Chapter 4

1437 Words
Caroline Faith’s POV Narito na ako ngayon sa bahay kasama si Sir Leander. Pinilit niya talaga akong ihatid kahit tatlong beses ko na siyang tinanggihan, kaya sa huli, napapayag na rin ako. Isa lang ang masasabi ko—napakabait niyang amo... at kaibigan na rin. Sa dinami-dami ng mayayaman na kilala ko, siya lang ang nakita kong ganyan. Hindi arogante. Napaka-down to earth. “Maraming salamat, Leander, sa paghatid,” nakangiti kong sabi. “Walang anuman, Miss Faith. Magkaibigan naman tayo, kaya hayaan mo na akong tumulong.” Sagot niya, sabay tango ako. “Well, see you again tomorrow,” ani niya habang kumakaway pabalik sa kotse. Kinawayan ko rin siya, at hinintay ko munang makapasok siya sa sasakyan bago ako pumasok sa loob ng bahay. “Nakita ko kayo ng lalaking ‘yon,” bungad ni Lola habang papasok ako sa kwarto para magbihis. Pupunta kami sa birthday ni Tristan. “Tuwang-tuwa siya sa’yo, apo. Matanong lang—nanliligaw na ba ‘yon sa’yo?” Halos matapilok ako sa tanong ni Lola. “Magkaibigan lang po kami, Lola. At alam niyo naman po kung sino talaga ang gusto ko.” “Bakit, hindi ba natuturuan ang puso na magmahal ng iba? Balang araw, apo, maiintindihan mo rin ang sinasabi ko.” “Magbibihis na po muna ako, Lola. Malelate na tayo kina TJ.” Sabay iwas sa usapan. Hindi ko kayang patulan ‘yon ngayon. Si Tristan lang talaga—wala nang iba. “Hintayin ka namin ng mga kapatid mo sa sala. Huwag mong kalimutan ang espesyal mong regalo para kay Tristan.” Tumango na lang ako at dumiretso sa kwarto. Nasa bahay na kami ni Tristan. Medyo maraming bisita—karamihan kamag-anak at kaibigan. Habang papasok kami, agad kaming sinalubong ng mga magulang niya. Nawala ang ngiti nila nang mapadako sa akin ang tingin nila. Hmmm, weird. Maya-maya pa, lumapit na si Tristan. Masaya siyang niyakap ako nang mahigpit. Inabot ko sa kanya ang regalo. “Salamat, Carol...” Magsasalita pa sana siya, pero napalingon siya sa isang babaeng papalapit. Hindi ko siya kilala. Tumikhim si Tristan at agad lumapit sa babae. Inakbayan pa niya ito. Parang biglang tumigil ang mundo ko. “Siya nga pala, si Francesca Rizalde—my girlfriend.” Biglang tumigil ang t***k ng puso ko sa salitang girlfriend. Nanatili akong nakangiti kahit parang pinupunit ang dibdib ko. Nakipagkamayan si Francesca sa akin. “I’m Caroline Faith Quililan, Tristan’s childhood bestfriend,” sabi ko. Pilit ang ngiti ko. “Yeah, kinuwento ka na sa’kin ni TJ. Nice to meet you.” Biglang sumabat si Tita, halata ang tensyon. “Mabuti pa, kumain na muna kayo, Carol. Gutom na siguro kayo.” “Mabuti pa nga,” tugon ni Lola. “Pinaluto ko pa ‘yung paborito mong ulam, kahit ako ang may birthday. Gusto ko mabusog ka, Carol,” narinig kong sabi ni Tristan. Tumango lang ako at sumunod kay Lola. “Hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa’yo, apo,” malungkot na sabi ni Lola habang kumakain ako ng spaghetti. “Ayos lang po, Lola. Huwag niyo na po akong alalahanin.” “Akala ko pa naman kayo ni Kuya Tristan ang magkakatuluyan,” nakangusong sabi ni Cipher, na tinanguan ni Candy. “Ganun talaga ang buhay, apo,” ani Lola. “Minsan, akala natin para sa’tin ang isang tao… pero hindi pala.” Tama si Lola. Masakit, pero totoo. Ako lang talaga ‘tong umasa. Ako lang ang nag-isip na baka may pag-asa kami. Kahit sa simula pa lang... alam ko namang kaibigan lang ang turing niya sa akin. Sa gitna ng iniisip ko, narinig ko ang videoke. Lumingon ako—nakita ko si Tristan at si Francesca, nakaakbay sa isa’t isa habang kumakanta. Napalunok ako. Tumulo ang luha ko. Pinahid ko kaagad. “Lola, gusto ko na po umuwi,” mahinang sabi ko. Tumango si Lola. “Magpapaalam muna ako kina Cynthia at Andrew.” Nilapitan ko si Tristan. “Uuwi na po kami.” “Ang aga naman? Pwede bang tumagal pa kayo?” “Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko,” palusot ko. “Ihahatid ko na lang kayo. Madilim na rin.” “Okay lang po. Kaya ko naman.” “Sige. Basta mag-iingat ka.” Tumango ako, sabay lakad palayo. Habang naglalakad, nagsisisi ako. Bakit ko pa hinayaang mahulog ako sa isang taong halatang hindi ako gusto? Ang tanga ko lang. Pagkauwi sa bahay, dumiretso ako sa kwarto. Doon ko na lang ibinuhos ang lahat. Umiiyak. Bukas... bukas kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. KINABUKASAN Tahimik akong pumasok sa trabaho. Halata agad ni Joanne. “Anong problema mo, Carol? Para kang galing Biyernes Santo.” Hindi ako sumagot. Hindi pa ako ready. Tumahimik na lang si Joanne nang makita niyang hindi ako nakasagot. Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko napansin na nasa harapan ko na si Sir Leander. “Miss Faith, are you okay? You look so weary,” tanong niya. Pilit akong ngumiti at nagbaling na lang ng tingin sa trabaho ko. Hinawakan niya sandali ang kamay ko. “If you have a problem, you can tell me. I'm here to listen.” Ramdam ko ang sincerity niya. Kaya lalo akong nalungkot. Bigla siyang umalis. “Nakakatampo ka, Caroline,” reklamo ni Joanne. “Kay Sir Leander balak mong mag-open up. Sakin, walang balak.” Napangiti ako sa inis niya. “Mamaya, ikukuwento ko na sa'yo.” Lunch Break Pumunta kami sa cafeteria. Wala raw lunch with Sir Leander ngayon. Sinungitan ko raw kasi, ayon kay Joanne. Hays. Habang kumakain kami sa may bintana, kinuwento ko na ang nangyari kagabi. Nalungkot si Joanne. “Akala ko pa naman kayo na ni Tristan...” “Assume lang ako, Joanne. Gusto ko na lang mag-move on. Ayokong ikulong ang sarili sa isang pag-ibig na hindi naman totoo.” “Huwag kang mag-alala, Carol. Makaka-move on ka rin.” Napatingin siya sa gawi ni Sir Leander. “O ayan, may naghihintay sa’yo.” Napalingon ako—si Sir Leander. Hindi siya nakangiti ngayon. Seryoso ang tingin niya sa akin. “Impossible ‘yan, Joanne. Magkaibigan lang kami.” “Ewan ko sa’yo,” tugon niya, sabay sipa sa akin. Napatingin ulit ako kay Leander. Ngumiti siya nang pilit. Gumanti ako ng ngiti. Pagkatapos ng Trabaho Magkaibang direksyon kami ni Joanne. Nag-abang ako ng taxi. Biglang huminto ang isang kotse. Si Sir Leander. “Uuwi ka na?” tanong niya. Tumango ako. “Halika, ihahatid na kita.” “T-teka lang po, nakakahiya...” “Okay lang. Hindi ka na iba sa’kin.” Hinila niya ang braso ko at pinasakay sa kotse. “Please wear your seatbelt,” sabi niya. Sumunod naman ako. “Are you really okay?” “Oo.” “You don’t look like it. I can see it in your eyes.” Napayuko ako. “Please don’t say things like ‘hindi ko naman ikamamatay.’ Masakit ‘yon pakinggan.” “Sorry po.” “Don’t say it again, okay?” Tumango ako. “I know you’re not ready to talk. I’ll wait. When you're ready, I’ll listen.” Bakit ganito siya? Ang bait. Ang lambing. Her girlfriend was lucky to have him. Nahawa na rin ata ako sa English niya. Pero okay lang. May natututunan naman ako. Pagkarating namin sa bahay, bubuksan ko na sana ang pinto pero bumaba siya at siya na ang nagbukas para sa akin. Napaka-gentleman niya talaga. “Thank you.” “You’re welcome.” Habang papasok ako sa gate, lumabas si Lola. “Bakit hindi ka muna tumuloy, iho?” Ngumiti si Sir Leander. Tila ba okay lang sa kanyang makapasok sa bahay naming simple lang. Pumasok kami sa loob. Nagulat ang mga kapatid ko. “Ate, siya ba ‘yung boyfriend mo?! Ang bilis ah!” bungad ni Cipher. Pinatigil siya ni Lola. “Hello po,” bati ni Leander. “Dito ka muna iho, maghahanda ako ng merienda,” ani Lola. “Okay lang po, Lola,” sagot niya, habang tumitingin sa paligid. “Simple man ang bahay niyo, pero ang saya dito. Mas totoo. Hindi tulad sa amin...” Nahihiya akong ngumiti. “Totoo ‘yan. Mas gusto ko ang ganito.” Dumating ang merienda. “Pasensyahan mo na ang kape ha, iho. Iyan lang ang kaya ng budget namin.” “No problem, Lola. Masarap pa rin.” Napanganga na lang ako. Ibang klase talaga si Leander. Sa unang tingin mo, parang untouchable na CEO. Pero kapag nakilala mo? Para lang siyang... taong tunay. At baka... baka nga tama si Lola. Baka matutunan ko ring magmahal ng iba. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD