Unti-unting minumulat ni Caroline ang kanyang mga mata hanggang sa napansin niya na sa ibang lugar siya. Nilibot niya ang paningin at napadako ang kanyang mata sa isang lalaki. Napakunot siya ng noon dahil pamilyar sa kanya ito.
Mga ilang sandali pa ay nagising na ang binata at laking gulat na lang ni Caroline.
"Ba't ako nandito?" saad niya habang sinusubukan niyang tumayo pero kaagad siyang pinigilan ni Cedric.
"Magpahinga ka muna, please?" Pakiusap sa kanya ng binata. "Sabi ng doctor kailangan mo muna ipahinga ang sarili mo."
"Ano nangyari?" Naguguluhang tanong ni Caroline sa binata.
"Bigla ka na lang nahimatay kagabi sa park." sagot nito. "Tapos, kaagad ako tumawag ng doctor para suriin ka." Naupo siya saglit malapit sa hinihigaan ng dalaga. "Sabi niya kailangan mo magpahinga buong araw. Buhat daw sa sama ng loob kaya ka raw nahimatay saka pagod."
"Bakit mo ito ginagawa?" Muli nanamang tanong ng dalaga. "Masaya ka na ba na naging successful iyong plano niyong dalawa."
Napahinga ulit nang malalim si Cedric sa kanya dahil tingin pa rin sa binata ay isang hipokrito. Di niya masisi si Caroline sa ganitong trato nito sa kanya pero hindi ito ang dahilan para sumuko at mapatunayang sincere siya sa dalaga. Kailangan niya iyong mapatunayan para maging malinis na ang pagtingin sa kanya ng dalaga.
"You still don't believe me? Do you think makakapagpahinga ka kaya nang maayos ngayon kung hindi nga talaga maganda ang intensyon ko sayo?" Medyo nakakaramdam na ng frustrations si Cedric dahil hindi pa rin siyang pinaniniwalaan ng dalaga.
"Siyempre, para makuha mo ang loob ko kailangan munang magpanggap na mabuti. Di ba?" Mala-sarkastikong saad ni Caroline.
Para sa kanya ang tulad ni Cedric ay di dapat nang pagkatiwalaan pa matapos ang ginawa nito sa kanyang paninira at pagbibintang ng mga bagay-bagay.
"Fine." Mahinahon pa ring sambit ng binata kahit bigo siyang makuha ang loob ng dalaga. "Kung di mo pa rin kayang pagkatiwalaan, maghihintay at umaasa pa rin ako na magbabago ang takbo ng isipan mo."
Matapos niyon hindi na nagbalak pang sumagot si Caroline at tinalikuran si Cedric.
Maya-maya pinagluto na lang ng binata ang dalaga para makakain na ito. Sa ngayon, kailangan lang niya mag-focus sa pag-aasikaso kay Caroline hanggang sa maging ok na ulit ito.
"Heto kumain ka muna bago uminom ng gamot." Madali itong tinanggap ng dalaga at mabilis na humigop ng sabaw.
"Dahan-dahan baka mapaso ka." Paalala ni Cedric at napatango lang si Caroline bilang saad.
Matapos kumain ng agahan kaagad bumalik si Caroline sa paghiga habang si Cedric naman ay abala sa paghugas ng kanilang pinagkainan saka nagligpit ng ibang gamit sa paligid ng kwarto.
PAGKALIPAS ng dalawang oras, natanaw ni Caroline si Cedric na abala naman ito sa pagluluto ng kanilang pananghalian.
Napapaisip pa rin siya kung dapat na ba niyang pagkatiwalaan ulit si Cedric. May bahagi sa kanya na pumipigil dahil sa mga possibilities na maaaring mangyari.
"Nag-o-overthink lang siguro." saad niya sa kanyang isip.
Mga ilang sandali napag-isipan niyang umupo at sumandig sa headboard dahilang nangangalay na rin siya kahihiga sa kama.
"Ok na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Cedric habang papalapit sa kanya.
"Medyo ayos na." sagot ng dalaga pero wala siyang balak magpakita ngayon ng anumang interes sa binata.
Kailangan na muna niyang pag-aralan ang bawat kilos at pananalita ni Cedric. Hindi gan'on kadali magtiwala sa isang tao na kabilang sa halos sumira sa kanyang imahe. Hanggang ngayon medyo mabigat pa rin ang loob niya sa binata pero pinipilit niyang mawala na ang galit niya dito. Ayaw na niyang magtanim pa ng galit ng kahit kanino. Gusto niya ng masaya at peace of mind.
"Mabuti na lang bumubuti na ang lagay mo." Masayang tugon ng binata at matipid lamang na ngiti ang ginawad ni Caroline sa kanya.
Hindi siya ganap na maayos buhat nang mangyari ang isang bagay na labis na gumimbal sa mundo niya at nagpabago sa pananaw niya sa pag-ibig. Dahil sa nangyari kagabi, halos wala na siyang gana kumilos ulit katulad ng dati.
Akala niya magiging masaya na siya pero hindi pa pala dahil ginamit at ginawa lang siyang rebound. Ito ang pinakamasakit na nangyari sa buhay niya. Hindi niya alam kung makakabangon pa ba siya at maibabalik sa dating siya.
"Caroline..." Nabalik siya sa ulirat nang tinawag siya sa kanyang pangalan at nilingon si Cedric sandali saka tumingin sa kawalan.
"May masakit ba sayo?" Tanong pa nito sa kanya subalit wala siyang gana makipag-usap ng kahit kanino.
"Iwan mo muna ako. Gusto ko mapag-isa." Walang ganang tugon ni Caroline.
"Pero di kita pwede hayaan dito sa ganyang kalagayan mo." Nag-aalalang saad naman ni Cedric.
"Please?" Naluluha at nakikiusap na saad ni Caroline.
"Ok."
Pagkatapos, iniwan na siya ng binata saka muling binuhos niya ang emosyong nararamdaman. Hinayaan niya ang sarili na umiyak at ilabas ang sakit na nararamdam.
Hindi niya alam na tahimik at maingat siyang pinagmamasdan ni Cedric sa labas ng silid. Labis rin ang awa na nararamdaman ng binata sa dalaga kaya't di maiwasan makaramdam ng pagkainis kay Leander lalo na kay Chelsea dahil siya ang puno't dulo ng lahat.
Gusto man niyang lapitan ang dalaga upang damayin ito pero mas pinili na muna niyang hayaan mag-isa ang dalaga. Hindi pa rin naman palagay ang loob sa kanya dahil sa nagawa niya noon. Nangangako pa rin siya sa sarili na di titigil na patunayan sa dalaga ang mabuti niyang hangarin.
Pagsapit ng gabi, muling nakapasok ng silid si Cedric na kung saan mahimbing na natutulog si Caroline.
Mga ilang sandali ay nagising ito.
"May lagnat ka pa ba?" Tanong niya kaagad.
"Wala na." Walang ka-interest na sagot ni Caroline.
"Bukas, pwede na kita maihatid sa bahay niyo." Sinubukan, makuha ang loob ng dalaga.
"Thank you pero ako na lang mag-isa." Buong pagtangging saad ni Caroline.
"I just want to make sure you go home safely." Pagpupumilit at pagkukumbinse pa ni Cedric.
"Pero..." Pinatahan niya kaagad ang dalaga na nagbabadya muling umiyak pero niyakap na lang siya nito.
Sinusubukan ni Caroline na huwag umiyak sa lalaking kaharap niya subalit hindi na niya kayang pigilan.
"Sige lang. Iiyak mo lang lahat 'yan. I will be here to listen and to comfort you." sambit ni Cedric habang nakayakap sa dalaga. "From now on, I can be your friend na pwede mong iyakan ng kahit ilang beses at di magsasawang dadamay sayo."
ONE WEEK LATER. Kasalukuyang hinahatid palabas ni Caroline ang kaibigan niyang si Joanne palabas ng kanilang bahay. Dinalaw siya nito para makausap.
Hanggang ngayon sariwa pa sa kanya ang nangyari. Halos nagkukulong na siya sa kwarto.
"I hope na magiging ok din ang lahat, Carol." saad ni Joanne na bakas ang kanyang sobrang pag-alala sa kaibigan.
Napansin rin niya na maraming nagbago kay Caroline dahil sa nangyari at hindi niya masisi ito.
"Sana nga, Jo. Araw-araw kong hinihiling na maging maayos ulit ako katulad ng dati." Nakakalungkot at kawala-walang pag-asang sambit ni Caroline.
Hind niya talaga lubusang matanggap ang nangyaring rebelasyon. Hindi niya kinaya ang pagkabigong nararamdaman kaya na lang paulit-ulit siyang umiiyak. Nag-aalala na rin ang lola sa kanya dahil parati din siyang tulala.
"Basta kung kailangan mo ng karamay at makakausap, tawagan at kausapin mo lang ako." malumanay na tugon ni Joanne. "Oh sige, Carol uuwi na ako. Ingat ka." Hinimas siya nito sa kanyang balikat. "Magpakatatag ka lang lilipas din ang lahat." Napatangu-tango lamang ang dalaga sa bilin ng kaibigan.
Matapos magpaalam ni Joanne sa kanya bigla namang lumitaw sa harap niya ang matalik na kaibigan. Bakas kay Tristan ang pag-aalala na may galit sa taong gumawa sa kanyang pinakamamahal na kaibigan at siyempre pinakamamahal niya ring babae.
"Please, TJ next time na lang tayo mag-usap." Walang interest na saad ni Caroline.
Aakmang tatalikod na sana siya nang magsalita kaagad si Tristan.
"Alam ko na ang lahat. Kinuwento na sa akin ni lola ang nangyari." Hindi makagalaw ang dalaga sa narinig kaya napapikit siya ng mga mata. "Nainis ako nang marining ko 'yan. Hindi ko mapigilan ang sarili magalit sa kanya."
Si Leander ang tinutukoy nito.
"Sa susunod na lang tayo mag-usap, TJ."
Bigla siyang hinawakan sa kamay ni Tristan na dahilan upang lingunin niya ang kaibigan.
"Kalimutan mo na siya, Cef. Nandito ako para sa'yo. Hindi kita sasaktan katulad ng ginawa niya."
Unti-unti nang inaalis ni Caroline ang kamay ni Tristan sa kanya.
"Please, naman Cef. Bakit hindi mo ako bigyan ng chance?" Confident na saad ng bestfriend niya kahit nakita na niyang binitawan na ang kanyang kamay.
Umaasa pa rin si Tristan na manunumbalik pa rin ang feelings ni Caroline para sa kanya.
"TJ, gusto ko na magpahinga. Hayaan mo muna ako."
Kaagad siyang niyakap nang mahigpit ni Tristan at laking gulat ng dalaga nang makita niya ang girlfriend ng matalik na kaibigan na si Francesca.
Nanlilisik ang mga mata nito habang naglalakad pasugod sa kanya kaya kaagad humiwalay siya sa kaibigan na ikinapagtaka nito.
"Don't touch him." Sigaw ng babae sa kanya.
"What are you doing here, Cesca?" Nagtatakang tanong ni Tristan rito.
"Dinig ko ang lahat, Tristan." sabi nito habang nagbabadya na rin ang pagtulo ng luha. "And you! You stole my boyfriend." Duro pa nito kay Caroline dahilan para napaatras siya pero mabilis siyang kinaladkad ni Cesca.
Kaagad namang umawat sa pagitan nila si Tristan.
"Cesca, huwag kang mag-iskandalo dito." saad ni Tristan na nakahawak na ngayon sa braso ng ex-girlfriend.
"Do you think susugod ako dito if hindi ko alam ang totoo?" sigaw ni Francesca habang nanlilisik pa rin kanyang mga mata. "So, siya pala ang dahilan nakipagbreak ka sa akin?" Napangisi nang mapait ang babae.
"Tayo na Cesca. Ihahatid na kita sa bahay niyo. Kailangan na rin ni Caroline magpahinga." kasabay ng paghatak ni Tristan sa dating nobya nito.
Hindi nagpapigil si Francesca at sinapak si Caroline sa kanang pisngi nito.
"Malandi ka!" Isang masakit na salita ang narinig ni Caroline mula sa girlfriend ni TJ.
Kaagad muling umawat si Tristan sa kanilang daliwa.
"Can you please shut up and stop talking to her like that?" Naiinis na ring sambit ng binata sa inakto ng ex-girlfriend.
Hindi niya akalain na ganito pala ang ugali ng kanyang nobya. Sobra din siyang na-dissapoint at na-frustrate sa ginawang pagsampal kay Caroline.
"All I know you're my friend. I was wrong." giit pa nito.
"Cesca, magpapaliwanag ako." Naluluhang pakiusap ni Caroline pero pilit na nagwawala si Francesca kasabay ng pagbibitaw muli sa kanya ng masasakit na salita.
"Tama na, Cesca. Nasasaktan na si Cef." muling saad ni Tristan habang pinipigilan niya ang kanyang dating ka-relasyon.
"Wow! Sobra kung mag-worry ka sa kanya pero sa akin hindi!" Nagsisigaw, habang pilit na kumakalas sa mga braso ni Tristan.
"I am sorry." Pagkatapos niyon tinalikuran na niya ang dalawa at naglakad pabalik ng kwarto.
Inilabas ng binata si Francesca palabas ng compound nila Caroline at doon muli nagpatuloy ng kanilang pag-aaway.
Hinawakan nang mahigpit ni Tristan si Francesca sa braso nito.
"Aray ko, Tristan. Nasasaktan ako." daing ng dalaga na pilit niyang kumalas subalit bigo siya dahil mas malakas sa kanya ang dating nobyo.
"Pwes, maramdaman mo rin sana kung ano naramdaman ni Cef matapos mo siyang sugurin at sapakin." gigil na gigil na tugon ni Tristan rito.
"Ouch." Reklamo muli ni Francesa kasabay na rin ng pagmamakaawa sa binata.
"Bakit hindi mo na lang matanggap na wala na tayo?" pahayag ng binata habang bakas pa rin ang galit niya sa dating girlfriend.
"Sapalagay mo ganoon lang kadali?" Naluluhang tugon ng dalaga.
"Ginamit lang kita, Cesca. Kailanman, di kita minahal."
Pagkatapos niyon, binitawan na rin ni Tristan si Francesca at iniwan na lang itong mag-iisa na umiiyak.
Labis-labis ang naramdamang pagkamuhi ng binata sa dating nobya dahil sa ginawa niya kay Caroline. Wala siyang kinalaman rito dahil ang binata lang naman ay may gawa ng lahat.
Pumasok siya ng bahay na kita ang galit sa kanyang mukha. Napansin rin iyon ng kanyang magulang na ikinagulat nila.
Sinubukan nilang sundan ang anak at kumatok sa kwarto subalit hindi sila pinagbuksan nito.