Caroline Faith’s POV
Madalas na kaming sabay ni Tristan papasok sa trabaho. Pero sa uwian, madalang kaming magsabay. Kadalasan kasi, overtime siya dahil sa dami ng kailangang tapusin. Kaya ako, nagko-commute na lang. Minsan, taxi na agad lalo na kapag sobrang pagod na ang mga paa kong maglakad papunta sa jeepney terminal.
Isang gabi, habang papasok na ako sa loob ng bahay, tumikhim siya kaya napalingon ako.
“May sasabihin sana ako eh...” Simula niya.
Bigla akong kinabahan. Wala akong ideya kung ano ang sasabihin niya pero grabe ang kaba sa dibdib ko.
“Carol…” Tawag ni Lola mula sa loob ng bahay. Napailing ako, saka tumingin ulit kay Tristan.
“Sige, Cef. Sa susunod ko na lang sasabihin. Tinatawag ka na ni Lola eh, baka magalit pa sa atin.”
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Tutal, ayoko rin muna marinig ang sasabihin niya. Baka hindi ko kayanin.
Nagpaalam kami sa isa’t isa, sabay ngiti. Pagpasok ko, napabuntong-hininga ako at dumiretso kay Lola.
---
Lumipas ang mga araw. Habang naglalakad ako papasok sa hotel, narinig ko ang boses ni Tristan.
“Kita kits ulit tayo.”
Napasimangot ako. Iyon lang pala? Tinawag pa ako? Minsan talaga nakakainis siya. Tumango na lang ako, tumalikod, at naglakad papasok ng hotel.
Ganito na lang palagi. Tuwing uwian, bigla akong tatawagin. Sasabihin may mahalaga siyang gustong sabihin, pero sa huli, wala naman pala. Naiinis ako. Parang inaasar lang niya ako. Sa bahay naman, puro biro siya kahit halatang may gusto siyang sabihin.
Hindi ko alam kung aamin na ba siya sa nararamdaman niya. O ako lang ba ang umaasa?
Minsan, nawawala ako sa focus sa trabaho. Buti na lang si Joanne, parating nakaalalay.
Thanks to her.
---
Papalabas na sana ako ng mall pagkatapos bumili ng regalo para sa birthday ni Tristan, nang may biglang kumalabit sa akin. Hindi ko pinansin. Pero kinalabit ulit ako.
“Miss, panyo niyo po.” Sabi ng lalaki.
Napalingon ako, kinuha ang handkerchief, at nagpasalamat.
Pero napansin ko ang ekspresyon niya — parang na-stutter siya sa pagtitig sa akin.
“Marinela...” bulong niya.
Napakunot ang noo ko. “Sorry Sir, hindi po ako si Marinela,” sagot kong may ngiti.
Lumapit pa siya, pinagmasdan ako. “Kamukha mo siya...”
“Sino po siya?”
“Ang girlfriend kong namatay. Kamukhang-kamukha mo.”
Bigla akong nakaramdam ng awa. Kita sa mukha niyang pilit niya lang pinapangiti ang sarili. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo. Ayoko nang marinig pa ang mga susunod niyang sasabihin. Mas lalo ko lang siyang kaaawaan.
---
Pag-uwi ko ng bahay, agad kong ikinuwento kay Lola ang nangyari. Nagulat siya. Hindi makapaniwala. Pinakita ko na rin sa kanya ang regalo ko kay Tristan.
Masaya kong binalot ito, at sinulatan ng mensaheng galing sa maganda at mabait niyang kaibigan — ako.
---
KINABUKASAN
Wala masyadong bisita sa hotel, kaya relax lang kami ni Joanne. Abala kami sa kuwentuhan nang may napansin akong pamilyar na mukha—nakangiti, at kausap si Sir Marlo.
Ngayon ko lang siya nakitang nakangiti. Hindi tulad kahapon — lungkot na lungkot siya.
“Joanne... siya ‘yung lalaking kumalabit sa’kin kahapon,” bulong ko habang nakatitig pa rin sa kanya.
Bigla niya akong binatukan.
“Aaray! Bakit?!”
“Syonga ka talaga. Siya ang may-ari ng hotel na ‘to!”
Nanlaki ang mata ko. “Ha?! OMO... siya?! Eh two years na akong nagtatrabaho rito!”
“Ngayon mo lang siya nakita kasi bihira siya magpakita. Confidential nga lang eh. VP ng Kingstone Furnitures, at anak ng chairman ng hotel.”
“OMG... sorry. Hindi ko alam,” sagot ko. Napatulala ako nang lumapit siya sa amin.
Tinitigan muna niya si Joanne, tapos ako.
“I can’t believe you’re one of my employees. I thought we were destined to cross paths,” nakangiting sabi niya, nakatitig sa akin.
Napalunok ako, napayuko.
“How long have you been working here?”
“Two years na po, last month.”
“Oh. Why didn’t I notice you before?”
Ngumiti siya. “Never mind. I’m just glad I saw you again. Join me for lunch later? Okay lang ba?”
“Sorry po, kasama ko po ang co-worker ko...” sabay sabat ni Joanne.
“Okay lang po, Sir. May ibang makakasama naman po ako later,” sabay sulyap sa akin.
Pinandilatan ko siya, pero walang epekto.
“Thank you, Joanne.” Tumango si Sir Leander. “I’ll wait for you at Max Restaurant, 12 noon, Miss Caroline.”
Naglakad na siya palayo.
---
“Hoy! Bakit mo ako pinaoo?” reklamo ko kay Joanne.
“Ang KJ mo! May yaya ka na nga, aayaw ka pa?!”
“Hindi ako katulad mo noh.”
Inirapan ko siya. Naiinis ako. Hindi niya dapat ako pinangunahan.
---
12:00 PM. Lunch break na.
Nagkahiwalay kami ng direksyon ni Joanne. Siya, kasama ang ibang staff. Ako naman, tahimik na pumunta sa Max Restaurant.
Pagpasok ko, agad ko siyang nakita. Kumakaway siya. Naka-smile. Layo sa lungkot na nakita ko kahapon.
Inalalayan niya ako sa pag-upo.
“Salamat,” nahihiyang sabi ko.
“Walang anuman, Miss Caroline,” sagot niya. Tinuro niya ang pagkain. Kaya sumubo na rin ako.
“Ano nga pala buong pangalan mo?”
“Caroline Faith Quililan. From Project 7, Bagong Silangan, Quezon City.”
“Pretty name.” Tumango ako.
“Can I call you Faith? Para ako lang ang tumatawag sa’yo nun?”
Muntik akong mabulunan.
“May problema ba?”
“Hindi po. Hindi lang ako sanay na tinatawag sa second name ko.”
“Masasanay ka rin. Kasi simula ngayon, ‘Faith’ na ang itatawag ko sa’yo,” aniya habang nagkakalikot ng kutsara.
Tinitigan niya ako. Agad akong umiwas ng tingin.
“Ako naman. I’m Leander King Rogero, Vice President ng Kingstone Furnitures Inc.”
Sabay kindat.
Napataas ang kilay ko. May pagkaganun pala siya?
Parang nabasa niya iniisip ko.
“Tama ‘yan. Hindi mo aakalaing ganito ako. Sa karamihan, formal at seryoso lang talaga ako. Ayoko kasing ma-manipulate ng ibang tao.”
Makes sense.
Tumango lang ako. At least, ‘di niya ako pinipilit magkuwento. Sabi niya, he respects my privacy.
Siya na lang ang nagkuwento tungkol sa sarili niya, lalo na tungkol sa kanyang girlfriend na pumanaw.
Habang nagsasalita siya, nakikita ko ang lungkot sa mata niya. Pero pinipilit niyang ngumiti.
Ako? Tahimik lang, nakikinig. Nagsisingit ng k
onting advice sa mga kuwento niya. Napapangiti ko siya minsan.
At doon ko na-realize... sa dami ng bigat na dinadala niya, gusto ko lang maging dahilan kahit paano ng gaan.