nitong nakatuon sa akin. Naaasiwa tuloy ako na nakatitig ito sa akin. Hindi ko maisaulo ang mga binabasa ko sa prehensya nito. Napahinga akong malalim na napahilot ng sentido. Sumimsim ako ng kape at wala sa sariling napangiti. "Nagustuhan mo na ba, Sir?" Napalis ang ngiti ko nang ma-realize na kaharap ko pa pala ito. Napatikhim ako dahil para tuloy bumara sa lalamunan ko ang kapeng nainom ko. "Mapait. Pero pwede ng pagtyagaan," kunwari'y ismid ko. Napanguso lang naman itong 'di na nagkomento pa. "May gagawin ka bukas, Ms De Guzman?" "Yes, Sir!" Napataas ako ng kilay sa agarang sagot nitong 'di manlang pinag-isipan. Mukhang nababanas na nga ito sa akin at 'di na masikmura ang pagmumukha ko ah. Samantalang hindi ko na mabilang ang mga sikat na dilag na nagkakandarapang makasama ako. Pero ito? Wala lang at mas gugustuhin pang hindi ako makasama. What the fvck! "Cancelled it." "Po?!" "Are you deaf?" pabalang tanong ko. Napanguso naman ito. "Okay, Sir." Napayuko ako at nagkunwaring sa papeles nakatuon ang attention para ikubli ang ngiti ko. 'Di ko mapigilang mapangiti na pumayag itong sumama sa akin bukas kahit weekend at pahinga sana nito. "Go back to your sit now." "Okay, Sir. Ngiti-ngiti din pag may time, huh? Lalo kang tumatanda at dumadami ang wrinkles mo sa pagkakasalubong lagi ng mga kilay mo. Mamaya maging permanent ng nakakunot ang noo mo. Malaking kabawasan sa kapogian mo pag ganon, Sir." natatawang saad nitong ikinaangat ng mukha ko at sinimaan ito ng tingin. Napatakbo itong lumabas ng opisina na napa-piece sign at finger hearts pang may malapad na ngiti bago tuluyang lumabas ng office. "Ibang klaseng babae," bulalas ko. Naiiling akong napangiti sa inasta nito. Mukhang hindi na siya naiilang biruhin ako kahit nagsusungit ako dito. Napahilot ako ng noo at dinampot ang cellphone ko na binuksan ang camera para lang matitigan kung may wringles na ba ako? "Fvck, anong wringles? Eh napagkakamalhan pa nga akong nasa early 20's eh!" iritadong bulalas ko na hinihilot ang kilay. 'DI KO MAPIGILANG mapangiti na dumating nga ito sa labas ng building ko at sasamahan ako sa lakad ko. Napailing na lamang ako na mapasadaan ang itsura nitong 'di manlang nag-effort magbihis ng maayos o nagpaganda para sa akin. Naka-jeans pa ito na tastatastas ang bandang hita hanggang tuhod. White plain shirt at white sneakers, tsk. Maging ang hairstyle nitong nakapusod pataas lagi na may dalawang kumpol ng hibla ang nakalugay sa magkabilaang gilid ng mukha ay 'di binago. Ultimo yata nag-liptint ay 'di manlang nagpahid sa kanyang mga labi. "I'm not your driver, Moi!" singhal ko nang sa backseat talaga ito naupo. Napangiwi itong dumukwang na lumipat dito sa harap na 'di na bumaba. Nakaka-turnoff talaga ang babaeng 'to. Hindi manlang magpabebe sa akin, kainis. "Seatbelt." "Yes po, Boss Pt." Nangunot ang noo kong napalingon dito. "Pt?" takang tanong ko. Napakagat labi itong pinipigilan ang tawa kaya napautot na ikinamilog ng mga mata namin pareho! "Fvck! Did you fart?!" umiling-iling ito. "Ang baho! Damn, Moi! Para kang kumain ng panis ah!" Namumula itong sa bintana bumaling ng paningin. Naiiling na lamang akong nagmaneho patungo sa bagong bili kong bahay bakasyunan ko sa Antipolo. Tapos na ang ipinagawa ko doong mansion na siyang bibisitahin ko at para alamin na rin kung may kulang pa. Katahimikan ang naghari sa amin habang binabagtas ang kahabaan ng highway. Ayo'ko namang ako ang magbukas ng topic para mag-usap kami. Napapapilantik ako ng mga daliri habang nagmamaneho at panaka-nakang napapasayaw dala ng soundtrip na siyang nagsisilbing ingay dito sa loob ng kotse. "Kaya't yumakap siya sa akin at ako'y hinalikan. Nanggigigil siya sa akin ayaw niya akong tigilan. . .-" Natatawa akong natigilan nang bigla ako nitong hinampas sa braso na sinasabayan ko ang kasalukuyan rap song ni Andrew E na music namin. "Bakit?" natatawang tanong ko na napahaplos sa braso kong hinampas nito. "Tumahimik ka nga, Pt. Baka umulan." "Bakit, tinamaan ka, noh? You remembered that night, Moi, hmm? You've kissed me passionately. Damn, a wild and young lady kissed me in public for of a dare?" namamanghang bulalas ko. Napalapat naman ito ng labi na nag-iwas ng tingin sa aking naiiling dito. PAGDATING namin ng village ay agad akong pinagbuksan pagkababa ko ng bintana. Napaayos ito ng upo na napapalinga sa paligid. "Private property? Naliligaw ba tayo, Sir?" anito ng mabasa ang malaking sign bord sa gilid nitong gate na pinasukan namin na nakasulat doon ang private property. "Nope, this is one of my new place." Napabaling naman ito sa akin na nanlalaki ang mga mata. "S-Seryoso?!" Tumango-tango ako bilang sagot. "Weh? Ilang hectares 'toh?!" bulalas nito. "Hmm. . . 950." "Talaga?! 'Di nga? Anong meron dito, palasyo?!" 'di makapaniwalang bulalas pa nito. Mahina akong natawang napailing. "Wow. . . palasyo nga!?" manghang bulalas nitong napatakip ng bibig ng bumungad ang mansion na pinagawa ko dito. "Come, I'll tour you around." Bumaba ako at napasunod naman itong napapanganga na nagpapalinga-linga sa paligid. "Did you like here?" Tumango-tango ito nang igiya ko sa likurang bahagi nitong mansion kung saan may malawak na golf-an at kalapit no'n ay isang lawa. "Come, let's try to some exercise." "Huh?! Teka, Sir. Hindi ako marunong," alma nito ng hilain ko na sa kamay at napasunod naman ang caretaker at ilang maids ko dito na inayos ang bola. Kitang kabado ito na namamangha ng ako na muna ang naglaro sa golf at napapalakpak pa sa tuwing good shot ako. "Your turn, Moi." Napangiwi ito na napipilitang lumapit. "Hindi ako marunong sabi eh!" parang batang alma nito. "I'll guide you." Pum'westo ako sa likuran nito at napahawak sa balikat nito. "Ayusin mo pagkabuka ng legs mo para sa pag-bend mo." Iginiya ko ito sa tamang posisyon. Napapairit tuloy ang mga maid sa amin lalo na nang mapayakap ako dito at pinapasubukang asintahin nito ang bola habang nakahawak ako sa mga kamay nito na nakayakap sa kanya mula sa likuran. Kapwa kami natigilan ng bahagya itong mag-bend at pumintig ang alaga kong biglang nagising kaya sumundot sa may katambukang pang-upo nito! Napabitaw ako dito dahil ramdam kong maging ito ay naramdaman ako! Fvck, nakakahiya. Kainis, pahamak naman ang buddy ko. Baka isipin pa nitong minamanyak ko na siya eh tinuturuan ko lang namang mag-golf!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD