Dalawang linggo matapos mag-file ng leave si Cedric sa kanyang trabaho. Hindi rin siya mapakali nang makita niya sa ganoong sitwasyon si Caroline. Labis ang pagkaawa na nararamdaman niya.
Teka, pagkaawa nga ba ang nararamdaman niya sa dalaga? O may kakaiba siyang nararamdaman para rito. Hindi normal ang ganito na sobra siyang nahihirapan kapag nakikitang nasasaktan ang dalaga.
Ngayon, naglalakad na siya papasok ng kanyang opisina. Binuksan niya ito at bumungad sa kanya si Chelsea na abot hanggang tainga ang ngiti nito.
"Masaya ka na?" Sarkastikong saad ni Cedric kasabay ang padabog na inilapag ang gamit sa mesa.
"Ofcourse! Sino di matutuwa sa nangyari." Masayang tugon ni Chelsea na labis pang ikinainis ni Cedric. "Wala na ang babaing 'yon dito. Hindi siya nababagay sa'tin saka kinuha lang niya si Leander kay Mari eh."
"Huwag ka na magkunwari, Chel." sabi ng binata na ikinagpataka naman ng dalaga.
"Wait, what?" Naguguluhan nitong tanong. Napangisi siya, "Don't tell me pinagtatanggol mo ang hampas-lupa na 'yon kaysa sa akin!"
Sa binitawang salita ni Chelsea mas nakaramdam pa ng pagkainis ng binata.
"Mark your word, Chel. You have no right to say that to her." Naiinis pero pinapakita ni Cedric na kalmado pa rin siya.
"Wow!" Pumalakpak nang malakas si Chelsea. "Ano ipinakain sa'yo ng babaing 'yon at nagawa mo siyang ipagtanggol kaysa sa amin ni Marinela na childhood bestfriends mo."
"Please, huwag mo idamay si Marinela dito because in the first place ikaw ang naglagay sa ganitong sitwasyon."
Napakunot ng noo si Chelsea sa binanggit ni Cedric. Hindi niya pa rin matukoy kung ano ang tinutumbok ng binata sa kanya.
"What are you talking about, Ric?" Naguguluhan pa ring tanong ni Chelsea sa matalik na kaibigan.
Ngayon, si Cedric naman ang ngumisi.
"Ano sinasabi mo ah, Ric?" Hindi mapakaling saad ni Chelsea.
"Di ba ikaw ang nag-utos na pasabugin ang eroplano na sinasakyan ni Marinela?" Laking gulat ng dalaga nang sabihin sa kanya ng binata iyon.
Akala niya hindi ito malalaman ni Cedric. Natatanging siya at kanyang mga inutusan ang nakakaalam niyon.
"Paano mo nalaman?" Gulat pa ring tanong ni Chelsea.
"Hindi na importante kung saan ko nalaman ang totoo. Ang gusto ko malaman kung bakit ginawa mo 'yon sa best friend natin?" Tintitigan maigi ni Cedric si Chelsea upang basahin ang reaskyon nito.
"Dahil ba sa'kin?" Napalingon ang dalaga mula sa pagkakayuko nang sambitin iyon ng binata.
"Hindi totoo 'yang sinasabi mo." Nagmamaang-maangan na saad ni Chelsea kay Cedric.
"Don't deny it, Chel. Ano na lang kaya magiging reaksyon ni Mari kapag nalaman niya 'to? Iyong ipinagkakatiwalaan niyang kaibigan ay nagpahamak sa kanya...."
Hindi natuloy ang sasabihin ni Cedric nang harangan na siya ni Chelsea.
"Hindi totoo 'yan. Nag-iimbento ka lang ng kwento." Pagdi-deny pa rin ng dalaga sa kanyang ginawa sa kaibigan ng tatlong taon ng nakalilipas.
Muling napangisi nang mapait si Cedric, "Actually, noon hindi ko inaakala na ginawa mo 'yon kung di ko narinig ang pinag-usapan niyo." patuloy sa paglalahad ng katotohanan ni Cedric.
"Please, Ric huwag mo sasabihin 'to sa kanya." Nanginginig na tugon ni Chelsea sa binata.
Matagal na niyang binaon sa limot ang tungkol doon kaya laking tuwa na lamang niya nang malamang buhay pa pala si Marinela. Nakaligtas raw kaagad ito sa isang airplane crush.
Ayon sa kwento sa kanya ng best friend, kaunti lang sila nakaligtas noon. Napadpad sila sa isang di kilala na isla at tumagal ng mahigit isa't kalahating taon sila roon.
Mabuti na lamang mayroong mga dumayo sa isla na 'yon at nakita sila. Nagulat rin si Marinela nang ikwento sa kanya ni Chelsea tungkol sa kamukha nito. Kaya naman, binalak niyang magpakita sa boyfriend nitong si Leander sa mismong kaarawan at paraan siraan na rin si Caroline.
"Hindi ko sasabihin sa kanya pero mayroong kundisyon..."
Kaagad pumayag si Chelsea sa agreement nila ni Cedric basta huwag lang mahahalungkat ang tungkol sa nakaraan dahil kundi makukulong siya.
"Iiwasan mo ang pangugulo kay Caroline." Napatawa nang malakas si Chelsea nang marinig ang kondisyon na 'yon.
"May gusto ka ba talaga sa babaing 'yon ah? Nagawa mo siyang ipagtanggol sa akin na matagal mo ng kilala." Nakangisi pa ring saad ni Chelsea.
"I love her." Napapikit saglit si Cedric matapos sambitin ang salita na 'yon.
Inamin na niya sa sarili pati sa harap ng matalik niyang kaibigan ang tungkol sa feelings niya kay Caroline. Matapos niyang ma-realized ang lahat ng bagay tungkol kay Caroline nagbago ang pagtingin niya dito.
Sa una talaga gusto niya lang makipagkaibigan dahil na-guilty siya sa kanyang ginawang paninira sa babae. Pero, habang tumatagal at sa parating nakikita niya ang dalaga nag-iiba na ang kanyang nararamdaman. Naging espesyal na sa kanya ang dalaga.
Alam niya sa kanyang isip na impossibleng mapapasakanya si Caroline dahil mahal nito si Leander. Tanggap naman ni Cedric ang lahat at kuntento siya na maging magkaibigan lang silang dalawa. Ayos na sa kanya iyon. Ang mahalaga pa rin naipapakita niya kung gaano ka-espesyal sa kanya ang dalaga.
"You're crazy." Sarkastikong saad ni Chelsea kay Cedric dahil di siya makapaniwala na magkakagusto sa babaing 'yon ang lalaking pinakamamahal niya.
"Bakit siya pa?" Nagtatakang tanong pa rin ng dalaga. "Bakit di na lang ako, Ric?" Nilapitan niya ang binata at niyakap ito subalit marahan na inalis ni Cedric ang nakapulupot nitong braso.
"Bakit iyong dukha na 'yon ang minahal mo sa halip na ako?" Naluluhang sambit ni Chelsea pero di apektado si Cedric. "I think you're just confusing. Baka si Marinela pa rin ang mahal mo..."
"Wala na akong feelings kay Mari. Matagal na akong naka-move on sa kanya. Ang nararamdaman ko para kay Caroline ay iba sa nakaraan." Paliwanag ni Cedric subalit hindi pa rin makapaniwala si Chelsea.
"Hindi totoo 'yan. Now, tell me that you are just lying." Di-makapaniwalang saad ni Chelsea sa kanya.
"Why I need to lie? Totoo ang sinasabi ko, Chel. I love her at wala ng makakapigil pa sa'kin." Patuloy pa ring pinapaliwanag ng binata sa matalik na kaibigan ang katotohanan tungkol sa nararamdaman niya para kay Caroline.
Ngumisi si Chelsea ng sarkastiko, "Sapalagay mo gusto ka rin niya?"
Nalungkot bigla ang mukha ni Cedric pero hindi niya ipinahalata sa dalaga. Alam na naman niyang talo siya pero di ibig sabihin niyon hindi na siya magpapatuloy.
Ang love ay hindi siya 'yong mararamdaman mo lang kundi pwede mo siya gawing inspirasyon para patuloy na mamuhay. Makita lang na ayos ang mahal mo masaya at kuntento ka na roon. Hindi na kailangan maghangad ng mas higit pa kundi mas masasaktan lang ang damdamin.
"Hindi ka niya magugustuhan dahil ang tipo ng babaing 'yon ay isang mayaman at maginoong lalaki na tulad ni Leander." Pagmumukha pa sa kanya ni Chelsea na kung gaano siya ka-reject kay Caroline.
Mas nakakaramdam na siya ng pagkainis sa kanyang naririnig pero pinili niya pa rin kontrolin ang emosyon.
"Can you please shut up?" Saka na niya tinalikuran si Chelsea at naupo muli sa dating pwesto.
"Hindi mo kasi matanggap na hanggang...."
"Di ka ba titigil? O baka gusto mo sabihin ko na ngayon kay Mari ang buong katotohanan." Natigilan si Chelsea at padabog na lang na umupo sa kanyang kinaroroonan.
Masasabi na wala ng pag-asa si Chelsea kay Cedric peeo di niya ito susukuan. Hindi siya 'yong tipo ng babae na mananahimik na lang at walang gagawin. Kukunin niya ang dapat para sa kanya.
Ganoon niya kamahal si Cedric simula noong mga bata pa lang sila kaya saksakan siya ng inggit sa kanyang best friend na si Marinela. Nasa kanya kasi ang buong atensyon ni Cedric.
Pagsapit ng lunchbreak, di nag-atubiling hintayin ni Cedric si Chelsea para sabay na sila kumain katulad noon. Hindi na niya kayang samahan ang kaibigang kriminal. Kung noon nagagawa pa niyang sabayan kahit alam na niya ang totoo pero ngayon mas mabigat na ang kanyang loob sa dalaga.
Pagkatapos ng office hours, napag-isipan ni Cedric na puntahan niya si Marinela. Wala, gusto niya lang kamustahin at bisitahin ang matalik na kaibigan.
Mabilis siyang nagbihis at naglakad palabas ng office nang mapansin ito kaagad ni Chelsea.
Mabilis siyang nakarating ng mansion ni Marinela. Kaagad siyang pinapasok ng mga katiwala nito at bumungad sa kanya ang nakangiti na matalik na kaibigan na si Marinela.
"Hey. Long time no see, Ric!" Bungad nito sa kanya.