9

411 Words
Ninth Entry December 04, 20X0 Friday Congratulations, ENGR. Paul Marco R. Angeles! Engineer ka na talaga. Nakakaproud na ipagmalaki na boyfriend kita, kaso hindi na pala tayo. Sorry, Marco. Nahirapan ka nag sobra nung naghiwalay tayo na ako naman ang may kagagawan at ako naman ang may kasalanan. Mahal kita (sobra) at mahal mo ako. Unfortunately, we can’t be each other’s end game. Sa mga nakaraang buwan nakita ko ang pagpipilit mo na maalis ako sa sistema mo. Sa mga arawng buwan na iyon nakikita ko parin na dumaraan ka sa bahay naming kahit hindi mo na man kailang daanan iyon para makapunta sa pinag-o-OJT-han mo. Nung una ay pinipilit mo rin na huwag tayong maghiwalay. Sabi mo pa ng ana ayos lang na hindi tayo magkita wag lang maghiwalay tayo. Hindi ang di natin pagkikita ay parang paghihiwalay na rin kung maituturing? July 20X9. Pinipilit mong makipag ayos at mas pinipilit kong kumalas. Birthday mo nung nagumpisa na naman akong umalis. Naglasing ka nang umaga, magwala ka ng hapon at nawala ka kinagabihan. September 20X9. Dahil di mo parn tanggap na wala na tayo, hinanap mo akong muli. Nakita ko na kung kanikanino ka nagtanong at kung saan saan ka nagpunta pero bigo pa rin na nahanap ako. December 20X9. Galit nag alit na sayo ang magulang mo dahil imbis na pag-o-OJT lang ang inaasikaso mo iba ang mga pinag gagagawa mo. Buti na lamang ay maimpluwensyang tao ang tatay mo at nagawan ng paraan ang mga absences mo. Galit na galit ka na rin sa akin. January 20X0. Sumuko ka na talaga sa paghahanap sa akin at inaalis mo na ako sa sistema mo. *** Nakaupo ako sa swing na ipinalagay ng magulang ko sa garden para sa akin. Tapos na ang awarding ng badges at license nyo ngayon. Pinanuod kita mula sa malayo, na lagi ko namang ginagawa, habang ginagawad sayo ang lisensya mo. Masaya ka, yung totoong masaya. Siguro nga ay nakamove-on ka na mula sa mga sakit na idinulot ko sayo. Masaya ka na at masaya rin ako para sayo. You deserve all the good things na nakukuha mo at hindi ako good thing para sayo kaya hindi mo ako deserve. Narinig kong may huminting sasakyan sa labas ng aming tahanan. Mayamaya ay nakita kitang pasuray suray na naglalakad palapit sa akin. Huminto ka sa harap ko. Itinaas ang mga nasa kamay mo—badges, diploma at lisensya sa pagiging Inhenyero. Ngumiti ka, ngunit wala ang kislap sa yong mata, at sinabi mong “Soul, nagawa ko na ang lahat. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Pati na rin ang kalimutan ka.” … Bakit ako wala akong magawa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD